Namamayani ang mahabang katahimikan sa pagitan ng dalagang si Alison at ng kaniyang Lolo Rogelio. Matapos ang kaguluhan sa may bulwagan, inimbitahan siya ng matandang pinuno ng mga Barcelona sa isang silid upang sila'y masinsinang makapag-usap. Kanina pa niya hinihintay na magsalita ito ngunit kalahating oras nang nakakalipas mula noong nakapasok sila sa kwarto'y wala ni isang kataga o tunog ang namutawi sa bibig nito. Napansin niya na nakatitig ito sa dingding kung saan nakasabit ang isa pang larawan ng kaniyang tiyahin na si Celeste. Bakas sa mukha nito ang lungkot habang nakatitig sa imaheng iyon, kaya't gustuhin man niyang pukawin ang atensyon nito ay hindi niya magawa. "Nabanggit ko na sa inyo kung gaano ko pinagsisihan ang pagpapa-kasal ni Celeste sa mga Villaroma