When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Nakabantay ako lagi sa kilos ni Amanda. Hawak pa namin ang ama nito kaya lahat nang ipagawa ko sa kaniya ay alam kong gagawin niya. Palihim akong nakamasid sa kanila kaya kitang-kita ko kung paano niya ipagtabuyan si Steven na ikinatuwa ko. Sa wakas magkakatotoo na ang pangarap ko. Ang mapasa-akin si Steven. Dumaan ang tatlong buwan at naiinip na'ko dahil hindi pa rin siya nilalayuan ni Steven. "Call her. Sabihin mo na nag hihintay ako dito" utos ko sa bodyguard ko. Maya-maya pa ay dumating si Amanda na takot at tila nanginginig. "Ano pang kailangan mo sa'kin? Sinunod ko na lahat ng pinag-uutos mo. Nakipaghiwalay na 'ko sa kaniya kaya ano pa ba ang kulang?" "Leave. Pumunta kang Canada at palabasin mong nangangaliwa ka" Nanlalaki ang mga mata niya ng balingan ako ng tingin. Tila hindi