bc

A Regal Pauper

book_age18+
3.1K
FOLLOW
17.2K
READ
revenge
kickass heroine
student
royalty/noble
bxg
kicking
campus
friendship
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

“You are talking to the queen.” – Aurora Lucienne Lopez Coventry.

Si Aurora Lucienne o mas kilala bilang Alice, ang babaeng sinalo yata ang lahat ng kaseryosohan sa buhay. Maihahalintulad sa isang mahirap na daga ang uri ng kaniyang pamumuhay, maswerte na kung dalawang beses sa isang araw siya makakakain. Maswerteng nakakuha ng scholarship sa isang prestihiyosong paaralan, ang Gokudo University.

Gokudo University is an assassin institute. Iba’t-ibang grupo ng mga estudyante ang matatagpuan mo rito. Mga mag-aaral na mula sa pamilya ng mafia, assassin, yakuza at may iba ring naliligaw na mga gangsters. Pero ano ang ginagawa ng isang mahirap na katulad ni Alice sa unibersidad na ito?

Unang araw pa lang ni Alice sa Gokudo pero naranasan agad niya ang kalokohan ng mga estudyante ng Gokudo. Nagnanais lang naman siya ng isang matiwasay na pananatili sa eskwelahan ngunit mukhang malabong mangyari ito dahil siya ang napiling paglaruan. Wala na sana siyang balak pang pansinin ang mga kalokohang ginagawa sa kaniya, ngunit pilit na inaabot ng mga kapwa niya estudyante ang pisi ng kaniyang pasensya. Marunong naman siyang makipaglaro, ang tanong nga lang ay kung kaya ba siyang sabayan ng mga estudyanteng ito.

Hanggang saan ang kaya niyang itago tungkol sa pagkatao niya kung marami nang tao ang pilit na nagsusumiksik sa buhay niya? Ano nga ba ang totoong dahilan niya kaya siya pumasok sa Gokudo? At ano pa ang lihim na nakatago sa katauhan ni Alice, na tinatawag din nilang prinsesa ng Coventry?

chap-preview
Free preview
ONE
"Oh apat pa, apat pa. Aalis na..." Naririnig ko ang malakas na boses ng barker kahit na hindi pa ako masyadong nakakalabas sa eskinita ng bahay na tinutuluyan ko. Nilingon kong muli ang bahay para siguraduhing kung naka-lock ng maayos bago nagpatuloy sa paglalakad. “Papasok ka na, Alice?” tanong ni Mang Ambo, isa sa mga kapitbahay ko na maagang gumigising para maglinis ng kanilang bakuran. “Mag-iingat ka, hija.” Tumango ako sa kaniya at mabilis na naglakad palayo. Hindi ko naman ugaling bumati pabalik sa mga tao. Mahigit dalawang taon na akong nakatira rito sa Caloocan at kilala naman na nila ako, at ganoon din ako sa kanila. "Oh, isa na lang. Sa mga single riyan, sumakay na kayo." Natatanaw ko na ang kanto kung saan ang paradahan ng mga pampublikong sasakyan. Binilisan ko ang lakad para umabot sa jeep na nagpupuno. Mahirap kung sa susunod pa ako sasakay dahil matagal pa ang hihintayin ko at siguradong malilate ako sa klase, unang araw ko pa naman ngayon. “Isa na lang ang hinihintay, Miss. Single ka naman, ‘di ba? Sumakay ka na at baka riyan mo na makita ang forever na hinahanap mo,” ani ng barker nang matanawan akong naglalakad papalapit. Ang daming sinasabi ni manong, hindi ba nangangalay ang bibig niya? “Sa kanan maluwag pa.” Inabutan ko siya ng sampung-piso bago pumasok sa loob. Inilibot ko ang tingin kung saan ang pwestong sinasabi ni manong, ngunit wala akong makitang bakante. Muntik na akong mapamura nang biglang tumakbo ang sasakyan kahit hindi pa ako nakakaupo. Wala akong choice kung ‘di ang ipagsiksikan ang sarili sa pagitan ng babaeng walang pakialam na tuloy pa rin ang soundtrip, at doon sa lalaking nagbabasa ng textbook kahit bago pa lang magsisimula ang pasukan. “Makiki-usog naman po ng kaunti. Palda ko lang ‘yung nakaupo,” saad ko sa dalawang katabi. Sabi kasi ni manong mayroon pang bakante. Bakit halos hindi na ako makaupo, kulang na lang sa sahig ako ng jeep pumwesto? Bagong plantsa pa naman ang unipormeng suot ko. Hirap na hirap din tuloy akong iabot ang bayad ko. “Hindi lang po kayo ang sakay. Galaw-galaw din,” ani kong muli nang hindi ako pinansin ng mga katabi ko. Unang araw ng pasok ko ngayon at tumatagaktak na agad ang pawis ko dito sa loob. Hindi pa ako nakakapasok pero mukha na akong pauwi. Sa dami ng magiging katabi ko bakit doon pa sa mga walang pakialam? “Mga hijo at hija, maawa kayo sa katabi ninyo. Hindi ninyo naman nabili ang sasakyan kaya umusog kayo,” ani ng matanda sa harapan ko nang makita kung paano ako nahihirapan sa pag-upo. Mabuti pa si manang, nakakaramdam. Tinanguan ko siya at ngumiti naman siya sa akin. Doon ko lang naramdaman ang kaginhawaan dahil sa pagluwag sa pwesto ko. Kahit paano ay nakaupo ako ng maayos ngunit kung kailan naman malapit na akong bumaba. “Para po!” Mabilis na huminto ang jeep na sinasakyan ko. Bago ako bumaba ay narinig ko pang bumubulong ang katabi ko kung bakit daw nagde-demand pa ako, e malapit na rin naman pala akong bumaba. Kung hindi lang mahaba ang pasensya ko at kung hindi lang ako nagmamadali, napitik ko na siya sa mata. Pare-pareho lang kaming pasahero, kapal ng mukha! Napaubo pa ako nang mabugahan ako ng usok na nagmumula sa jeep na binabaan ko. Ugh, hindi pa ako nakakatapak sa gate ng university pero mukhang pinagsakluban na agad ako ng langit at lupa. Inayos ko muna ang damit at pinasadahan ng daliri ang aking buhok bago nagsimulang maglakad, walang kabahayan sa paligid at isang mahabang pathway pa ang dadaanan ko bago marating ang gate ng university. At saka lang ako nakahinga ng maluwag nang matanaw na ang tarangkahan ng eskwelahang papasukan ko, ang Gokudo University. Finally! “Estudyante ka ba rito?” bungad sa akin ng nagbabantay. Tumango ako sa kaniya at pinakita ang I.D ko. Habang sinusuri niya iyon ay inayos ko ang pagkakasukbit sa aking bag. “Tumabi ka muna,” aniya at kasabay noon ang malakas na busina ng sasakyan. Napalingon ako at nakita ang sunod-sunod na mga sasakyang papasok. Tamad na naglakad ako sa gilid at iniwas ang tingin sa mga magagarang sasakyan. Rinig ko ang mga imported na tunog noon. Kung pinapasok ako ni Manong guard, kanina pa ako nasa loob. Ilan na ba ‘yong sabihin niyang, ‘sige, pumasok ka na’ tutal nakita naman na niya ang I.D ko. “Dito ka ba talaga nag-aaral?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Tinawag pa niya ang isang kasamahan para ipakita ang I.D ko. Mukha ba akong nanggu-good time? Pobre lang ako pero hindi sinungaling. “Wala lang po akong sasakyan kasi hindi ko afford, pero dito po ako pumapasok.” Kulang na lang ay irapan ko sila. Masiyadong judgemental. Alam kong puro mayayaman ang pumapasok dito pero hindi ba nila alam ang salitang iskolar? Maswerte akong nakapasa sa isang online examination kaya nakapasok ako bilang iskolar. Hindi ko nga lang alam kung sino ang nag-sponsor sa akin. “Nandito naman siya sa listahan ng mga scholar kaya papasukin mo na,” ani noong isang guard at ipinakita ang isang logbook na may nakalistang pangalan ko. Mabilis akong pumasok sa loob nang buksan nila ang gate. Baka magbago pa ang isip at magtagal pa ako sa labas. Tiningnan ko ang pambisig na relo at nakitang may kalahating oras pa bago ang unang subject. Malayo-layo rin pala ang lalakarin ko ulit bago marating ang mismong building. Sino kaya ang gumawa nito? Bakit ang hilig pagurin ang mga estudyante? “Sige, sapakin mo.” “Patayin mo na.” “Huwag mong titigilan hangga’t hindi naghihingalo.” Malalakas na hiyawan ang naririnig ko habang papalapit ako sa building. Nagkukumpulang mga estudyante ang nadatnan ko sa open field. Anong mayroon? Live match? Gusto ba nila ng sakit ng katawan kaya kahit ang aga ay nagbubugbugan sila? Ibang klase. “OMG! Tatamaan ‘yung babae.” Narinig kong saad ng isang estudyante. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang yumuko ay napansin ko ang tanggal na sintas ng aking sapatos. Saktong pag-upo ko para ayusin iyon ay isang mabilis na bagay ang dumaan sa bandang ulo ko. Lumingon ako at isang kutsilyo ang nakatarak sa punong ilang hakbang lang ang layo sa akin. “Sayang, hindi tinamaan!” saad muli ng isang boses ngunit hindi ko na pinansin iyon. Inilayo ko ang tingin sa puno at tumayo na. Pinagpag ko ang magkabilang kamay. Hindi pa ako tumatagal ng isang oras dito sa loob pero muntik na agad akong mamatay. Kung sino man ang naghagis noon, tuturuan ko siya sa susunod kung paano ang tamang hagis ng kutsilyo. Iyong siguradong bull’s eye.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
315.8K
bc

YOU'RE MINE

read
901.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.3K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.4K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
328.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
248.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook