Nasa sasakyan niya kami ngayon at patungo sa grocery store. Tinignan ko muna ang mga sinulat ko sa isang pirasong papel at saka sinilip ang ngayon ay ang nakasimangot na driver ko. Kung umasta to parang bata e.
"What?" naiinis na turan nito nang makita na nakatingin ako sa kaniya. Ang sungit!
"Ang gwapo mo po" sabi ko at natawa nang makitang pinipilit niyang hindi mangiti sa sinabi ko kahit na yung labi niya ay umaangat ng kusa. Kilig yan? Haha.
"Marami ang bibilhin mo ngayon?" pag-bubukas niya ng usapan.
"Opo" ikling sagot ko habang tinitext ang anak ko kung kamusta na ito. Uwi na raw ako sabi niya dahil miss na niya ko at ganoon din naman ako pero wala rin akong choice dahil kailangan ko ring gawin ito para sa kaniya.
Malapit nang makuha ni Steven ang tiwala ko. Siguro soon, ipapakilala ko na ang anak namin sa kaniya.
"What are you doing?" tanong nito kaya nag-angat ako ng tingin at nakitang nakakunot na naman ang noo. Tinago ko ang cellphone ko dahil mukha'ng hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.
"Tinext ko lang po ang pamilya ko" sabi ko at nag-iwas nang tingin.
"What's with the formalities?" kunot noong tanong niya.
"Po?" takang tanong ko.
"You keep on saying po, opo and sir. Do I look old?" tumingin ulit ako sa kaniya at natawa nang makitang lukot ang mukha.
Grabe naman tong 'sang to. Kung ganoon, anong gusto niyang itawag ko sa kaniya? Like casual lang?
"e ano ba ang dapat na itawag ko sayo?" tanong ko.
"Sweetheart" sagot niya.
"Huh?" para yata akong nabingi sa narinig.
"I mean Steven" paglilinaw nito at agad na itinuon ang tingin sa harapan.
Steven daw e rinig ko ang word na sweetheart e 'Grabe anak ang landi ng papa mo. No wonder sumama agad ako sa kaniya non kahit na hindi pa ako naka inom ng kahit na anong alak' ani ko sa isipan.
"Okay Steven" sabi ko at binalik ang paningin sa harapan nang biglang huminto ang sasakyan dahilan kung ba't ako napatili. Hawak ang dibdib na balingan ko ng tingin si Steven. Ano bang pumasok sa isip niya?
"What did you say?" tanong nito na sa'kin lang nakatuon ang tingin.
"Huh? May sinasabi ba ko?" takang tanong ko.
"Say it" sabi niya na ikinagulo ng utak ko lalo. Ano bang sasabihin ko?
"My name. Say my name once again" sabi pa niya.
"Steven" pag-uulit ko.
"Weird. It sounded so familiar" sabi nito bumalik sa pagmamaneho na parang walang nangyari.
What's weird of his name? Syempre pamilyar sa kaniya dahil pangalan niya yun.
"Have we met before?" tanong ni Steven kaya tumahimik ako. May natatandaan ba siya sa nangyari sa'min non sa Canada?
"Hindi pa ata" pinilit kong magsalita na parang normal lang. Natatakot ako na baka mahalata niya'ng kinakabahan ako ngayon.
"Are you sure?" tanong niya ulit.
"Yeah" sagot ko at ibinaling ang paningin sa bintana para maiwasan ang mga sulyap niya'ng tila nanunuri.
Thanks God dahil hindi na siya nag tanong pa. Just a little longer ay nakarating kami sa grocery store. Hindi ko talaga alam kung bakit pa siya sumama kaya hinayaan ko na lang.
Kumuha siya ng cart yung malaki na at sumunod sa'kin. Dumeretso ako sa meat section para kumuha ng mga karne.
"Ang gwapo naman nang taga bitbit ng pinamili mo miss" rinig kong sabi ni Steven. Napailing nalang ako sa isip ko at hindi siya pinansin. Nag papa-pansin lang naman ang mokong. Parang timang!
"So tell me about your family Ria" napahinto ako sa pagkuha ng manok nang marinig na banggitin niya ang pangalan ko.
"My adopted parents throw me away six years ago" pag-uumpisa ko. Kumuha muna ako ng pitong karne na naka pack na at nilagay sa cart saka nag patuloy sa pagsasalita.
"I haven't met my biological parents. Nong baby ako hanggang nag 2 years old ay ang Lola ang kumopkop sa'kin pero namatay ito kaya kailangan nilang humanap ng mag-aalaga sa'kin" pagpatuloy ko.
"Then I met mommy Violet and daddy Alberto, they were my adopted parents. Sila ang nagpalaki sakin hanggang sa mag dalaga ako. Pero ika nga nila na blood is thicker than water, so pinalayas ako dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa" sabi ko.
"I'm sorry" rinig kong sabi ni Steven. Ngumiti lang ako at kumuha ng mga gulay na nasa listahan na bibilhin namin ngayon.
"It's okay. Hindi mo naman kasalanan yun. Alitan namin yun ng kapatid ko. My sister did something bad and pinasa sa'kin ang kasalanang yun. I tried to explain my side but mom and dad believes her over me" sabi ko at hinigit siya papapunta sa mga nakahilerang mga cup noodles.
"So sa kanila ka pa rin umuuwi? How about the school?" tanong niya.
"I didn't finish my degree" sabi ko dahil sa nabuntis niya ko 6 years ago. I need to stop to work for my baby.
"Pero hindi naman ako nagsisi na nangyari lahat ng yun because I met you" sabi ko habang nilalagay sa cart ang mga cup noodles na nakukuha.
"Huh?" naguguluhang tanong niya. Tumawa lang ako at nauna sa kaniya para mag hanap ng mga nasa listahan pa. Hindi naman talaga ako nagsisi dahil nakilala ko si Steven at dumating sa buhay ko ang anak ko na siyang hinuhugutan ko ng lakas ngayon.
"Ri? Is that you?" napatingin ako sa lalaking nakatingin sakin. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ito.
"Oh Rex. Is that you? Oh my God!" tili ko at niyakap siya sa sobrang tuwa.
"Hey how are you? I mean look at you. Grabe! Asensado ka na ah" sabi ko at natawa siya sa tinuran ko.
"Heto, okay lang naman. Kakauwi ko lang galing States actually. Ikaw ba kamusta na?" tanong niya.
"Maayos lang din naman. Grabe! Hindi kita nakilala agad ah" sabi ko. Gwapo si Rex, matagal na pero iba na talaga ang pormahan niya ngayon.
"Ano ka ba Ri, ako pa rin to. Nag DM ako sayo sa Inst*gram mo. Hindi mo pa nababasa" sabi nito.
Magsasalita na sana ako ng tumabi sa'kin si Steven at ilahad ang kamay sa kay Rex.
"I'm Steven" maangas at puno ng authoridad na pagpapakilala ni Steven sa sarili.
"I'm Rex" sabi ni Rex at tinanggap ang kamay ni Steven.
"Nalingat lang sandali, may langaw nang lumapit" bulong ni Steven pero malabong hindi marinig yun ni Rex.
"So para saan yung message mo sa'kin?" tanong ko para mabaling sakin ang attention ni Rex na mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ni Steven.
"I offer you a job Ri. Kailangan ko ng secretary sa-
"May trabaho na siya. Hindi niya tatanggapin ang offer mo" pagsingit ni Steven sa usapan kaya sinamaan ko siya nang tingin.
"Pwede po bang iwan niyo muna kami?" sabi ko sa mababang boses saka hinarap si Steven na ngayon ay naka igting ang panga, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
Nang makita na seryoso ako ay umalis siya at iniwan ang cart sa tabi ko.
Nang makaalis ay humarap ako kay Rex na pinagmamasdan pala kami ni Steven.
Rex was my ex-boyfriend. He's a good friend of mine na ninong ni Hivo.
"Kanina ko pa gustong itanong to, pero siya ang ama ni Hivo, di ba?" tanong niya at tumango ako.
"So may kayo ba?" tanong niya ulit.
"Walang kami Rex. Hivo demanded to meet his father, kaya nagpanggap akong katulong niya para kilalanin muna siya. Thank you rin dahil hindi mo pinahalata kanina ang pagtataka nang makita mo siya" sabi ko referring sa ginawa niya.
Alam kong nagulat siya nang sumingit si Steven sa usapan and alam kong nakilala niya agad ito pero agad rin niyang binalik sa normal ang reaction niya kaya hindi napansin ito ni Steven.
Like I said, magkamuka ang anak ko at ang ama nito.
"Dumaan kasi ako sa inyo kahapon at naabutang si Divine ang nag-aalaga kay Hivo. Kaya alam kong may hindi tamang nangyayari. Anyways, I need to go na Ri or else paglalamayan nako mamaya." sabi ni Rex kaya sumulyap ako sa gawi ni Steven at nakitang masama ang tingin nito sa amin.
"Let's catch up together? Marami kang e ki-kwento sa'kin. Isa pa, binabakuran ka na niya Ria. I know it cause I'm a man too" sabi niya and he's referring to Steven. Ako? Binabakuran? I don't think so. Attracted siguro siya sa'kin pero I don't think na babakuran niya ko.
"Sira ka. Malabo ata yun!" natatawang sabi ko pero seryoso lang siya'ng nakatingin sa'kin.
"Kailan mo siya ipapakilala sa anak mo? Hivo needs a dad Ri. Ramdam ko yun lalo na nong dumalaw ako sa inyo. He keep on saying na malapit na niyang makilala ang papa niya" sabi nito.
"Maybe soon Rex. So far, mabait naman si Steven. Pero I need time, kahit konti lang dahil gusto kong kilalanin siya ng mabuti" sabi ko.
"Okay. If that's what you want. Just call me if you need some help" sabi niya.
"Thank you Rex" sabi ko at niyakap siya.
"That's enough" boses ni Steven na inihiwalay ako kay Rex at kinaladkad paalis palabas ng grocery store.
"Hey" pinilit kong bawiin ang kamay ko pero mahigpit ang hawak niya dito. Hindi ako binibitawan hanggang sa makasakay kami sa sasakyan niya.
"What are you doing?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"No Ria. It's you. What are you doing? Why are you hugging that man? Are out of your mind?" sabi nito na namumula na sa galit.
"Problema mo?" takang tanong ko sa asal niya.
"My problem? Oh.. it's you lady" after he said those words, he slam his lips against mine that made me shut.