Rayleen Napaiyak si Rayleen sa inis naiinis siya sa kanyang sarili, dahil wala man lang itong nagawa nang sunduin siya ni Ken sa condo ng kaibigan niyang si Susie. Alam ni Rayleen na galit si Kendrick at natatakot siya para sa kanyang sarili. Sa tuno nang boses nito para itong isang mabangis na lion na handang lumunok ng tao. Pinahid ni Rayleen ang kanyang pisngi, mugto na naman ang mata ng dalaga. “Bess anong gagawin ko? Ayaw kong bumalik sa bahay hanggang wala pa si mommy, I mean ang mommy ni Ken.” Ang naiiyak na wika ng dalaga. “Huwag kang lumabas hayaan mo siya ang aakyat dito, para makita niya na ako ang kasama mo.” Ang matapang na wika rin ni Susie, sabay pahid sa pisngi ng kaibigan. “ Bess, p’widi humingi ng favor mag panggap ka na ‘di mo alam ang nangyayari, baka kasi hindi na