Sa unang pagkakataon, nagbukas ang mga rehas na nakapaligid sa mansyon ng mga Barcelona. Pinagmasdan ni Alison ang unti-unting pagdami ng bisitang pumapasok sa kanilang bakuran. Ngayon kasi ang araw ng pamamanhikan ng mga Villaroman tulad ng sabi ng kanyang Lola Pontia kahapon. Hindi niya akalain na ganito kagarbo ang tradisyon ng pamamanhikan sa lugar na ito.
"This isn't normal." Napalakas na bulong niya sa sarili at umiling-iling.
"Wala namang normal sa lugar na 'to." Isang tinig mula sa kanyang likuran ang nagpalingon sa dilag at tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Herra. May dala itong mga damit na sa hula niya'y ipinapasuot sa kanya ng kanyang ina. Si Herra ay anak ng punong katiwala sa mansyon kaya't kasabayan niya rin na lumaki ito.
"Naipaliwanag na pala sa'yo ni Eleonor." Basag nito sa pananahimik niya.
Muli siyang bumaling sa labas ng bintana at napabuntong-hininga. Muling bumalik sa kanya ang mga katotohanang isiniwalat ni Eleonor kagabi tungkol sa lugar na ito. Hindi pa rin tuluyang natatanggap ng kanyang sistema ang mga iyon. She wasn't able to sleep well because of it.
"Alam mo rin pala." May himig ng panghihinayang ang tono ni Alison. Naisip niya kasi na kung hindi sila napalayas sa mansyon noon, mas naging madali siguro sa kanya ang pagtanggap sa lugar na ito. "How was it?"
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Herra habang sinasalansan ang mga damit sa ibabaw ng kama.
"Naging madali ba tanggapin na sa ganitong lugar tayo lumaki at nakatira?" Tuluyan siyang humarap sa kausap upang makita ang reaksyon nito.
Natigil ito sa pag-aayos at ginantihan siya ng makahulugang tingin. "Hindi. Paanong magiging madaling tanggapin na hindi ka pala normal?" serysong sagot nito at unti-unting puminta ang mapait na ngiti sa maamo nitong mukha.
"Parang naging kasinungalingan lahat ng pinaniniwalaan natin noong mga bata pa tayo."
"Pa’no mo nalaman? Sinabi ba nila sa'yo?"
Umiling ito. "Madaming nangyari noong nawala kayo at mamatay si Sir Ramses - " Bahagyang natigilan ito nang mabanggit ang pangalan ng kanyang ama. "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mabanggit siya."
Ngumiti si Alison bilang pahiwatig na ayos lang ito sa kanya. "Ayos lang. It's been too long anyway, it doesn't hurt as much as before whenever I hear his name."
"Wala ka pa rin bang naaalala noong araw na mamatay siya?" Maingat na pagtatanong ni Herra. Alison could tell that she was eyeing her reaction to the question.
"Pano mo nalaman na wala akong maalala?" nagtataka at balik usisa niya dito. Napakunot ang kanyang noo. Her lost memories were not known by many. Walang nakakaalam noon kundi ang kanyang ina at si Madison lamang. Hindi agad nakasagot si Herra. Halatang hindi nito intensyon na mabanggit sa kanya ang sensitibong bagay na 'yon.
"Herra, tinatanong kita." matigas niyang paguulit.
"Alison - "
Nagambala ang pagsasalita nito nang marinig ang pagbukas ng pinto. Kapwa silang napatingin sa direksyon na 'yon at nakitang pumasok si Madison.
"Anong problema? Ba't parang nakakita kayo ng multo?" nagtatakang tanong ng kapatid nang makita ang gulat na mukha nila ni Herra. "Am I interrupting something?"
"A-Ah. Hindi. Iiwan ko lang dito yung mga damit. Excuse me." Nagmamadaling humakbang patungo sa pinto si Herra at tumango muna kay Madison bago tuluyang umalis.
"What was that?" naguguluhang puna ng kapatid.
Nagbuntong-hininga si Alison. Pakiramdam niya'y pati ang tadhana'y hindi siya hinahayaang malaman ang katotohanan. She knows that knowing her father's cause of death is a step closer into knowing this mysterious place. Alam niyang may mali sa mga naaalala niya. Kaya sa susunod na magkaroon siya ng pagkakataon, hindi-hindi na niya ito palalagpasin.
Umiling siya at pilit na ngumiti. "Bakit ka nandito? Aren't you supposed to be getting ready? Darating na ang mga Villaroman." pagiiba niya sa usapan at muling sumulyap sa labas ng bintana.
Napawi agad ang malapad ma ngiti sa labi ng kapatid."I know. I'm just checking on you. Please don't do anything rash, okay?" paalala ni Madison kasabay ng paglakad nito papunta sa kanya at dahan-dahan na paghaplos ng kanyang buhok.
"Tandaan mo, lahat ng ginawa at gagawin namin nila lolo ay para sa'yo."
Akma pa sana siyang aalma ngunit natigilan siya nang hagkan ng kanyang kapatid ang kanyang noo. Mabilis din itong nagmartsa palabas ng silid bago pa man siya muling makapagsalita. She was left there speechless and clueless. Anong ibig sabihin ni Madison? Why is it all for her?
Matapos makapag-ayos ni Alison, agad siyang humakbang palabas ng kanyang silid. Hindi pa man siya nakakababa sa pinagdadausan ng kasiyahan ay naririnig niya na ang mga halakhakan at kwentuhan. She sighed, this means the guests were already cramped at the venue and she have to brace herself.
"Ganito na pala ngayon ang pamamanhikan? How fancy.” Sarkastiko ngunit mahinang bulong niya.
"Well, it's part of the tradition." Bungad ni Eleonor habang naglalakad papalapit sa kinatatayuan niya.
"That bullshit tradition." Lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman niya nang maalala ang mukha ni Madison kanina. She wants to comfort her so badly but she knows it won't help. Wala siyang magagawa para pigilan ang kasalang magaganap.
"You need to be alert, Alison." babala ng kanyang pinsan kasabay ng pagtapik sa kanyang balikat. "Maraming Villaroman na dadating. They'll have their eyes on you."
Kumunot ang noo niya sa narining. "Me? Bakit ako? Eh di ba si Madi ang ikakasal?"
Unless, nandito din siya. Bulong niya sa sarili. Hindi niya maiwasan na maisip ang mga naganap kagabi. Gusto niyang makita muli ang estrangherong 'yon sapagkat nakakaramdam pa rin siya ng inis sa tuwing naiisip na ninakaw nito ang una niyang halik. Kung magkakadaupang-palad man sila'y sisiguraduhin niyang masasampal niya ito.
"Hindi mo ba alam ang mangyayari pag kinasal na si Madison?" Seryosong tanong ni Eleonor. "You'll be the next head of this household. Ikaw ang magiging tagapag-mana ng mga Barcelona. That's why they'll keep their eyes on you."
Alison snorts. "Nah. I don't think so. Hindi papayag si Lola Pontia. You know she hates me."
"It's a decision that even Lola can't change. You are tito Ramses’ daughter, the eldest of us next to Madison."
Gustuhin man niya na sumegunda ng tanong sa pinsan ay mabilis din itong nawala sa kanyang tabi. Before she knew it, Eleonor was already stepping down the stairs. She was once again left clueless of the situation. Ang tanging nagawa niya na lamang ay magmatiyag sa mga bisita mula sa itaas ng hagdanan.
"Now, which of you shall I beware of?" Mapanuyang bulong niya sa sarili.
Habang sinusuri ang bawat bisitang nakikita, isang pares ng mata na nakatingin sa kanyang direksyon ang nagpatigil sa kanyang pagiisip. Nanlaki ang mga mata niya nang makumpirma ang kanyang hinila. That was the guy last night! Hindi siya maaaring magkamali 'pagkat sariwa pa sa alaala niya ang kislap ng mga mata nito.
Nagmadali siyang bumaba ng hagdanan upang puntahan ang kinatatayuan ng lalaking 'yon. Sumalubong agad sa kanya ang dami ng bisitang nasa bulwagan kaya't bahagya siyang napatigil. Patuloy na hinahanap ng mga mata ng lalaking namataan niya kanina. Maya-maya pa'y nakita niya itong papalabas ng bulwagan kaya't mabilis din siyang kumilos upang sundan ito.
"Alison? Saan ka pupunta?"
Tinig iyon ng kapatid na si Madison ngunit hindi niya na 'yon nabigyan ng pansin. Nilagpasan niya lang ito at si Eleonor saka nagpatuloy sa paglalakad palabas. Hindi niya alam kung bakit ganito siya ka-desperado sa paghabol sa misteryosong lalaking iyon. Dahil lamang ba gusto niya itong sampalin? But out of all that happened to her in this mansion, her encounter with him was the most extraordinary thing she had ever seen. Ito rin ang naging daan upang malaman niya ang katotohanan sa lugar na ito.
Narating niya na ang hardin ngunit ni anino nito'y hindi niya naaninag. Nakakasigurado siyang dito lamang maaaring magpunta ang binata base na rin sa direksyon na tinahak nito.
"Nasa'n na 'yon?" litong tanong niya sa sarili habang hinihingal at lumilinga-linga sa paligid.
"Are you looking for me?"
Napalunok siya nang marinig ang boses na 'yon. She was certain that it was the voice of the same guy who threatened her last night. Dahan-dahan niyang nilingon ang pinanggagalingan ng boses at halos malaglag na lang ang kanyang panga sa gulat.
"W-What.."
Hindi niya halos masambit ang nais niyang sabihin bunga matinding pagkamangha. Yes, it was the guy last night as she suspected but - he has wings? Hindi mapaliwanag ni Alison sa sarili niya ang nakikita ng kanyang dalawang mata. Nakapako ang paningin niya sa malalapad na balahibong nasa likuran ng lalaki. Kung hindi pakpak ang tawag d'on, ano pa nga ba?
"S-Sino ka ba?" Alam niyang hindi 'sino' kundi 'ano' ang dapat itanong niya dito ngunit hindi niya maisaayos ang isipan niya.
"Kung gusto mong malaman, sumama ka sa'kin."