When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Warning!! "Hoy ipagtimpla mo nga ako ng gatas," di ko mapigilang umirap ng umiral na naman ang kamalditahan ni Amanda. Literal na pinag-iinitan niya talaga ako. Para wala ng gulo ay sinunod ko na lang ang mga utos niya. Sabado ngayon at kami lang tatlo ni aleng Lourdes sa bahay dahil may urgent meeting si Hannah sa producer niya. Si Steven ay gabi pa kung umuwi kaya hindi na kami nagkaabutan sa bahay niya. "Ako na diyan Ria," sabi ni aleng Lourdes. Ngumiti ako at umiling sa kaniya. Alam ko naman na ginagawa lang 'to ni Amanda para inisin ako. "Hindi na po manang. Kaya ko naman." Matapos kong magtimpla ay agad ko itong dinala sa kaniya. "Heto na po," magalang na sabi ko. Hindi ko siya pwedeng bastusin dahil magsusumbong lang siya sa ina nina Steven at Hannah at mapapahamak pa 'ko. "Ay