Katty’s POV
Tinignan ko ng maigi ang suot kong pencil skirts and spaghetti top sa tapat ng salamin. Two inches above the knee ang suot kong skirt para siguradong sexy ang dating ko sa mata ni Patrick. Ngayon kasi ang unang araw ko sa pagiging secretary ni Patrick
Nang masigurado kong ayos na ang itsura ko isinuot ko na ang cardigan ko at kinuha ang bag ko tsaka lumbas ng condo na tinutuluyan ko. Balak kong maglakad na lang papunta sa kumpanya ni Patrick tutal malapit lang naman ‘yun sa condo ko. Wala rin kasi akong dala na kotse dito sa Manila at wala rin akong balak dahil hindi ako sanay magmaneho dito sa ma-traffic na lugar na ‘to.
Inilabas ko ang cellphone ko ng marinig kong mag ring ito. Agad ko itong sinagot ng makita ko na si Chard ang caller.
[What the f*ck, Katty! Nandito ka pala sa Manila at hindi mo man lang sinabi sa akin]
“Sorry, Chard”
[Bakit ba nandito ka? Hindi ka pa rin ba sumusuko kay Patrick?]
“Alam mong wala sa lahi natin ang pagsuko”
Natatawang sambit ko habang naglalakad papunta sa kumpanya.
[Alam mong babaero ‘yan pero tuloy ka pa rin? Sinabihan na kita na masasaktan ka lang sa lalaking ‘yan]
“Ang advance mo mag-isip, Chard. Alam kong magugustuhan rin ako ni Patrick at sigurado akong hindi niya ako sasaktan. Bye na!”
Ibinaba ko na ang cellphone ko at tinurn-off para hindi na makatawag pa si Chard. Sigurado akong pipigilan lang ako ni Chard sa gusto kong gawin.
Ipapasok ko na sana sa bag ko ang cellphone ko ng may biglang humablot nito. Nanlaki ang mata ko ng mabilis na tumakbo ang lalaki na humablot nito.
“Magnanakaw! Magnanakaw!” Histerikal na sigaw ko at tumakbo para mahabol ang magnanakaw.
Wala na akong pakielam kung naka-heels man ako. Nakita kong tumawid siya sa pedestrian lane kaya tumawid rin ako pero hindi ko akalain na matatapilok ako. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko makaya dahil sa sakit ng pagkakatapilok ko.
“Hoy! Gusto mo bang magpakamatay?!”
“Umalis ka diyan sa daanan!”
“Huwag mo kaming idamay sa kalokohan mo!”
Sigaw ng mga nagmamaneho ng kotse. Hindi ko alam kung paano ako makakatayo nito. Nagulat ako ng biglang may bumuhay sa akin. Pag-angat ko ng ulo ko nakita ko ang pinaka gwapong lalaki sa buhay ko.
“Akala mo yata nasa probinsya ka pa rin eh. Bakit mo naman naisipan na tumakbo sa gitna ng traffic dito,” kunot noong tanong niya.
Pagdating sa kotse niya agad niya akong isinakay sa front seat ng kotse niya. Umikot siya sa kabilang side at sumakay tsaka nagmaneho.
“Hinahabol ko kasi ‘yung magnanakaw na humablot ng cellphone ko,” sagot ko.
“Nanakawan ka? Dapat hindi mo na hinabol pa. Madali lang palitan ang cellphone pero kapag napahamak ka mahirap palitan ang buhay,” nag-aalala niyang sambit.
Hindi ko mapigilan na kiligin dahil concern siya sa akin. Kahit papaano nagkakaroon ako ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang pagmamahal ko sa kanya dahil alam kong concern siya sa akin.
“Sayang yung cellphone ko, marami pa naman akong pictures mo dun,” sambit ko.
Ang buong gallery ko doon ay ang laman lang ay puro mukha ni Patrick. Tuwing umuuwi siya sa Guimaras palagi ko siyang palihim na kinukuhanan ng litrato.
“Mas iisipin mo pa ba ang picture ko dun? Pwede mo naman akong picturan ulit,” sambit niya. “Kayong mga babae talaga sakit kayo sa ulo naming mga lalaki,” dagdag niya pa.
“Sakit pala sa ulo ang babae pero bakit ang dami mong babae?” Kunot-noong tanong ko sa kanya.
“Madami nga akong babae pero hindi ko naman sila pinagsasabay-sabay. One f**k mate a day, hindi kasi uso sa akin ang threesome,” aniya.
“Baka naman may sakit ka na niyan? O baka naman may nabuntis ka na,” nag-aalalang sambit ko.
Kapag nagkasakit siya o nakabuntis ng ibang babae hindi na kami pwedeng maging mag-asawa.
“Uso naman sa akin ang protection,” sagot niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil gumagamit naman pala siya ng protection niya. Mabuti ng maingat siya ngayon dahil para rin naman ‘to sa future namin. Sooner or later mawawala rin ang pagiging babaero niya at mag se-settle siya sa akin.
“Anyways, bakit ba naglalakad ka lang papasok sa kumpanya? Wala ka bang dalang kotse dito?” Tanong niya sa akin habang diretso pa rin ang tingin sa kalsada.
“Hindi na ako nagdala dahil malapit lang naman ang condo ko sa kumpanya mo,” sagot ko.
“Teka, huhulaan ko kung saan ang condo mo. Doon ka nag co-condo sa condo na tinitirhan ko ‘no,” sambit niya na may halong kumpyansa.
“Bingo! Ang galing mo! Doon ko talaga napili para parehas tayo. Actually magkatabi lang tayo ng condo unit,” nakangiting sambit ko.
Bago ako pumunta dito sa Manila inalam ko muna kung saan ba nakatira si Patrick. Nang malaman kong sa isang condo siya nakatira agad kong binili ang bakanteng condo unit na katabi ng kanya.
“Seryoso ka ba? Ganun mo ko kagusto kaya doon ka tumira sa tabi ng condo unit ko?” Natatawang tanong niya sa akin.
“Marami pa kong kayang gawin para sayo. Kaya kong maghubad para sayo. Walang mahirap sa akin pagdating sayo. Lahat kayo ko basta para sayo,” nakangising saad ko.
“Gusto mo ba talagang mapatay ako ni Chard?” Pabirong sambit niya.
“Si Chard? Ako bahala sayo. Syempre hindi kita hahayaan na saktan ng mokong na ‘yun,” sambit ko.
Kahit papaano naman ay may alam ako sa pakikipag laban dahil nag-aral ako noon ng taekwondo. Kaya kung may manakit man kay Patrick handa akong sipain kung sino man siya kahit si Chard pa ‘yun.
“Napaka prangka talaga ng bibig mo. Lahat ng iniisip mo nasasabi mo,” aniya.
“Gusto mo ng totoong prangka talaga?” Tanong ko sa kanya.
Napakunot noo naman siya at tumingin sa akin pero binalik rin agad ang tingin niya sa kalye.
“What do you mean?” He curiously asked.
“I want that,” I answered.
“Anong gusto mo? Hindi ka pa ba nag bre-break fast at gusto mong kumain,” sambit niya pero umiling ako.
Huminga muna ang ng napakalalim at nilakasan ko ang loob ko tsaka sinabi ang gusto ko.
“I want to be your f**k mate, Patrick.”
To Be Continue...