CHAPTER 3
Mabilis ang pagdaan ng buwan. Naging maayos ang tagong relasyon namin ni Aris. May mga gabing pinagdadasal ko na sana mapatawad ako ng Diyos sa pinasok kong relasyon. Sobrang nakakaramdam ako ng guilt pero napakahirap sa tulad kong labanan ang kakaibang tukso ng laman lalo pa't sinakop na nito ang isip ko't puso. Araw-araw akong nagdadasal at humihingi ng tawad ngunit araw-araw din naman akong nagkakasala. Iyon ay kung kasalanan nga ang magmahal sa kapwa ko lalaki.
Buwan noon ng Marso. Buwan ng pagtatapos at pagsasara ng mga iskuwelahan. Tapos na naman ang isang taon na pagsusunog ng kilay. Siguradong sasabitan na naman ako ni Tito ng medalya. Graduation na din ni Aris. Nakahanda na din ang ireregalo ko sa kaniya. May dumating kaming bisitang pari na nag-alaga kay Aris dahil siya ang tatayong magulang niya sa araw ng kaniyang pagtatapos. Nakaramdam ako ng excitement para sa kaniya. Matatapos na din siya at magka-college na.
Isang gabi bago ang graduation niya. Malalim na noon ang gabi. Hindi ako makatulog. Namimiss ko si Aris. Gusto ko siyang mayakap. Gusto ko siyang makatabing matulog. Alam kong tulog na ang lahat pero nakiramdam muna ako lalo na dumating ang isang pari na dating nakatira sa kumbentong iyon na kaibigan din ng tito ko. Gabi na ng matapos silang magkuwentuhan ni tito. Naghintay lang ako ng isang oras mula nang pumasok sila sa kani-kanilang mga kuwarto. Napagpasyahan kong bumaba nang alam kong iginupo na sila ng antok at mahimbing na pagtulog.
Dahan-dahan akong bumaba. Kinikilig ako at nangingiti habang tinutungo ang kuwarto ni Aris. Gugulatin ko siya. Gagawin ko din sa kaniya yung ginagawa niyang pagpasok sa kuwarto ko ng dis-oras ng gabi at hahalikan niya ang puno ng tainga ko habang tulog. Gigisingin ko siya sa yakap ko at halik pero paanas kong sasabihan na ipagpatuloy lang niya ang mahimbing niyang pagtulog. Hindi ako sa kakatok sa pintuan ng kaniyang kuwarto. Naisipan ko na doon ako sa bintana niya dadaan. Alam kong bukas iyon dahil gusto niya na pumapasok ang liwanag ng buwan at malayang nakakapasok ang preskong hangin. Nasanay na daw siyang bukas ang bintanang iyon mula pagkabata niya. Gusto kasi niyang tinatanaw niya ang mga bituin bago siya tuluyang igupo ng antok. Maingat akong lumabas ng kumbento at tinungo ang labas ng kanyang kuwarto.
Sinilip ko muna sa loob bago ko tinangkang pumasok. Gusto ko kasing makatiyak na tulog na tulog na siya bago ako papasok. Maliwanag naman ang buwan at makikita ko kung anuman ang ginagawa niya sa loob. Ngunit ako ang nabigla sa nakita ko. Ako yung hindi nakakilos sa nasaksihan ko.
Nakatayo si Aris at nakasandig siya sa dinding na walang kahit anong saplot sa katawan habang nakaluhod naman sa harapan niya ang paring bisita namin na nag-alaga sa kaniya. Nakaluhod si father at subo ang dapat ay akin lang. Hawak niya ang ulo ng pari na gumagalaw sa mismong harapan nito. Isang tagpong sadyang nagpalambot sa tuhod ko. Gusto kong pigilan siya o kaya ay gumawa ng ingay para matigil ang ginagawa nila ngunit mas mabilis ang pagluha. Mas mabilis ang ideyang lumayo doon nang hindi na lalo pang masaktan. Nanginginig ang buo kong katawan. Pinagpawisan ako kahit hindi naman ganoon kaalinsangan. Mabilis akong pumasok sa kumbento at halos liparin ko ang hagdanan para makabalik sa aking kuwarto. Nang nasa loob na ako ay doon ako humagulgol ng humagulgol. Doon ko nilabas ang hinanakit ko.
Iyon pala ang gusto niyang ipakahulugan sa akin. Iyon pala ang gusto niyang sabihin na kahit anong masaksihan at malaman ko ay hindi ko siya iiwan. Na hindi dapat magbago ang pagtingin ko sa kaniya. Sa tulad kong hindi dumadaan sa pagdarahop, sa tulad kong hindi nasadlak sa kahirapan, walang kahit pang-unawa na maapuhap ko sa puso ko. Walang awa, walang pagmamahal...lahat ay galit... pagkamuhi... Naroon pa din ang luha ngunit nagpupuyos ang aking damdamin. Nagsimulang umusbong ang pandidiri! Pinilit kong kalimutan ang lahat. Gusto kong igupo ako ng antok baka sakaling paggising ko kinabukasan ay tuluyan ng maglaho ang naipong sakit na likha ng ginawa niya.
Maaga akong naligo at maaga din umalis. Hindi ko na siya hinintay. Hindi ko din pinansin pa ang paring bisita ng tito ko. Hindi na siya pari sa tingin ko. Isa siyang kriminal. Isang baklang sa kalye lang nakikita. Walang dignidad. Immoral!
Gustuhin ko man sanang hindi na siya panoorin sa kaniyang pagtatapos ngunit hindi kaya ng aking konsensiya. Nangako ako sa kaniya na panonoorin ko siya, na isa ako sa mga taong papalakpak kapag tinatanggap na niya ang kaniyang diploma.
Kumukulo ang dugo ko nang makita sila ng paring bakla na umakyat sa entablado para tanggapin ang simbolo ng kaniyang pinaghirapan ng apat na taon. Isang diplomang pinagputahan? Diplomang natamo dahil sa kababuyan? Kaya pala madalas siyang may pera na natatanggap dahil galing pala iyon sa paring kalaguyo niya.
Nang matapos na ang graduation ceremony at nauna nang umalis si tito at si father na kaibigan niya ay tinangka ni Aris na lumapit sa akin. Yung mukhang parang walang nangyari. Yung mukhang akala mo wala siyang ginawa. Painosente! Akala niya siguro hindi ko pa alam kaya yung tingin niya sa akin ay okey pa ang lahat.
"Bhie, yeyyyy! Graduate na ako! College na ako next year!" mahina niyang bulong sa akin.
"O, hayan, happy graduation. Regalo ko sa'yo." Sarkastiko kong pagbati.
"Salamat. Nag-abala ka pa talaga. Pero maraming salamat dito... Yes!"sumusuntok-suntok pa siya sa hangin. Minabuti kong tumayo na parang wala akong naririnig.
"Maipagmamalaki mo din ako! Bakit hindi mo ako hinintay kaninang umaga?" paanas at tuwan-tuwa niyang sinabi para hindi marinig ng mga naroong kaklase ko.
"Bakit kita hihintayin e, nandun ang papa mo."
Namula siya. "Anong sinasabi mo?" mahina ang pagkasabi ngunit halatang may diin.
Lumakad ako palayo. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng aking luha. Ayaw kong makita niya na iniiyakan ko siya. Ayaw ko din na makita ako ng mga kaklase kong naluluha. Mabilis ang ginawa kong paglakad papunta sa magubat na bahagi ng aming school. Doon sa walang halos pumupunta. Doon sa malaya kong maiiyak ang sakit ng loob na kinikimkim kay Aris. Unang pagkabigo, unang sakit ng loob dahil sa pagmamahal.
Ramdam kong sumusunod siya. Ngunit hindi nagsasalita. Hindi ako pinigilan. Basta ang alam ko lang ay bumubuntot siya saan man ako pupunta.
Huminto ako. Umupo at tuluyan ng yumugyog ang aking balikat dahil sa gusto kong iluha lahat ang sakit ng loob ko sa kaniya.
"May nakita ka ba kagabi? Bakit hindi mo ako diretsuhin nang hindi ako nangangapa kung anong kasalanan ko sa iyo."
"Oo, nakita ko kayo. Nakaluhod si father sa harap mo habang sarap na sarap kang idiin ang ulo niya."
"Maalala mo yung sinabi ko noon doon sa pinuntahan nating talon? Napag-usapan na natin ang tungkol dito di ba, bhie? Ito yung sinasabi ko sa iyo. Wala akong ibang pagpipilian kundi gawin ito bhie. Gusto kong makatapos, gusto kong maging maganda ang kinabukasan ko. Gusto kong marating ang mararating mo baling araw. Gusto kong masamahan kita sa pagtatagumpay mo. Heto ang unang tagumpay ko bhie. Sa'yo ko lang puwedeng ialay ito dahil wala naman akong mga magulang at kapatid. Sa iyo lang-lahat ng makakamit ko sa buhay!"
"Ako? Sa akin yan? Huwag na dahil kapalit niyan ay katawan mo? Para sa akin, hindi sapat na dahilan yan para gawin mo ang kababuyang pinaggagawa mo. Mamili ka, itigil mo yan o tuluyan akong mawawala sa'yo."
"Hindi mo ako naiintindihan. Sabagay paano mo naman ako maintindihan e hindi mo nga naman pinagdaanan ang mga pinagdaanan ko. Hindi din ako kasingtalino mo para magiging scholar din sana ako. Pero iisa lang ang alam ko. Mahal na mahal kita at kaya kitang mahalin habang buhay. Sa pagdaan ng panahon ay patutunayan ko 'yun sa iyo."
"Tinatanong kita, ititigil mo ba 'yan o mawawala ako sa iyo?"
Hindi siya sumagot. Nakita ko ang paggalaw ng labi niya ngunit walang kahit anong salita na nabigkas niya. Unti-unting may namuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata at mabilis iyong bumagtas sa kaniyang pisngi. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit hanggang yumugyog na ang kaniyang mga balikat.
"Mahal na mahal kita e. Pinapapili mo ako sa isang bagay na kinabukasan ko ang nakataya. Kinabukasang iaalay ko naman sa iyo at hindi naman ako habang-buhay na katulong na lang. Mahal kita sana sa ngayon ay sapat na munang dahilan iyon para pagkatiwalaan mo ako. Sana sapat na muna iyon para maintindihan mo ang pinagdadaanan ko. Iyon lang ang kaya kong ibigay ngayon. Iyon lang ang alam kong kaya kong ipagkatiwala sa iyo."
Pagkatapos no'n ay hinalikan niya ako sa labi. Tumitig siya sa akin.
"Maiintindihan at matatanggap mo ba ako, Rhon?"
"Hindi." Diretso at matapang kong sagot. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. "Puwede ko naman kausapin si tito na siya na ang magpapaaral sa iyo."
"Sana nga gano'n kadali iyon. Alam mong hinabilin lang ako ni Father sa tito mo dahil sa kagustuhan kong tapusin muna ang high school ko dito bago sumunod sa kaniya kapag nakatapos na ako. Anong sasabihin ko? Paano ko ipaliliwanag sa kanila ang lahat samantalang hindi ako handang labanan ang taong kumupkop, nagpalaki at nagpaaral sa akin. Hindi kaya ng konsensiya kong ilaglag siya at pagpipistahan ang kaniyang buhay ng mga reporter at mga taong naghahanap ng mali sa simbahan. Hindi ako handang humarap sa mga kontrobersiya, Rhon."
"Sige, bahala ka pero kahit kailan ay hindi ko matatanggap ang desisyon mong iyan. Ba'la ka sa buhay mo!"
Tumingin siya sa akin. Tinging parang may tinitimbang. Tinging naghihintay ng pang-unawa...ng awa ngunit wala siyang nahintay. Tumalikod. Nagsimula siyang humakbang. Hindi na siya muling lumingon.
Pag-uwi ko ng hapon ay nahiga ako sa kama ko. Nag-isip tungkol sa amin ni Aris. Pero kahit anong pag-intindi ang gusto kong isipin ay di ko maunawaan kung bakit kailangang katawan ang kapalit ng pag-aaral niya. Hindi pa ba sapat na tanging lakas niya sa pagtratrabaho ang kapalit ng pagkain at barya baryang baon niya araw-araw? Nang magtatakip-silim na at maingay ang mga bisita niya sa maliit na handaang inihanda para sa kaniyang pagtatapos ay lumabas ako hindi para makipagsaya sa mga bisita niya kundi para magpahangin sa labas. Nakasalubong ko siya . Tumitingin sa akin na parang may gustong sabihin ngunit nilagpasan ko lang siya. Hindi pa ako handang kausapin siyang muli ngunit may taong gusto kong makausap sa sandaling iyon. Gusto kong tiyempuhan siya sa labas.
Ilang saglit pa ay lumapit sa akin ang taong gusto kong makausap.
"Sarap ng hangin dito sa labas ano, Rhon. Presko. Saka tahimik pa ang paligid. Parang lahat ng polusyon na naipon ng baga ko sa lungsod ay nasasama sa paghinga ko at napapalitan ng presko at malinis na hangin."
"May pamangkin din ba kayo, father o kaya ay kamag-anak na mahihirap?"
"Meron, pero kadalasan hindi ko kaanu-ano ang mga pinag-aaral ko kasi hindi kaya ng mga magulang nilang tustusan ang pag-aaral."
"Sila ba yung mga tipong nangangailangan? Yung mga kabataang naghihirap o gusto niyo lang talaga silang tulungan o bigyan."
"Siguro yung mga iba na pamangkin ko ay masasabing binibigyan ko lang kasi may kaya naman ang pamilya ko. Yung mga hindi ko kaano-ano, dahil gusto ko lang silang tulungan."
"Di ba father, kung meron ka naman talagang itulong ay puwedeng tumulong lang ng walang kapalit? Di ba iyon naman talaga ang tunay na ibig sabihin ng pagtulong, ang magbigay ng hindi naghihintay ng anumang kapalit?"
"Tama ka diyan, iho."
"Di ba din father, dapat ang mga tinutulungan natin ay iyong mga talagang nangangailangan? Di ba, kapag tumulong tayo ayaw nating mapasama ang tinutulungan natin. Kaya nga tayo tumutulong para mailayo siyang gumawa ng kasalanan?
"Matalino ka talagang bata. Para kang pari kung magsalita, iho. Hindi nga nagkamali ang tito mo na pag-aralin ka at ihandang maging pari dahil sa mura mong gulang ay napakatindi na ng reasonings mo."
"Bakit si Aris, kailangan niyang magtrabaho at gumawa ng hindi niya nasisikmura para lamang makapag-aral. Bakit may mga bagay na ginagawa siya na kahit labag sa kaniyang kalooban ay pinipilit niyang gawin para lamang magtagumpay siya sa buhay? Hindi ba siya puwedeng magtrabaho at mag-aral lang din? Hindi ba dapat kayo ang naglalayo sa kaniya sa kasalanan?"
"Anong sinasabi mo?" namumula na siya.
"Alam na alam mo father kung ano ang tinutukoy ko. Alam na alam mo kung ano ang ibig kong sabihin."
Umalis na ako. Ginawa ko iyon para kay Aris. Kung talagang bukal sa loob ng manyakis na paring ito ang tumulong, hindi niya dapat gamitin ang halos kaedad ko lang sa makamundo niyang kaligayahan. Walang sinuman ang may karapatang babuyin ang kagaya kong menor de edad, sabihin mang utang na ni Aris ang buong buhay nito sa kaniya.
May mahinang katok sa aking pintuan.
"Sino 'yan?" tanong ko.
"Puwede ba tayong mag-usap?"
"Anong tawag mo sa ginagawa natin?" lumapit ako sa may pintuan ngunit hindi ko iyon pinagbuksan. Alam kong nasa tapat din siya ng pintuan.
"Minsan lang ako gragraduate ng high school bhie. Baka puwedeng samahan mo akong i-celebrate ang pagtatapos ko sa labas." may halong pagmamakaawa ang imbitasyon niya.
"Ayaw ko."
Sandaling katahimikan. Siguro nag-iisip siya ng sasabihin. Naghihintay din lang ako.
"Gusto mo ihatiran kita dito ng pagkain? Kahit hindi ka na lalabas basta alam kong hindi ka gutom, makakampante na ako."
Hindi ako sumagot.
"Sige, sandali lang at kukuha ako ng pagkain."
Narinig ko ang yabag palayo. Nakaramdam ako sa kaniya ng awa ngunit hindi pa nito lubusang napapawi ang galit ko sa kaniya.
Ilang sandali pa at nakarinig ako ng mahinang katok.
"Baka puwedeng buksan mo, iaabot ko lang ang pagkain mo."
"Ayaw ko nga. Kulit naman e!" sagot ko.
"Bhie, namimiss na kita. Gusto ko lang sana makita ka. Kahit hindi na kita mayakap at mahalikan, gusto ko lang makitang okey ka."
"Bakit naman hindi ako magiging okey?" balik tanong ko sa kaniya.
"Kasi galit ka sa akin?"
"Galit ako sa'yo pero hindi ibig sabihin no'n na hindi na ako okey."
"Mapapatawad mo ba ako bhie?" pagsusumamo niya.
"Hindi pa sa ngayon. Ayaw kitang makita!"
"Sige, kung ayaw mo akong makita, iwan ko dito sa pintuan mo ang pagkain mo. Kunin mo na lang kapag nakaalis na ako. Salamat ha?"
Narinig ko ang mga yabag niya palayo. Nakaramdam na din naman ako ng gutom kanina pa. Ilang saglit pa ang hinintay ko bago ko binuksan ko ang pintuan.
Biglang may humawak sa braso ko. Si Aris. Hindi pa siya umaalis doon. Maaring umalis ngunit maingat siyang bumalik para hindi ko marinig ang yabag niya.
Hawak ko na noon ang tray ng pagkain. Hinawakan niya ang braso ko.
"Bhie, papasukin mo naman ako. Mag-usap tayo. Kailangan nating magka-ayos ngayong gabi."
"Bitiwan mo ako! Kung hindi mo ako bibitiwan, ilalaglag ko itong tray!" galit kong banta sa kaniya.
Narinig ko ang kaniyang buntong-hininga. Tinanggal niya ang kamay niya sa braso ko. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang namumuong luha. Hindi na siya nagsalita. Pumasok ako at mabilis kong sinara ang pintuan.
Paggising ko kinabukasan ay tahimik ang bahay. Tanghali na din naman kasi. Puyat ako noong nakaraang gabi at bumawi lang ako kaya tinanghali na ako ng gising. Pagbangon ko ay pumunta ako agad sa kusina ngunit wala si Aris do'n. Tumingin ako sa garden ngunit hindi ko siya nakita. Sumilip ako sa simbahan at sa paligid nito ngunit hindi ko siya natagpuan. Nasaan kaya 'yun? Paulit-ulit kong tanong sa aking sarili ngunit namuo ang takot at pangamba ang aking dibdib.