Katty’s POV Busy ako sa pag-aayos ng pagkain namin ni Patrick para sa picnic namin ngayong araw ng bigla niya kong yakapin mula sa likuran ko. “May problema ba? Kanina pa kita pinapanood habang nag-aayos ka at hindi ka man lang ngumingiti,” sambit niya. Nandito kaming dalawa sa loob ng kitchen ng condo ko. Ika-apat na araw na bilang boyfriend ko siya at nag decide si Patrick na mag picnic na kami ngayon dahil bukas na ang alis namin papunta sa private resort ni John Paul para sa beach anniversary party ng J and P Corporation. “Ok lang ako,” sagot ko at pinagpatuloy na ang paglalagay sa basket ng mga pagkain namin. “Sa akin ka pa talaga mag sisinungaling, Katty? Kilala kita kaya alam kong may problema ka,” seryosong sambit niya at pinaharap ako sa kanya. Ngayon magka