"Ano ka ba naman. Alam mo ba na hindi ka pa pwedeng gumalaw dahil dudugo ang mga sugat mo" Sabi niya habang tinitingnan ang mga sugat ko. "Ayan sabi ko na nga ba at dudugo ang sugat mo.Wag kang malikot at papalitan natin ng gasa ang sugat mo." Sabi nito sa akin at sinimulan ng tangalin ang gasa sa dib dib ko.Nakatingin lang naman ako dito. "Nasan ako? paano ako napunta dito?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya Tumingin naman ito sa akin at ngumiti. "Wag kang magalala nasa ligtas ka na lugar. Nakita ka namin na nalaglag sa eroplano na sumabog buti na lang nasa laot kami nun at Nung lapitan kita sa tubig.ang dami mong tama at marami ng dugo ang nawala sayo. Hindi na ako nagulat ng mabalitaan namin kinabukasan na ang sumabog na eroplano ay kay Don Esguera." Kwento niya sa akin. Napatingi