Rayleen Napabalikwas nang bangon si Rayleen, parang mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Napahawak ito sa kanyang sintido, gustong maiyak ng dalaga, dahil sa kirot na naramdaman. “ Nasaan ako?” Sabay mulat ng kanyang dalawang mata at tumingin sa paligid. Nang tuluyan na itong nagising muntik na itong mapasigaw sa gulat “ Sino kayo? B-bakit kayo nandito sa kuwarto ko.? Utal na wika ni Rayleen. Ngumiti lang ang anim na babaeng nakatayo sa gilid na kama. “ Hijo, gising na siya!” Mahinang wika ni Sonia ang mayordoma nang mansion. Lumaki ang mata ni Rayleen, dahil nandito rin ang lalaking kasama niya sa Club kagabi. “ Anong ginagawa mo dito sa kuwarto ko?” Inis na wika ng dalaga, para kasing baliwala sa kanya na maraming tao dito sa kuwarto. “ Ate Sonia ako na ang bahala dito, pakisabi