"Kung gusto mong malaman, sumama ka sa'kin."
Those words sounded absurd but Alison remained still. Para bang may kung anong salamangka ang mga katagang iyon para matigilan siya ng ganito. Nakalahad ang palad nito sa harapan niya at hinihintay ang kanyang sagot. Nakakatawang isipin na sumasagi sa isipan niya ngayon na tanggapin ang alok nito. She thought that escaping this horrid place wouldn't be a bad idea.
Baliw ka na, Alison. Bulong niya sa kanyang isipan at umiling.
Bumalik siya sa normal niyang postura. Sinubukan niyang iwaglit sa kanyang isipan ang labis na pagkamangha sa misteryosong lalaking ito. Matapos ang mga narinig niya kay Eleonor kagabi, kailangan niyang unti-unti nang tanggapin na hindi pa ito ang huling beses na makakakita siya ng mga kakaibang nilalang at pangyayari.
"Bakit ako sasama sa'yo?" Humugot siya ng malalim na paghinga upang mapakalma ang sarili.
Isang nakakalokong ngiti ang gumapang sa labi ng estranghero. "Because I want you to?"
Nalaglag ang panga ni Alison sa kumpiyansang at aroganteng sagot nito sa tanong niya. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis dito. Forget about his enormous wings and his tantalizing eyes - he must be a conceited jerk.
"Hah?" Sarkastikong singhal niya kasabay ng hindi niya napigilan na pagtaas ng kanyang kilay. "What makes you think that I’ll come with you just because you want me to?"
Lalong lumapad ang ngiti nito at marahang tinapik ang daliri sa labi. "Huwag mo sabihin na nakalimutan mo na, Alison Florence Barcelona?"
Umakyat ang init sa pisngi niya nang mapagtanto ang ibig iparating nito. Tuwing naaalala niya ang kaganapang iyon ay nakakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang dibdib. Kaagad niyang iwinaglit ang pangyayari sa isipan at lihim na kinastigo ang sarili.
"Paano mo nalaman ang buong pangalan ko?" Gulat na puna niya. Not everyone knows her full name. Sa tingin niya'y miski si Eleonor at Herra ay hindi alam ang pangalawang pangalan niya na Florence.
"How can I not know the name of my woman?" Sagot nito kasabay ng isang kindat.
Tuluyang nagpintig ang tenga niya sa huling katagang iyon. My woman. Matapos nakawin ang unang halik niya, ngayon nama’y pinaglalaruan siya nito? Who’s this guy?
"Alison, saan ka ba - "
Napalingon si Alison sa kanyang likuran kung saan nanggaling ang tinig na gumambala sa pag-uusap nila ng estranghero. Tumambad sa kanya ang gulat na mukha ni Eleonor.
"Eleonor?" Tawag niya dito pero tila hindi sa kanya nakatutok ang atensyon nito.
Muli siyang bumaling sa kausap kanina ngunit natigilan rin siya. Wala na ang mga pakpak nito at ang mga mata nitong kumikislap kanina'y naging normal na lamang.
"Gael Villaroman?"
Gael? Paguulit ni Alison sa sinabi ni Eleonor sa kanyang isipan. Dito na nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi ba't Gael ang pangalan ng papakasalan ng kanyang kapatid na si Madison?
"Nice to meet you both, Eleonor - " Muling inilahad nito ang palad sa harapan niya upang makipag-kamay. "and Alison."
She looked at him in disbelief. Ang antipatikong lalaki na nagnakaw sa kanya ng halik kagabi at ang lalaki na pinipilit ipakasal sa kanyang kapatid ay iisa pala? Hindi niya napigilan mapasinghap sa gulat at inis na umaakyat sa kanyang isipan. And amidst knowing that, this guy still called her his woman? What game was this winged playboy trying to play?
"Okay ka lang ba?" May himig ng pagaalala ang tono nito.
Tumango-tango siya at huminga ng malalim. Nang magawang pakalmahin ang sarili’y umagat siya ng tingin at ngumiti.
"Nice to meet you, too." Masiglang bati niya at tinanggap ang pakikipagkamay nito.
Nang magtagpo ang kanilang kamay, mabilis na napawi ang ngiti sa labi ni Alison. Mariin niyang inapak ang kanyang paa sa paa ni Gael kaya't napangiwi ito.
"Go to hell." Malakas niyang bulalas at mabilis na magmartsa palayo.
"Ano 'yon, Alison?" Makailang ulit na tanong na ni Eleonor kay Alison mula noong bumalik sila sa bulwagan ngunit hindi niya ito magawang sagutin. Hanggang ngayon kasi’y nanginginig pa rin ang laman niya sa gigil. "Bakit magkasama kayo ni Gael sa hardin?"
"Shhh!" Saway niya sa kanyang pinsan at luminga sa paligid. "Wala. Nagkasalubong lang kami."
"Really?" Panunuya ni Eleonor at siniko ang dilag. "Eh bakit parang inis na inis ka sa kanya? Sabihin mo na kasi ang totoo."
Nagbuntong-hininga siya at tuluyang nagpatalo sa kakulitan nito. "Siya 'yung lalaki kagabi." Pag-amin niya.
"Ah, kaya pala." Malumanay na saad nito habang tumatango-tango. "Pero bakit galit na galit ka? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na - "
"Hinalikan niya 'ko." Putol niya sa pagpapaliwanag ni Eleonor.
Natigilan ito at napa-awang ang bibig sa gulat. "H-Hinalikan? He did?"
"I know right? Napaka-bastos lang talaga ng lalaking 'yon."
"Hindi. Hindi 'yan ang ibig kong sabihin." May himig pa rin ng gulat ang tono ni Eleonor. "Wala ka bang naramdaman noong hinalikan ka niya?"
Napakunot ng noo si Alison. "Ano? Ano bang pinagsasabi mo, Eli?"
"Just answer me." Seryosong utos nito.
"Okay, fine. M-Meron." Napilitan siyang magbalik-tanaw sa pangyayari ng gabing iyon. "Parang nanghina ako. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas."
"Paanong nangyari 'yon?"
"Ha? Hindi kita maintindihan, Eli." Naguguluhan na pahayag niya.
"You see, Alison." Napalunok si Eleonor, tila ba nagaalinlangan sa mga katagang bibitawan. "Hindi iyon normal na halik. Hindi pupuwedeng humalik lang kung kani-kanino ang isang Alpha."
"What? I thought he's some playboy who kisses anyone he likes."
"They are the ultimate beings here. Being kissed is like being contaminated. Hindi sila pupuwedeng humalik sa kahit sino, kahit sa atin na mga Beta. Unless, your energies matched." Detalyadong paliwanag ni Eleonor.
"At base sa sinabi mo, hindi malayong ganoon nga ang nangyari sa inyo. He just consumed your energy."
Nagpatong-patong ang mga paliwanag na iyon sa isipan ni Alison. Hindi siya makapagsalita. Hindi naman niya maitatanggi na kakaiba nga ang naramdaman niya sa halik na 'yon ngunit di niya inakala na may ibang ibig sabihin ito.
"If that’s the case, why would they - "
Bago pa man matapos si Eleonor sa nais nitong sabihin ay sunod-sunod na sigawan at balibag ng mga kubyertos ang dumagundong sa buong bulwagan. Natigilan silang magpinsan at napatingin sa kumpol ng mga bisita.
"Isang malaking kahibangan!"
Boses iyon ng kanilang Lolo Rogelio. Nagtinginan sila ni Eleonor at nagpasyang puntahan ang kumpol ng mga bisita upang silipin ang mga pangyayari.
"Si Madison ang ipapakasal kay Gael at matagal na natin itong napagkasunduan." Mariin na saad ni Pontia.
"Wala tayong napagkasunduan." Anang isang matanda na nakatayo sa harapan ng dalawang puno ng mga Barcelona. Napapaligiran siya ng mga lalaking naka-itim na balabal at puting sumbrero.
Sumenyas ito sa gilid, at dito'y lumitaw mula sa kawalan si Gael. Nakangisi ito, at sa hindi malamang kadahilanan ay agad na nagtama ang kanilang mga mata ni Alison. She frowned at him. Her blood is still boiling over what he did.
"Gael, sabihin mo sa lahat ang iyong mga natuklasan." Utos ng matanda.
Tumango ito. " Please pardon my intervention but, I have to ask. Are you planning on letting the only successor of Villaroman wed a woman who is not pure?" Magalang ngunit may panunuyang tanong nito.
"A-Anong ibig ninyong sabihin?" Nauutal na tanong ni Madison.
"You should ask your elders, Madison." Malumanay na sagot ni Gael at napa-palakpak sa hangin. "Ah! Or should I call you my fake fiancee?"
"Aba'y antipatiko talaga - "
Akma sanang susugod paabante si Alison ngunit nagapi ni Eleonor ang braso niya. Umiling ito bilang senyales na hindi dapat siya makialam sa nangyayari.
"Alam namin na tinatago ninyo ang purong dugo ng mga Barcelona." Anunsyo ng matandang puno ng mga Villaroman. "Kung ayaw ninyong maulit ang nangyari noon, aayusin ninyo ang gusot na ito. Binabalaan ko kayo, Rogelio."
Natahimik ang lahat. At sa gitna nito'y naramdaman ni Alison ang pagbaling ng mga mata sa direksyon niya at ni Eleonor. Dahil dito'y humigpit ang kapit ng kanyang pinsan sa kanyang braso.
"What's this?" Pabulong na tanong niya dito.
"Kung hindi si Madison ang purong dugo," Napalunok si Eleonor bago muling magsalita. "Isa sa'tin iyon, Ali."
"P-Purong dugo?" Naguguluhan pa rin si Alison. Lahat ng mga naririnig niya'y hindi niya mai-rehistro sa kanyang isipan. And this commotion is making it worse for her.
"Mayroon akong suhestiyon." Pukaw ni Gael sa katahimikan. "No one wants another war. So, let's make a deal."
"Deal? Anong kalokohan ito?" Mapanindak na singhal ng kanilang Lola Pontia.
"Huwag po kayong umakto na hindi kayo ang nagsimula nito." Tahasang sagot ng binata sa matanda. "Kung hindi kayo sasang-ayon, sa tingin ko'y alam ninyo na ang pupuwedeng mangyari."
Saglit na namayani muli ang katahimikan. Ang bigat ng tensyon ay ramdam ng bawat isa sa loob ng bulwagan.
"Pakinggan natin ang suhestiyon mo, hijo." Wika ng matandang Barcelona.
"Let's join hands." He said as he stared at Alison intently.
Gumapang ang lamig sa katawan ni Alison. Hindi niya alam ang binabalak nito ngunit nakakasigurado siyang may hindi tama sa mga nangyayari.