Chapter 2: Let Me

1231 Words
Gwen's POV After class, bumalik kami sa practice room nila. Wala na akong magagawa kasi si Zion na rin ang umakbay sa akin papunta dito. Sumama na rin sina Min Gae at Aika dahil maaga pa naman at sabay kaming uuwi mamaya. "Hindi ba dapat nagpapa-audition muna kayo bago kayo tumanggap ng vocalist? Bakit ako ang hinatak niyo agad dito? Baka nga hindi magustuhan ng iba ang boses ko." Sabi ko sa kanilang lima. "Well, audition na rin ang ginawa mo kanina." Ani Hyun Woo. "What the..." napamura ako sa isip ko. "Yes. You're too nice to be a vocalist, Gwen. And someone is not interested to join here because I don't know what they are planning to their life." Sabi ni Jack. Napabuntong hininga ako. "Gwen, you're lucky na nga kasi ikaw ang pinili." Sabi naman ni Aika. "Pero bakit ako?" Tanong ko ulit. Mahirap ata makipagtalo sa mga 'to. "Eh kasi wala pa kaming mahanap na iba. Next Friday na kasi ang showcase para sa mga Grade 11 and transferees. Kaya kung pwede sayo, ikaw muna ang vocalist hanggang sa makahanap kami ng mga bagong members na sasali sa club at magiging vocalist next month." Sabi ni Zion. "Kung wala pa kaming mahanap next month, no choice ka. Ikaw ang magiging vocalist ng grupo hanggang sa maka-graduate tayo." Dagdag pa niya. Napabuntong hininga na lang ulit ako. Ano pa bang magagawa ko? Nakatingin lang silang lahat sa akin. "Gwen, let me... No. Let us please take you to be our vocalist." Sabi ni Mikoto. Huminga akong malalim at pinikit ang mga mata. Just take it or leave it, Gwen. Para sa freedom mo. Don't be too rush to decide. Minulat ko ulit ang mga mata ko. "Can you give me a day just to decide? Ang hirap kasi eh. I just want my family know this first before I give my answer." Please... please... please... Pumayag kayo! "Sure!" They all said. Nice. "Thank you." Sabi ko at ngumiti. "Ya, chingu, fighting!" Ani Min Gae. "Min Gae, wala ka sa Korea. Mag tagalog o english ka! Ang hirap mong kausap." Sabi ko sa kanya. "Mianhae." (Sorry.) "Just call me Melanie." Nagkuwentuhan lang kami ng kung ano-ano hanggang sa mapag-isipan naming umuwi. Nagpaiwan ang lima dahil daw sa magpa-practice pa sila. Kaming tatlo nalang ang sabay umuwi. Pagdating ko sa bahay, nakakunot-noo si Kuya habang nakatingin sa akin sa may pintuan. "Saan ka galing?" Tanong ni Kuya. Nakataas ang kilay niya. Daig niya pa si Daddy kung magalit. "School. Nag-text ako sayo 'di ba?" Sagot ko. "Bakit ka ginabi?" "Eh kasi nga po may inasikaso pa." Umakyat na ko sa kwarto at nagbihis at nahiga sa kama. Sa pag-uusap naming walo kanina, unti-unti ko silang nakilala. Jack Smith: Leader, rapper, lead guitarist. Michael Chan: Plays the keyboards. Jung Hyun Woo: Base guitarist. Mikoto Haruta: Drummer. Zion Tolentino: Guitarist. The boys are known to be the most absolute rock band this days. Sa edad nila, masasabi kong mas maganda ang pinagsamahan nila. They've been friends since birth, at walang kung sinoman ang gustong sumali sa kanila. Bakit? Iyon ay hindi ko alam. Tumunog ang cellphone ko. -Messenger- The Band Jack Smith added you to group. Woah. Tinignan ko ang members, pati sila Aika at Min Gae nandito din. Unti-unti silang nagsilabasan sa chat. Mikoto: What's up? Min Gae: 안녕하세요. Aika: Hi. Me: **。 Michael: Marunong ka mag Chinese, Gwen? Me: Aba, oo naman! Michael: Great. May kumatok sa pinto ko. "Gwen, kakain na!" Sabi ni manang. "Opo!" Sagot ko. Me: Guys, brb. Kain lang ako. Tara dinner. Bumaba na rin ako at kumain ng hapunan. "Anak, musta school?" Tanong ni Mommy. Tapos na siyang kumain. "Okay naman po, My. Habang patagal ng patagal may nakikilala akong mga kaibigan." "That's good." Ani Mommy. "Gabi na 'yan nakauwi, Ma." Singit ni Kuya. "Kuya naman. I told you already, may inasikaso lang ako with my friends." "And what is it?" -Mommy. Ano, sasabihin ko na ba? Pangarap ko din naman ang nakasalalay dito eh. Hindi sa lahat ng gusto kong gawin sila pa ang magdedesisyon. "Ma, gusto po kasi nila akong maging vocalist sa banda." -- Bumalik ako sa kwarto ko. Pahaba nang pahaba ang usapan nila ng sumingit si Jack. 9:45 PM na din. Jack: Any assignments for tomorrow? Me: Guys, bad news... Zion: Why? Aika: What happened? Min Gae: Omo. Tell us, now! May nag pop ulit sa Messenger ko. Jack: Any problem? Me: Bukas ko nalang sasabihin. Jack: Okay.. Ni-off ko nalang ang cellphone ko. Biglang sumakit ang ulo ko kaya uminom muna ako ng gamot. Bukas ko nalang gagawin ang assignments ko. Nahihirapan akong mag-isip sa sitwasyon ko. Kinabukasan, binangga ako ng some random girls sa hallway. Mga nasa walo sila. "b***h, leave the boys!" Pinagsasabi nito? "Yeah, or else we'll kill you." "Bakit? Ano ba kayo nila?" Tanong ko. "Can't you see?" "Bakit? Ano bang dapat kong makita? Na maikli ang uniform niyo kesa sakin? Na bumabakat ang bra niyo sa white blouse niyo? Tapos akong dumadaan lang dito pagsasabihan niyo akong b***h? Aba, tingnan niyo nga muna ang sarili niyo kesa sa akin! Unang una, parang wala sa sarili niyong pinalaki kayo ng maayos ng mga magulang niyo. Ang bastos ng ugali niyo sa kapwa niyo estudyante. Second, I don't want to hear that 'b***h' word again kasi hindi naman bagay sa akin ang salitang 'yan, para 'yan sa inyo. Tignan niyo nga ang itsura niyo, para kayong nakaihip ng shabu o sigarilyo sa baho ng hininga niyo! Third, mas makapal pa ata ang make-up niyo kesa sa pisngi ko. Hello? Nasa school po kayo at wala sa rampage." Sabi ko sa kanila. Ang haba noon ah! Ito ang hindi ko gusto eh... ang haharangan ako at pagsasabihan ng kung ano na makakasira sa araw ko. Aamba na sana ang isa sa kanila para masabunutan ako pero may humarang sa harap nila. "Gwen is right. Wala sa itsura niya ang pagiging b***h. And please, don't disturb her 'cause we are the first approached her before you know it. And second, mag-ayos nga kayo ng sarili niyo bago kayo pumunta sa school. Hindi ito lugar para maging club bar o motel para sa ganyang pag-uugali niyo. Hindi nakakatawa." Sabi ni Jack sa kanila. Natahimik naman ang lahat sa paligid pero patuloy pa rin ang pagkuha nila ng video. Biglang kumurot ang sentido ko kaya napapikit ako. Hinanap ko ang gamot sa bag ko pero hindi ko makita. "You okay?" Tanong ni Aika. Nasa gilid ko na pala siya hindi ko man lang napansin. "No, I'm not." Sagot ko sa kanya. Tinawag niya ang limang lalaking nasa harap namin pero pinigilan ko siya. "Umalis na kayo sa harap namin." Sabi ni Mikoto sa lahat at umalis naman sila. "Ouch!" Sumakit na talaga ang sentido ko! "Let me help you." Sabi niya. Napatango na lang ako sa kanya at inalalayan niya ako papuntang clinic. Seriously? Kusang bumabalik ang sakit ko kapag naii-stress ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Pero hindi ko naman alam kung paano ako nagkasakit. Basta nalang ako nahihilo minsan. "Gwen, magpahinga kana muna dito. Mamaya mo nalang sabihin sa amin ang gusto mong sabihin kagabi." "Okay, thank you." "Sige, punta na kong room." Sabi niya at umalis. Kumikirot pa rin ang sentido ko kaya napapikit ako hanggang sa nakatulog ako... --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD