Chapter 1

1712 Words
Chapter 1   “Ayan ang napapala mo!” si Kim, hawak-hawak ang kaniyang anak. Narito kami ngayon sa condo niya. Since, hindi naman siya makakasama sa amin ni Trix sa bar na hindi ko pala alam ay bar ni Gav. “Hindi ka kasi marunong dumalaw!” inaalog niya ang kaniyang anak, habang naiyak ito. Nagkatinginan naman kami ni Trix at bahagyang natawa.   “Nanay na nanay ka na, ah!” asar ni Trix kay Kim, “Sus, ito si Wensy ang unang nagka-boy friend sa atin. Pero tignan mo, siya pa ngayon ang walang asawa.” bakit napunta sa akin ang issue? “At least, hindi ako ngayon nakakulong sa condo at nagbabantay ng tyanak.” mataray kong sagot, habang tinitignan ang aking kuko. “Oy! Maka-tyanak ka sa anak ko, ah!” agad akong natawa sa sinabi ni Kim.   “See? Hindi naman siya nagbago, hindi ba?” pumalakpak si Trix nang sabihin niya iyon, “Mabuti nga’t hindi siya nagbago, sadyang Gavin’s girl pa rin.” hindi ko na iyon pinansin, na-miss ko lang talaga silang dalawa. Gusto ko sana puntahan si Vessai, ngunit ayaw ko namang sirain ang una pagkikita namin muli. “Iba ang girl friend ni Gav, Wens.” tinitignan ko lamang ang kuko ko, wala akong gustong isagot kung hindi wala.   “Ow,” isang yakap ang naramdaman ko mula sa aking tabi, “Ano ba ‘yan! ‘Wag nga kayong ganyan!” boses ni Kim, humikbi ako nang maramdaman ko nanaman ang sakit. “’Wag ka nga umiyak!” sambit ni Trix sa aking gilid, “Naiiyak rin ako, e!” gusto ko matawa, ngunit ang sakit na mayroon sa aking dibdib ang aking nararamdaman. “Hayaan mo na, Wens.” ramdam ko rin ang yakap ni Kim sa akin, mula sa gilid. Pinunasan ko ang aking mga mata, dahil sa pagtulo ng aking mga luha.   “Ang sakit.” humihikbi kong sambit, “Iniwan ko siya, iniwan ko siya, dahil natatakot ako.” isang himas pa ang naramdaman ko, si Trix naman ang humahawak sa aking buhok. Rinig ko ang kaniyang pagsinghot sa kaniyang sipon. “Kailangan ko siya iwanan, natatakot ako na totohanin ni Lola ang mga sinabi niya,” lumakas lalo ang aking iyak, mahal na mahal pa rin kita. Ginawa ko lamang iyon, para sa iyo.   “’Wag ka na umiyak..” haplos pang muli ni Trix sa akin, “Ang sakit na.. hanggang ngayon, pinagsisisihan ko pa rin ang lahat.” ilang masasayang ala-ala ang nanumbalik sa aking isipan, masasayang ala-ala. “Wala akong choice, hindi ko kayang maghirap ang pamilya niya muli nang dahil sa’min, dahil sa ’kin!” turo-turo ko ang aking sarili, ngayon lamang ako nakalabas nang sakit na aking dinaramdam.   “Shh.. stop crying, Wens.” tumungo-tungo na lamang ako, ang sarap sa pakiramdam na may mga taong, handa kang tululungan. “Nandito kami, power puff girls.” hindi ko alam, kung bakit ako natawa sa kanyang sinabi. “Sira ka talaga, Kim.” pinunasan ko ang aking luha. Niyakap ko sila nang mahigpit, “Maraming salamat sa inyong dalawa, hindi ko alam ‘kung paano na lang ako babangon.”   “Ang corny mo, ikaw ba talaga si Wensy?” umalis sa yakap ko si Kim, tinignan niya kaming dalawa ni Trix. “Bakit? Mukha ‘bang hindi ‘yan si Wensy?” naniningkit na tanong ni Trix sa kaniya, “Hindi naman si Wensy ‘yan. Ang kilala kong Wensy ay iyong katulad ng kanta ni Ariana.” bakit naman niya ako nahalintulad sa kanta ni Ariana?   “Ariana? Bakit? Baliw na talaga ‘to.” umiling-iling na lamang si Trix at tila natatawa, “Iyong kanta niya na ‘I want it, I got it.’ gano’n ‘yung peg ni Wensy.” turo niya sa akin, “Hindi ‘yang Wensy na ‘yan ngayon na umiiyak na lang,” ngumuso ako, ano ba ang gusto nilang gawin ko? “Oo nga ‘no! Si Wensy, ‘yong tipong babae na. Pag hindi ka gusto, kulitin mo!” isang halakhak naman ang nilabas ni Trix nang sabihin niya iyon sa akin. “Hindi ako umuwi sa pinas, para kulitin si Gav.” huminga ako ng malalim, palagay ko ay wala na akong pag-asa para kay Gav. Lalo na ngayong nalaman ko na may fiance na siya, “Kung gano’n ay bakit ka umuwi? Biglaan naman kasi ang pag-uwi mo, hindi ka naman nagsabi sa amin.”   “Nawalan ng milyon ang kumpanya, may sakit si Mommy. Kaya kailangan kong alagaan ‘yon, dahil iyon na lang ang natitira para sa amin.” halata sa kanila ang gulat, “Y-you mean? May sakit si Tita? Oh my gosh! Is she fine, na?” natatarantang tanong sa akin ni Trix, “Hindi pa masyado, marami ang nangyari sa’min.” umayos ako at sumandal sa sofa. Kumuha naman ng tubig si Kim at agad iyong ibinigay sa akin.   “Wala na akong balita, simula nang umalis ka.” nakagat niya ang kaniyang labi, “Kahit si Shone, hindi alam ‘kung ayos ka lang.” ngumisi naman ako, “Ano na ngayon ang gagawin mo?” kinuha ko ang basong hawak ni Kim. “Thank you.” pasasalamat ko, uminom muna ako at tumingin muli sa kanila. “Wala,” halata sa kanila ang hindi gusto ang sagot ko.   “What do you mean? Wala? Wala kang gagawin?” kailangan bang may gawin ako? Wala naman akong gagawin, “Umuwi ako para sa kumpanya, kaya iyon lang ang gagawin ko.” ngumuso si Trix sa sinabi ko, “Well, handa naman akong sumama sa ‘kung bet mo mag-spy.” tawa ni Kim ang bumalot sa loob ng sala, “Parang college days lang! Baka mahal ka pa ni Gav?”   “Aasa ba ko?” tinuro ko ang sarili ko, ngumiwi lamang si Kim sa tanong ko. “I mean, baka mahal ka pa n’ya talaga.” umiling na lamang ako. “May mahal na siyang iba, Kim.” ngumiti akong tignan siya, isang hawak sa aking kamay ang naramdaman ko. “Maybe, hindi talaga siya ang para sa ‘yo, Wens.” baka nga, baka hindi talaga siya ang para sa akin.  "'Wag ka nang malungkot, gano'n talaga." mayroon sa puso ko ang hindi ko matanggap ang lahat. Narito na ako ngayon, kung kailan wala ng kalaban, kung kailan wala ng tututol para sa amin ay saka naman naging ganito. Kung sabagay, hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin.  "Masaya akong naging akin siya noon, kahit hindi na kami ngayon.." mapait akong ngumiti, sa tuwing naalala ko ang mga ngiti niya. Ang lahat-lahat na nangyari sa amin, lahat ng mga ala-ala kong nabuo nang kasama siya. "Ngayon, paano na? Ngayong alam mo na? Na may fiance na siya, hays.." mariin kong tinignan si Trix na halatang nalulungkot para sa akin. Si Kim naman ay inuuga ang crib ng kaniyang anak, "'Wag mo na ngang isipin 'yon, parang mas affected ka pa kaysa kay Wensy." gusto kong matawa, paano na lang kung wala sila? "E, naiiyak ako! Sa ayaw kong ganiyan siya!" lumapit siya sa akin at niyakap akong muli. "Nu'ng nalaman kong hiniwalayan mo siya noon, gusto kitang sigawan." pinunasan ko ang ilang butil ng aking luha, napatingin ako sa kanya. "Isa ka sa mga maswerteng nagustuhan nang gusto nilang tao." palagay ko ay may gusto siyang ipunto sa akin, alam ko naman iyon. Alam ko ang gusto niyang sabihin sa akin, "'Yung iba, kahit nakatali na sila sa isa't-isa ay hindi pa rin sila tunay na nagmamahalan, may isang may mahal ng iba at 'yung isa naman ay nagmamahal nang may mahal ng iba." humalakhak siyang tumingin sa akin, pinunasan ko rin ang kaniyang mga luha. "Dati, inggit na inggit ako sa 'yo.." hindi ba't dapat ako 'yung nagda-drama? Bakit siya na? Kinalma ko ang sarili kong basagin ang pag-e-emote ni Trix, hinayaan ko lamang siyang magsalita.  Hindi ko rin alam kung bakit siya naiingit sa akin, kita naman niya ang pinagdadaanan ko ngayon, hindi ba? Sa ganitong buhay pa ba siya maiingit?  "Naiingit ako sa 'yo, kasi mahal ka ng taong mahal ko.." nanlaki ang mga mata kong tignan siya. Sa wakas ay nasabi niya na rin iyon! "Pero ngayon ay hindi na ko naiingit, kasi parehas lang pala tayo." gusto kong magtanong, marami na kasi siyang hindi nasasabi sa akin. "Parehas lang tayo, pinaramdam lang sa atin 'yung saya sa maikling panahon." naalala ko pa ang mga halik niya sa akin, isa iyon sa mga masasayang ala-ala at panahon na naibigay ko sa kanya. "Kinasal ako sa taong gusto ko, ikaw naman naging kayo ng mahal mo. Pero kahit kasal kami, hindi niya ako gusto at hindi niya ako magugustuhan. Ikaw naman, naging kayo pero pinaghiwalay ng tadhana."  "Tumatawag si Shone!" napabalikwas kami sa sinabi ni Kim, nanlaki ang mga mata ni Trix. "'W-wag mong sagutin! Hayaan mo siya, d'yan!" ang naging asawa ni Shone ay si Trix. Ang liit ng mundo, hindi ba? Dati ay asar na asar si Shone kay Trix, ngunit ngayon ay mag-asawa na sila. Nu'ng sabihin iyon sa akin ni Shone ay gusto na niyang umalis ng bansa. Masaya ako para sa kaniya no'n, hindi dahil hindi na niya ako makukulit. Dahil alam kong magiging masaya siya sa tabi ni Trix, "Hindi pwede, alam mo namang-" tumunog muli ang teleponi ni Kim. Kinagat niya ang kaniyang labi saka niya ito sinagot, rinig ko ang pag-angal ni Trix, ngunit huli na ang lahat nang sagutin iyon ni Kim.  "A-angelo." mabilis niya akong tinignan, hindi ko alam kung bakit parang natatakot siyang ibuka ang kaniyang labi. "Oo, narito siya." bumuntong-hininga siya, "Ang sabi ko ay 'wag niyang sabihing narito ako!" singhal ni Trix sa tabi ko, "O-osige.." lumapit sa amin si Kim, dala-dala ang kaniyang telepono. "Kakausapin ka-" hindi na naituloy iyon ni Kim nang umapela si Trix, "Hindi ko sasagutin 'yan! Bahala siya d'yan-"  "Wensy, hinahanap ka ni Angelo, kakausapin ka raw niya.." bumilog ang mga mata ko sa sinabi ni Kim. Nadudurog ang puso ko para kay Trix. Siya ang asawa, ngunit ako ang hinanap. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD