Handang pasukin ni Amanda Estrada ang lahat maibigay lang ang pangangailan ng kanyang anim na taong gulang na anak na lalaki.Responsable. Mapagmahal. Matyaga. Masipag.Walang tigil ito sa pagta-trabaho magampanan lang ang responsibilidad niya bilang isang ina.Makapangyarihan. Mayaman. Kilala. Kinatatakutan. Matalino. Iyan si Mayor Maxwell El Ferro. Iginagalang ng karamihan. Sa edad na 34, ito ay binansagang pinakabatang mayor sa syudad.Paano kung biglang mag krus ang kanilang landas? At paano kung matuklasan nila ang sikreto ng bawat isa? May pagasa kayang magkaroon ng forever kung alam nilang pareho na mali ang papasukin nilang relasyon?