CHAPTER 1

2777 Words
False Alarm Chapter 1 Ang ingay! Inis ko na bulong habang maraming nakakaburyo sa paligid. Unang araw ko sa trabaho ko. Tapos ganito ang sisira sa araw ko. Ganito ang bumungad sa akin sa kaaga. Mabilis mag-init ang ulo ko lalo na sa ganito kaingay at maraming makukulit na tambay. “Aling Chedeng" tawag ko sa tindera. Ay, sus! Nagulat pa. Nasa tindahan ako dumaan lang muna para lang mangutang ng biscuit na aking mababaon sa byahe. “Bakit ba nasigaw 'ka?" natataranta ito na lumapit. Busy siya dahil sa hindi lang naman ako ang customer niya. Malas nga lang n'ya dahil ako ay utang habang ang nauna sa akin cash na nagbayad sa kanya. Nakasimangot tuloy. “Ikaw na bata ka! Lagi ka nalang nangungutang dito sa aking tindahan. Ang aga pa oh! Hindi pa 'nga nasikat ang araw eh, utang na agad." nanenermon. Tumawa lang ako. “Si Aling Chedeng naman... Wag naman kayo masyadong harsh! Nasasaktan ang puso ko. Napapahiya pa ako dito kay Boy Gwa..." putol ko na wika ng malingon ako at maituro... Hindi ko kilala. Kahit ako nagulat din. Hindi ko napansin na may katabi pala ako at gwapo nga 'toh. Kala ko si Boy Chago lang ang nasa tabi ko. Kangina kasi ay sinusubukan akong sundan n'on. Akala siguro ay makakaisa. “Sorry" Sabi ko. Muntik ko na kasi siyang maduro sa mata. Sa ka-biglaan ko ito. “Tingnan mo na! Maging customer ko na gwapo. Muntik mo pang maduro. Bwisit ka talagang bata ka! Umalis ka na 'nga at malas talaga ako pag ikaw naririto." tinaboy ako ni Aling Chedeng. Buti na lang nakuha ko na ang pakay ko sa kanyang tindahan. Saka hindi ko naman sinasadya 'yon. Pero nagulat din— Ang gwapo niyang customer. “Si Aling Chedeng naman. Hindi ko naman sinasadya." paliwanag ko. “Nagawa mo pang mangatwiran 'tong batang 'to." ingos niyang tugon. Tinataboy ako ng kamay. Pinalalayo. Kahit kailan talaga itong matanda na 'toh! Nakakahiya dun sa customer niya eh. Kung sigawan naman ako. “Sige na po, aalis na ako. Salamat po dito!" ipinakita ko 'yung kinuha ko. Baka sabihin niya dumadampot lang ako. Baka sa susunod na pagbalik ko ay mas grabeng pag-bulyaw na ang gawin nito. Baka hindi pa ako makautang sa susunod. “Mabuti pa! Umalis ka na 'nga. Malas ka sa tindahan ko." sabi niya. Malala na talaga siya. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa tuwing nakikita niya ako. Lumakad na ako. Ngumiti ako sa lalaking naduro ko. In fairness ah! Napapangiti ako habang naglalakad. “Hoy, umalis ka na 'nga." “Opo! Aalis na 'nga po eh, si Aling Chedeng naman." nagdadabog ang mga paa ko na nilalakad ang palayo at palabas sa kanyang tindahan. Mini Grocery kasi ang tindahan niya. Halos kumpleto naman sa mga paninda. Kaya siya ang dinarayo ng mga tao dito sa lugar namin. Di hamak din mas mura ang mga paninda niya sa mga tinda sa maliliit na mga tindahan. Pero teka lang! Mabalik pala ako. Gwapo talaga yung lalaki. Bago? I mean ay bago kaya siya sa lugar namin? Ngayon ko lang siya nakita eh, tapos sa ganun na sitwasyon pa kami nagkita na dalawa. Nakakahiya! “Cathy" “Ikaw pala!" nang malingon ako si Kristen pala. “Saan ang punta mo? Bihis na bihis ka ata?" sumilip muna ako. Baka may tricycle na ako makita. Ma-late ako sa work. “Mag-ta-trabaho na ako. Hindi ko ba nabanggit sayo?" sagot ko. “Hindi ah, kelan ka pa natanggap? Wala kang nabanggit. Lagi naman tayo nagkikita pero wala kang nasabi tungkol sa inaplyan mong trabaho." pakli nitong sagot. Oo nga pala! Hindi ko nasabi pa sa kanya na mag-apply ako sa isang factory. Nang matanggap ako nakalimutan ko rin banggitin. “Sorry! Nakalimutan ko pala. Masyado akong na-excite ng matanggap ako. Nung isang araw lang ako nag-apply then tinawagan nila ako kahapon na ngayon ang unang araw ko sa trabaho." pagbabalita ko. Masaya. “Congrats! Siya... Umalis ka na at ha 'yan na tricycle sumakay ka na at baka ma-late ka pa. First day mo pa naman." tulak niya sa akin ng parahin niya ang tricycle na papadaan sa harapan naming dalawa. “Salamat!" nag bye-bye pa ako. Si Kristen malapit na kaibigan ko siya. Parang best friend ganun. Sabay kami lumaki dito sa lugar namin. Siya ang madalas ko na kalaro at kagrupo sa eskwelahan. Siya din ang madalas ko mapag-kwentuhan sa tuwing may lalaki akong nakakadate. O, mayroon akong manliligaw na sasagutin. Pag sinabi niya wag... Hindi ko na itutuloy ang pagsagot sa manliligaw ko. Pag approved sa kanya. Go! Bukas jowa ko na agad yung lalaki. Sobrang dami 'namin mga pinagsamahan ni Kristen. Ganun kami ka close. Sa hirap at ginhawa lagi lang magkasama. Walang iwanan parang mag-asawa. Hehehe! Joke lang. Si Kristen kasi malapit din siya sa pamilya ko. At saka pasaway kasi mga kapatid ko. Si Kristen lang ang nakaka-sundo ko. Kaya nga ngayon. Kami pa ring dalawa ang siyang magkasama dito. Sa lugar kung saan namumuhay ako ng malayo sa pamilya ko. Lumayas ako. Kasama si Kristen. Oo, totoo. Lumayas talaga ako nung mga edad ko nasa kinse. Mali! Mag dise sais na ata ko n'ong araw na umalis ako ng walang paalam sa pamilya ko. Si Kristen naman. Hindi maayos ang trato ng kapatid niya sa kanya. Kaya naisipan niyang sumama sa akin nung mga panahon na lumayas ako dahil naman sa muntik na talaga ako mapatay ng mga magulang ko. Sa sobrang galit nila ng magwala ako dahil nga sa muntik na rin ako pasukin ng jowa ng kapatid ko sa kwarto. Hayop na 'yon. Libog na libog sa akin. Sakali na never ko pa natikman ang bagay na 'yon. Kahit 'nga sa mga jowa ko. Wala pang nakaisa. Break agad pag humirit about sa bagay na 'yon. My limitations din naman ako. Sabagay! Siguro kung dumating na ako sa punto na mag-se-seryoso na ako sa isang relasyon at alam ko na siya na si THE ONE na matagal ko na hinahanap. Baka sakali. Pag-isipan ko muna! I took a deep breath while... “Para na pOH! 'Ma para na." sigaw ko. Lumagpas pa ako nagmamadali ako bumaba sa tricycle. “Hoy bayad 'mo!" sigaw pabalik nito. “Sorry pOH! Maling na-patakbo ako. Excited lang po at late na rin pOH." hinging paumanhin ko natatawa pa ito sa akin, nang iniabot ko ang bayad ko sa pasahe. “Good luck nalang! Madalas marami 'ang mga nagsisipag-resign din d'yan! Pero anong malay mo. Tumagal ka din at matiis ang ugali ng boss mo." “Si Manong naman. Nanakot ka pa ngayon na unang araw ko pa! Talaga?" na patanong pa ako. “Oo, sabi lang naman. Marami na rin kasi ako na ihahatid diyan sa factory na 'yan. Kaya nga sila always hiring at mabilis tumanggap ng tao. Kasi nga ay palit sila ng palit ng mga bago. Pero baka tsismis lang naman. Malay mo?" kinindatan ako. Sampalin ko na sana... tumawa. Joke lang! Gusto ko lang pampa GoodVibes lang naman. Hindi ko kayang manampal na ganun mabait sa akin dahil pinapaalalahanan lang naman ako. Hindi lang tinatakot. Binibigyan niya lang ako ng idea sa papasukin kong trabaho. Iyon nga lang ay kinabahan tuloy ako. Tinapik ko tuloy ang dibdib ko. Baka mamaya 'nga ay tama siya. Maging kabado pa ako sa orientation ko at kung ano masagot ko once na tanungin ako. Sabi kasi ng tumawag sa akin. Full orientation ako for whole day ngayon. Kasama na din ang paglibot daw sa akin sa buong factory. Hindi lang siguro ako ang natanggap at mag-umpisa ngayon. Gaya ng nasabi ni Manong Driver. Marami 'nga ata ang na hired ng factory after ng interview. “Sige na, Manong late na po talaga ako. But thank you po sa konting paalala sa papasukan kong trabaho. At sana 'nga po tumagal ako at kailangan ko talaga ng trabaho. Mahirap po kasi ang maging single..." putol kong pahayag na i-kinakunot naman ng noo nito. Tumawa naman ako. “Joke lang po! Single! No boyfriend and Not Married po ang ibig kong sabihin. Mahirap po kasing buhayin ang sarili ng wala man lang kita o trabaho. Kaya kailangan ko kumayod ngayon at baka sa susunod makita ko na si THE ONE ko mareject pa ako. Kasi—" “Ano?" “Papasok na po ako" hahaha tawa siya naghihintay pala ito ng isasagot at idugtong ko sa sinasabi ko sa kanya. Talaga itong si Manong. “Sige po! Mag-ingat nalang po kayo sa pagmamaneho. Mahirap po ang uuwi ng wala man lang kahit singko sa bulsa." tawa na naman ito may kasama na pagkamot sa kanyang ulo. ”Joke lang po! Pero mag-ingat 'nga po kayo. Salamat po!" huling sinabi ko at tumungo na ako sa guard na natutulog. “Manong guard!" tawag ko, kinalabit ko rin siya. “Gising po, may sunog." bulong kong napabalikwas siya ng tayo. Natawa naman ako. Tulo laway pa ito. “Sorry po! Kangina pa kasi kayo tuloy. Kangina pa rin ako nang gigising sa inyo. Bakit po kasi oras ng trabaho natutulog kayo? Baka mahuli kayo ng boss mahirap na." Nanermon pa talaga! Hahaha Tulog-tulog kasi. Alam naman niyang maaga pa, sikat na 'nga yung araw ayaw pa niya gumising at trabaho muna bago tulog. Pakialamera na bata! Hahaha masama ang tingin sa akin ng guard. “Ano bang kailangan mo?" masungit nitong tanong. Sinungitan tuloy ako. Kasalanan mo! “First day ko po ngayon. Sabi po sa akin nang tao na tumawag sa akin kahapon." sagot ko. Magalang. Mahinhin. Kailangan ko magbaba ng boses. Baka hindi pa ako papasukin matapos ko abalahin ang napakasarap niyang tulog. Sa totoo lang dapat naman gising siya eh! Bakit kasi natutulog sa oras ng trabaho? Kung makita siya ng may-ari o mga nakakataas dito sa factory? Anong gagawin niya? Baka masibak pa siya sa trabaho. Pasalamat pa 'nga dapat siya dahil ako ang nakakita sa kanya at ginising ko siya. Hindi ko siya isusumbong. Mabait naman ako. Siguro nga ay pagod siya o kaya ay puyat sa duty. “Patingin ng ID." “Heto po!" i-binigay ko. Buti na lang nasa likod lang ng pocket ng pants na suot ko. Actually pants pa ito ni Kristen. Kinuha ko muna sa cabinet. Wala na kasi akong masusuot na maayos na damit. Maliban sa mga damit o gamit ni Kristen, na pangkaraniwan ko naman kinukuha at ginagamit. Ang hirap ng walang trabaho. Buti pa 'nga siya ay may maayos na trabaho. Ako wala. Madalas nagtatanggal 'nga ako sa pagsagot-sagot ko sa mga boss. Kaya dito sa factory ko naisip muna mag-apply. Baka sakali na maaari ako magtagal at hindi matanggal. Wish ko lang! Hahaha. Inisa-isa niya ang mga pangalan sa hawak niyang folder. Wow! Daming pangalan. Marami pala natanggap sa trabaho? Tama ang hula ko. “Okay, patingin ako ng requirements mo." ibinigay ko. Hawak ko naman. Inisa-isa na naman niya. “Ayos na po ba?" tanong ko nang lumapit ako sa kanya ng bahagya upang silipin ang kanyang ginagawa. Ang strict naman pala ni Manong guard. Talagang inisa-isa niya ang pagtingin sa mga nakasulat sa note sa baba. Lahat ng mga dadalhin ng mga bagong hired. Napalunok ako. Inaantok na ako sa tagal niya mag-check ng mga requirements ko. Ano ba? Joke ba? Sinasadya nya ba talagang patagalin 'to? I rolled my eyes napipikon na ako. “Manong, mahaba na po ang pila!" may nagrereklamo. Bumaling ako ng tingin papunta sa likuran. Nakita ko si Kuya Pogi! Gosh! Hindi ba ako namamalikmata lang? Kurap-kurap ko yung mata ko. Kumunot naman 'ang sa lalaking tinitigan kong mabuti. “Miss, tawag ka ng guard." “Sorry" napabaling na rin ako sa guard ng ibalik ko sa kanya ang mata ko. “Okay na po ba?" “Okay na! Pumasok ka na!" utos niya na mabigat ang pag-kakasabi sa akin. “Salamat po!" sabi ko, dinampot ang mga kinalat niyang mga papers at requirements ko sa loob ng inabot ko sa kanya kangina. Loko na guard. Sarap hampasin sa ulo. Mukha naman siya na walang buhok. Iniinis pa ako. Lumakad na ako sa loob nakita ko ang ilan sa mga kasama ko 'ng mag-apply ako dito. Marami din pala ang mga natanggap. Kala ko ay hindi halos lahat matatanggap. “Hi!" wika kong bati sa kanila. Lumingon din sila sa akin habang nakatingin ako ng diretso papunta sa kanilang mga pwesto. “Tinawag ka rin pala?" tanong ng maldita. Maldita talaga! Nagagalit siya dahil nung interview. More on sa akin talaga ang mga tanong ng ilan sa mga nag screening sa amin nung araw na magpasa kami ng application kasabay na don ang short interview. “Oo" huminga ako. “Oh, swerte mo," mayabang niyang tugon. Nagpaparinig. “Ahh, oo! Kasi nga sa experience pa lang naman kapasa-pasa na raw kasi ako." niyayabangan ko rin ito. First time niya kasi mag-apply sa trabaho. Kaya walang maitanong sa kanya yung interviewer. “Ang yabang mo talaga!" galit niyang wika. “Hindi naman. May iyayabang lang." natatawa ako naman nasabi dito. “Excuse me! Tutungo lang ako ng banyo. Magbabawas muna ako. Baka mamaya umamoy sa loob." I rolled my eyes. Siya lang ba may gana mang irap? Lumayas na ako at hinakbang na 'ang mga paa. OH My Gosh! Bakit ba ang malas ko ngayon? Nahawakan ko ang aking ulo na kumirot. “I am sorry" gwapo na naman. Natinganga ako. Hindi nakapag salita. Parang tinangay ata... “Nasaktan ka ba?" Dapat ba na tinatanong pa? Nakita na nga niya nauntog ang ulo ko sa may sikuhan niya. Sa totoo lang siniko niya ako. Kung bakit kasi yumuko ako para pulutin ang barya na nalaglag niya. Bwisit! Dahil lang sa limang piso. Nauntog ako. Nasiko pala! Aray! Makipot... Este masakit at makirot. “Okay ka lang ba talaga?" hahawakan sana niya ako nang iwasan ko. Baka ma-fall kasi ako. Ang GWAPO! Nakaramdam kasi agad ako ng kakaiba ng titigan niya ako. Sa mukha pa naman. Pero bakit mas nauna pa nagkaroon ng reaksyon ang puso ko? “Sorry ahh!" “Okay lang ako." sagot ko. Kahit mahirap pigilan at— gusto kong bumagsak sa dibdib niya. Pero agad ko pinigil ang sarili ko. Baka talaga sa kanya ako babagsak if ever na mangyari na ma-fall ako dito. Ang gwapo niya kasi. Kahit pa-paano pala may hatid na swerte ang mga kamalasan ko. Puro gwapo ang mga pumapaligid sa akin ngayong araw. Umayos na ako ng tayo. Huminga ako ng malalim. “Okay lang ako, Pogi!" kinindatan ko siya. Tumaas ang kilay niya at kunot ang noo. “Ikaw naman! Hindi ka mabiro. Pero gwapo ka talaga." sabi ko na binulong ko lang tapos umalis na ako. Habang hawak pa rin ang noo ko na kumikirot. Hinihimas ko. Nahilo ako don ah! Lumunok ako. Nasa tapat na pala ako ng banyo. Isang malakas na buga. Pasok agad ako sa banyo. Relax lang, Cathy. Relax mo lang sarili mo at mamaya ay pag-igihan mo sa loob— sa orientation. Inayos ko ang buhok ko. Lumaylay yung mga maiiksi kong bangs. Para na tuloy ako si Betty la FEA! Hahaha. Natawa ako din ako sa sarili kong joke! Corny mo 'nga lang, Cathy. Wag mo na uulitin ah! Hindi naman kasi sana ganito ang buhay ko kung maayos lang ang naging mga pamilya ko. Bwisit kasi ang malas ko ata sa lahat ng bagay. Sana sa asawa! Hindi naman. Pero hindi ko pa naman balak at wala pa sa plans ko. Baka mamaya sa kakamadali ko sa paghahanap. Sa basurahan pala ang tapon ko kasi ay walang silbi ang napulot ko. Buti nalang talaga... Ngayon isasaayos ko muna ang buhay ko at hindi ako tu-tulad sa kanila. Hindi ako magpakatanga para lang sa lalaking g*go at tatanga-tanga. Never ako pipili ng lalaki na pasasakitin lang ang ulo ko at bi-bigyan ako lagi ng problema. Basta! never talaga ako lilinya sa kanila nila Mama! Never. Sa pamilya ko na walang mga ka-kwenta-kwenta Natulo na naman ang luha ko. Nagiging mahina ako at emotional sa mga pagkakataon na ganito. Hindi ko na talaga napigilan. Pero bumagsak talaga at hindi na matigil. Tulala ako na tumitig sa salamin. Habang tinitingnan ko at inaayos ang sarili ko siyang tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga luha ko sa mata. Hindi ko alam nagiging mababaw na naman ako this past few days sa tuwing naiisip ko ang mga pamilya ko. Cathy, don't cry dahil never kang gagaya sa kanila. At never ka magmamahal—magmamahal ng tulad ng boyfriend ng Ate mong barumbado at manyak. Hinding-hindi ka tu-tulad sa kanya at sa Mama mo... Never Cathy! Never.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD