KEN
Finally naka-uwi rin si Kendrick, matagal na panahon bago nakabalik nang Pilipinas ang binata. Puro trabaho ang inatupag, kung hindi naki-usap ang mommy niya next month pa sana ito u-uwi. Isa rin sa dahilan kung ba't nandito ito sa Pilipinas, ikakasal ang matalik niyang kaibigan at kailangan niyang dumalo.
Nasa labas na ang sundo ni Ken, exited na ito makita ang mommy niya. Biglang natakam ang binata, matitikman na ulit niya ang masarap na luto nang kanyang pinakamamahal na Ina. Nang makalabas na ng Airport si Kendrick, malayo palang tanaw niya na si Mang Isko. Agad sinalubong ni Mang Isko ang kanyang amo, kinuha ang dala nitong mga bagahe.
“Magandang umaga Sir Ken, kumusta ang biyahe mo?” Magalang na bati ng matandang lalaki.
“Magandang umaga rin po Mang Isko, ito ma-ayos naman po, kayo kumusta po?”
Sabay tapik ni Ken sa balikat nang matanda. “Sa awa nang Dios maayos rin Sir.
Naku, exited na ang mommy mo sa iyong pagdating.” Nakangiti si Ken sabay tango nito, sumakay na sila sa kanilang sasakyan. Habang nasa daan maraming napag-usapan sina Mang Isko at Kendrick katulad na lamang nang pagbabago ng Hacienda at ang paglago nito. Maraming tauhan si Ken, isa si Mang Isko sa pinagkakatiwalaan nito. Nag-iisang anak, nag-iisang tagapagma. Simula nang mamatay ang daddy nito siya na ang humawak sa lahat ng negosyong naiwan ng napayapang Ama.
Ma-agang naulila ang binata, kaya ang mommy nito ang naging katuwang niya sa pagpapatakbo ng sarili nilang kompanya.
Pinili ni Kendrick ang manirahan muna sa America, upang sa ganun mas madagdagan ang kaalaman nito sa larangan nang business. Naiwan ang kanyang Ina sa Pilipinas kasama ang kapatid nitong babae na si Rayleen. Ngayon nandito na si Ken sa Pilipinas, magbibigay siya ng oras para sa Ina at kapatid.
“Sir Ken, nandito na tayo.” Ang wika ni Mang Isko.
“Pasensya ka na Mang Isko, masyado po akong natuwa, ‘di ko tuloy namalayan na narito na tayo.” Nasa parking pa lang boses ng mommy niya ang maririnig sa buong mansion.
Nagmamadaling pumasok si Kendrick
dumiritso sa sala, napangiti ang binata busy ang lahat sa paghahanda ng pagkain. Akala mo kung sino ang bisita, mas lalo napangiti si Ken sabay iling nakita niya patakbong lumabas ng kusina ang Ina para salubungin siya. Nagyakapan ng mahigpit ang dalawa.
“Son, i miss you so much kumusta ka na? Mas lalo kang gumwapo, Rayleen anak nandito na ang kuya mo.” Masayang tawag ng Ina sa kapatid nitong babae. “I miss you too mommy!” Hinalikan ni Ken ang noo ng Ina bago ito bumitaw ng yakap. “Magbihis ka muna, para makakain na tayo.” Hindi mawala ang ngiti nang mommy ni Ken. Mabilis naman umakyat si Ken sa kanyang kuwarto, napangiti siya sobrang linis at ang bango ng silid. “Sino kaya ang naglinis dito?”
Kahit alam nang binata tinanong parin niya ang sarili. Pagkatapos magpalit ni Ken, bumaba na ito nagugutom na siya sa amoy ng pagkain. Pagdating niya sa dining naka-upo na pala ang mommy niya at ang bunsong kapatid nitong si Rayleen. Siya na lang pala ang hinihintay ng dalawa umupo ang binata sa tabi nang Ina.
Napatingin si Ken sa katabing upuan, kusang umangat ang ulo niya para tingnan ng mabuti ang katabi. “Hello po Kuya Ken, welcome home.” Ang masayang wika nang kapatid na babae,
lumapit si Rayleen sa kuya niya at humalik sa pisngi nito. “Oh, kumusta ka na?” Sabay gulo ni Ken sa mahabang buhok ni Rayleen.
“Ang laki mo na Rayleen, kumusta na ang pag a-aral mo?” napangiti si Rayleen sa inasal nang kuya niya. “Si Kuya Ken, parang hindi niya ako kinaka-usap araw-araw.” Ngumiti si mommy Loida sabay sulyap sa dalawa. “Mommy, ito na ba si Rayleen?” ang laki kasi ng pinagbago ng dalaga.
Tama si Rayleen araw-araw silang nag-uusap ni Ken, ngunit iba parin kapag kaharapan mo na siya. Palihim na nakamasid si Ken sa dalaga, nagulat ito sa pagbabago ng katawan niya dati kasi ang bata pa nito, ngayon dalagang-dalaga na.
“Sa wakas may kasama na ulit kami ni mommy.” Wika nang dalagita. Natawa naman si mommy alam niya ayaw ni Ken na maglalambing ang kapatid nitong babae, noon pa man aso’t pusa na ang dalawa. Kung saan lumaki saka pa sila 'di nagkaintindihan, palaging pinapagalitan ni mommy si Ken dahil lagi nitong inaaway ang bunsong kapatid. “Son, are you okay? Parang ngayon mo lang nakita si Rayleen.” Napuna ni mommy si Ken nakatitig kasi ito kay Rayleen, kumurap ang binata sabay iwas ng tingin. “Yes Mom, hindi lang ako makapaniwala ang laki na kasi ni bunso, baka may boyfriend ka na?” Taas kilay nitong tanong.
“Kuya, wala po, kahit itanong mo kay mommy.” Kunot ang noo ni Rayleen habang nagsasalita ito. “That's good!” ang tipid na tugon ni Ken.
“Tama na 'yan mamaya na kayo magtalo nasa hapag kainan tayo.” Sita ni mommy. “Sorry po mommy, ito kasi si kuya ang daming tanong.”
“Kapag may manliligaw sa'yo ako dapat ang unang makaka-alam, ayaw kong maglihim ka sa akin bunso. Alam mo na ang kayang gawin ni kuya oras na malaman ko na may tinatago ka sa akin.”
Tinakot ni Ken si Rayleen upang sa ganun hindi ito maglilihim sa kanya. “Opo kuya, kayo po ang unang makaka-alam.” Nakayuko nitong wika.
Masyadong masarap ang luto ni mommy Loida kaya napadami ang kain nila. Nakakamis ang pagkain sa Pilipinas busog na busog ang binata.
“Thank you Mom, wala parin pagbabago ang luto mo mas lalong sumarap.” Pinuri ni Ken ang Ina, bago ito tumayo. “Rayleen anak, may sakit ka ba? Bakit ang tamlay mo ngayon?” Kahit si Ken kanina pa niya napapansin na matamlay si Rayleen. “Mommy, maayos lang ako pagod lang po sa school marami kasing activities.”
Hinalikan ni Rayleen ang kamay nang Ina. “Mom, don’t worry I’m fine.” Napahinga ng malalim si Ken, ayaw niyang mag-alala ang mommy niya.
Pakatapos kumain, umupo muna ang mag-Ina sa sala, may mahalagang sasabihin ang Ina at tungkol ito sa business nila. Alam ng Ina na pagod si Kendrick, ngunit kailangan lang niya talaga itong kausapin. Pagkatapos nilang mag-usap, nagpaalam na ito sa mommy niya pagod sa biyahe si Kendrick kaya gusto niya muna magkulong sa kuwarto.
NAGISING si Ken sa ingay ng kanyang cellphone, ng sulyapan niya, si Maricar ang tumatawag.
Napabangon ang binata nagulat ito, nandito rin daw sa Pilipinas si Maricar. Hindi sinagot ni Ken ang tawag, binabasa lang niya ang chat ni Maricar.
Wala itong balak na kausapin ang dalaga,
kaibigan ang tingin ni Ken sa kanya, ngunit para kay Maricar higit pa sa kaibigan ang gusto nitong mangyari. Kung tutuosin mabait naman ang dalaga, kaya lang walang gusto si Ken sa kanya. Tatawagan lang ito nang binata kapag may kailangan siya. Alam ni Maricar babaero si Kendrick, ngunit binaliwala lang ‘yon ng dalaga.
Masaya ito kapag kasama niya si Ken mahal na mahal niya ang binata. Si Maricar na mismo ang lumalapit kay Kendrick, kaya sino ba naman siya para tanggihan ang dalaga. Ngayon mukhang ma istorbo ang bakasyon ni Ken, kilala niya si Maricar hindi ito titigil hangga’t ‘di niya makukuha ang kanyang gusto. Inaamin ni Ken babaero siya
maraming babae ang umiyak at umasa sa pagmamahal niya, ngunit binaliwala ito ng binata.
Laruan ang tingin ni Ken sa mga babae, kapag nakuha na ni Ken ang pakay niya sa’yo iiwan ka na parang basura. Wala itong paki alam sa damdamin ng mga babae, ang mahalaga kay Kendrick masaya siya. Bumangon si Ken, dumiritso ito sa swimming pool gusto niya muna magbabad sa tubig napakainit rin ng panahon ang sarap maligo. Malayo pa lang si Ken rinig niya ang ingay ng tubig, dahan-dahan itong naglakad papunta sa pool laking gulat ni Ken dahil si Rayleen pala ang naliligo. Napaka sexy nitong tingnan bagay sa kanya ang suot nitong itim na swimsuit, lumitaw ang magandang hubog na katawan ng dalaga.
Biglang may bumara sa lalamunan ni Ken, uminit ang pakiramdam nito feeling niya malalagutan siya ng hininga. “God please, ilayo mo ako sa mga ganitong bagay ayaw kong mag-kasala.” Ang piping usal ni Ken at humakbang na ito pabalik sa loob ng mansion, ngunit huli na dahil nakita siya ni Rayleen.
“Kuya Ken, tapos na po ako maligo.”
Umahon ang dalaga at naglakad ito papunta sa gawi ng binata. “O-okay, sige,magbihis ka na baka lamigin ka.” Bahagyang natawa si Rayleen sa sinabi ng kuya niya, gustong pagalitan ni Ken ang kapatid ngunit natakot ito. Sa totoo lang ayaw ni Ken sa suot niya masyadong lantad ang masisilang bahagi ng katawan ni Rayleen. Naiinis tuloy ito sa dalaga, hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. “Damn it!”
Natatwa si Ken, bakit naging ganito na siya ka higpit kay Rayleen? Hindi naman ito ganito dati, siguro ganito lang ang kuya protective sa bunsong kapatid. Nakatulala parin si Ken sa kawalan, ayaw maalis sa isip niya ang magandang katawa ng dalaga. Ilang minuto bago lumusong sa malinis na tubig ang binata, hindi pa rin nawala sa sistema nito ang tagpo nila ni Rayleen. Nagulat pa si Ken sa paglapit ng dalagita may dala itong snacks, inilapag niya sa tabi ng binata.
“Iwan mo na lang diyan.” Sa tuno ng boses ni Ken halatang naiinis, hindi lang niya alam kung para saan ang inis na ‘yon. Napahilamos ito sa sariling mukha, ayaw niya sa pakiramdam na ganito.
Kung noon malambing sila sa isa't isa, ngayon iba na hindi na sila mga bata para maglambingan.
“Kuya Ken, kumain ka muna baka darating na ang bisita mo.”
“Sino!”
“Tumawag po si Maricar sa landline, hindi mo raw kasi sinasagot ang tawag niya.” Napamura ang binata. “F**CK! She's crazy. Thank you makakaalis kana, Rayleen huwag mo ng ipaalam kay mommy na may bisita ako.” Inis nitong wika.
“Kuya, huwag ka mag alala ako na ang bahala kay mommy.” Umahon si Ken, umupo at kinain ang snacks na dala niya kanina.
"Thank you bunso!"