Chapter 10

1704 Words
Chapter 10 NANG tumigil ang ulan at hangin ay naisipang nilang mamasyal sa plaza. Mukhang matutuloy mamayang gabi ang performance ng grupo nila Luke. Napupuno ng pagibig ang mga mata ni Agatha habang pinagmamasdan si Luke habang kinukuskos ang string ng gitara. Labis siyang humahanga sa binata, pakiramdam niya mas lalong nakakapogi ang ginagawa ni Luke. Pagkatapos ng kanilang rehearsal ay nagtawag si Victor na mag break muna sila. Agatha yawned. Nakaramdam siya ng antok dahil siguro ay wala siyang maayos na tulog kagabi. Bahagya siyang nagulat ng biglang may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. "Magpahinga ka na muna sa cottage at babalikan na lang kita, kapag nakatulog ka ng maayos. Pasensiya ka na at pinagod kita ng husto kagabi." Humarap siya kay Luke at tipid na ngumiti. "Okay lang ako. Ano kaba? Masayang–masaya ako sa nangyari sa atin at wala akong pagsisisi. Gusto kitang samahan. Kanina ko pa napapansin maraming kabataan ang nagpapansin sayo." Biro niya rito. "Sa akin lang dapat ang mga mata mo." Natawa si Luke. "Kahit marami pa silang magpacute sa akin. Ngiti, yakap at pagmamahal mo lang sapat na sa akin. I love you, Baby ko!" "Baby ko?" Ulit niya sa sinabi nito. Ang kasiyahan sumapuso ay umabot sa mga mata niya. Then a smile curved her lips. Ngiting umabot sa mga mata at may buhay. Kinikilig lang naman siya sa sinabi nitong "baby ko". Hindi maawat ang mga ngiti sa labi ni Agatha. Pakiramdam niya pati kiffy niya ay kinikilig sa sinabi nito. Sunod–sunod na tumango si Luke at pinisil ang ilong niya. Hinawakan ang dalawang kamay niya at dinala sa mga labi nito at hinagkan ang likod ng mga palad niya ng paulit–ulit. "Yes, baby ko. Ikaw na ang baby ko. Ayaw mo bang tinatawag kitang baby?" sabay kindat ni Luke kay Agatha. Mariin na kinagat ni Agatha ang labi niya sa sobrang saya na kanyang naramdaman. "Oo naman gustong–gusto ko—baby ko. Ang maging baby mo lang..." kinikilig na sabi ni Agatha. Nangislap ang mga mata ni Luke habang nakatitig sa kasintahan. "Alam mo naman kung gaano kita kamahal, Agatha. Gusto ko lang iparamdam sa'yo kung gaano kita ka–appreciate at kung gaano ako kasaya na ikaw ang kasama ko," sagot ni Luke, habang hawak–hawak pa rin ang kamay ni Agatha. Nang makita ni Agatha ang sincerity sa mga mata ni Luke, niyakap niya ito ng mahigpit. "Thank you, Baby ko. Mahal na mahal din kita," bulong ni Agatha sa tenga ni Luke. "Tara na, mga lovebirds! Kumain na tayo," sigaw ni Victor, na hindi mapalis ang mga ngiti nito sa kabi. Masaya siya para sa kaibigang si Luke. Nagkatinginan sina Agatha at Luke at pareho nilang napangiti ang kanilang sarili. Parang mas lalong pang dumoble ang kanilang kasiyahan ngayong araw. "Kumain muna tayo, baby ko. Baka magalit ang mga kasama mo," hindi naikubli ang excitement. Nakita pa marahil nito ang pangingislap ng mga mata niya kaya mas lumapad ang ngiti. Tumango si Luke. "Hindi, masaya lang si Victor para sa akin," sagot ni Luke, sabay halik sa pisngi niya. Pagkatapos nilang ayusin ang mga gamit, hawak kamay silang naglakad papunta sa kanilang kasamang nag–aabang sa tabing dagat. Habang papalapit sila, naramdamam nilang masaya ang mga kasama nila para sa kanilang dalawa. Ang mga mata nila ay mapanukso habang nakatingin sa kanila. Mas lalo pang hinigpitan ni Luke ang paghawak sa kamay ni Agatha. "Naku, ang sweet naman! Baka langgamin kayong dalawa. Dito na kayo, umupo na at kumain muna tayo bago magtampisaw sa dagat. Mabuti at uminit na para ma–enjoy natin ang ating bakasyon," masayang sabi ni Victor. Napangiti sina Agatha at Luke sa mga sinabi ni Victor. Umupo silang lahat at nag enjoy sa masarap na handa. Masayang nagkukwentuhan at mas nakilala pa ni Agatha ang mga kaibigan ni Luke. Ramdam niya ang masayang samahan nila. "Baby ko?" Napalingon siya nang tawagin siya ng binata. Sumilay naman ang nakakalokong ngiti ng mga kasama nila. "Baby ko, ahh?" Pambubuska ni Victor sabay siko kay Luke. Ngunit hindi pinansin ni Luke ang mga kaibigan. Sabay nagsitayuan ang mga ito. "Makaalis muna kami at baka masira namin ang moment ninyong dalawa. Baby ko? Ikaw ang baby ko," umiling–iling na sabi ni Victor na may pasipol–sipol pa. "Tinalo pa ang mga teenager," segunda ng isa pang kaibigan ni Luke. Na tawang–tawa rin sa kasweetan ni Luke. "Later?" nakangiting sagot niya sa kasintahan. "What else do you offer?" Tumingin naman ito sa kalangitan na tila nag–isip. "Ako? Baka gusto mo? I tell you, I am a better offer!" sabay kindat kay Agatha. "Convinced me. How much will you charge me then?" "Ikaw at ikaw lang. Wala ng iba." Ngumuso si Luke tila nanghihingi ng halik mula kay Agatha. "Luke, ang daming tao." Kunwa'y na sagot niya pero ang totoo niyan gusto rin niyang abutin ng halik ang labi ni Luke. Kumurap si Luke umakto na tila napupuwing. Sa pangamba ay agad na binaba ni Agatha ang hawak na kutsara. Inilapit ang mukha niya kay Luke upang ihipan ang mga mata nito. Ngunit bigla siya nitong halikan. Dahil sa ginawa ni Luke ay napangiti siya. "Ang tagal mong halikan ako," nakangiting sabi ni Luke sa kanya. "Ang loko–loko!" "Bayad," anito at muli siyang kinindatan. "Lagi kong gagawin 'yan kapag hindi mo ako agad hahalikan." Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo sila sa dalampasigan. Ilang oras silang nag–jetsi. Nag–swimming din sila, at naglaro ng beach volleyball. At nang mapagod ay kanya–kanyang silang naupos sa dalampasigan–at doon naghintay sa paglubog ng araw. "Come here," anang binata nang iniwan na sila ng mga kasama. Lumapit siya kay Luke. Kinuha ni Luke ang tuwalya. Pinunasan ni Luke ang basa niyang buhok. Napangiti siya, touched by the gesture of him. Ang sweet na boyfriend ni Luke. "Thank you," aniya nang matapos. Sinuklay pa nito ng mga daliri ang basa niyang buhok at tinali ni Luke into bun hairstyles ang buhok ni Agatha. Kinuha ni Agatha ang kanyang cellphone at nagselfie silang dalawa ni Luke. "Remembrance, kung gaano ako kasaya being with you." buong lambing niyang sabi sa binata. Matamis na ngumiti si Luke. "Gusto mo buko juice? Ikukuha kita may nakita ako kanina," offer ni Luke sa kanya. Tumango siya. "Okay lang ba?" "Of course," sagot ni Luke at mabilis na tumalima. Sinundan niya ng tanaw ang lalaking patungo sa isang kubo na may nagtitinda ng mga buko. Hindi maiwasang mapatitig ni Agatha sa magandang katawan ni Luke. The chest, the flat stomach and the narrow waist. Sa unang pagkakataon hangang–hanga siya sa katawan ng isang lalaki. Makinis ang balat nito at medyo maputi. Matangkad kasing tangkad ng kanyang kapatid na si Knox. Ngayon niya nauunawaan ang kanyang kapatid na walang ginawa kundi ang mag gym upang magkaroon ng magandang katawan. Pero kay Luke, hindi niya alam kung alaga ba ito ng gym. Simple lang si Luke at iyon ang nagustuhan niya rito. Ilang sandali lang bumalik na si Luke at bitbit ang isang fresh na buko. Tumikhim si Luke. Huling–huli nito ang ginawa niyang pagtitig. "Gusto mo ba akong kainin?" Tila naaliw nitong tanong. "Kanina ka pa tingin nang tingin sa katawan ko. Natikman mo na ito, baby ko." Pinamulahan siya sa mukha. Hindi man niya nakikita ang sarili pero alam niyang halatang–halata ang pagba–blush niya. "Youve got gorgeous muscles in right places. Alaga ka rin ba ng gym? Like, other men, ang kapatid kong si Knox kaya sobrang hulmado ang katawan dahil sa kaka–gym kasama niya lagi ang pinsan naming si Rune." Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Luke. Inabot kay Agatha ang buko juice at muling naupo sa tabi ng dalaga. "Maniniwala ka ba? Kapag sinabi kong dahil sa kakabanat ko ito sa trabaho. Hindi lang ako gitarista—kargador din ako minsan sa palengke." Ang magsabi ng totoo ang naisip na paraan ni Luke para hindi siya magmukhang sinungaling sa harapan ng babae. "Gastos lang kung mag–g–gym pa ako. Ngayon mas may dahilan na ako para magipon para mai–date kita. Nayon kasi hanggang kwek–kwek lang muna ang mapakain ko sa'yo, baby ko." Dinugtungan niya ng biro ang sinabi pero ang totoo may kapit na kirot ito sa dibdib niya. Muntik na niyang makalimutan na anak mayaman ang babaeng minahal niya. Suminghap siya at itinuon ang mga mata sa dagat. Naramdaman ni Agatha ang bigat sa mga sinabi ni Luke. Hindi naman mahalaga sa kanya kung ano ang estado ni Luke sa buhay. Ang mahalaga sa kanya ay mahal niya si Luke at ito ang gusto niyang makasama habang buhay. Wala namang imposible sa lalaking may pangarap. Alam niyang may pangarap si Luke. "Hey, nawala ang kislap sa mga mata mo. Kung ano man ang iniisip mo forget about it. Nandito lang ako para sa'yo, Luke." Lumipat siya sa pwesto, ngayon ay nasa likuran na siya ni Luke. Niyakap niya si Luke mula sa likuran nito at inalalayan ng mga halik ang likod nito. Inabot siya ni Luke at pinaupo sa harapan nito. Nasa pagitan siya ng mga hita nito. Kinabig siya hanggang sa mapasandal sa katawan nito. Niyakap siya ni Luke at sunod–sunod na hinagkan ang ibabaw ng kanyang ulo. Ang init na nagmumula sa dibdib at mga bisig nito ay naghatid ng kapanatagan sa pakiramdam ni Agatha. She felt safe and loved and always belonged into his arms. Hope it will last forever, Luke? Hindi alam ni Agatha kung ano ang mangyayari sa kanila bukas. Tulad nang sabi ni Luke kaninang umaga, na ipaglalaban siya nito at iyon din ang gagawin niya, ipaglalaban niya ang lalaki sa mga taong tututol sa relasyon nila. "I love you, Agatha!" Hinagkan niyang muli ang ulo ni Agatha. "I love you more, Luke!" Mas lalong hinigpitan nito ang yapos niya kay Agatha. Tila ba takot na takot siyang mawala ang dalaga sa kanya. Binalot na sila ng katahimikan habang sabay nilang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Sabay silang napalingon nang makarinig sila ng pagtawag sa pangalan ni Agatha.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD