Chapter One
ATHENA PoV
Nakasilip ako sa hambana ng pintuan habang nakatingin sa mga paparating na magagarang kotse.
"Xacharias, ano ginagawa mo diyan?"
Napapitlag ako sa gulat ng marinig ko ang boses ng akin Ina na si Hera Akatsuki.
"Wala po, Mommy." Lumunok ako bago umalis sa hambana ng pinto. Natatakot ako yumuko bago naisipan umalis. Ngunit bago ko pa magawa ang nais gawin narinig ko muling nagsalita ito sa matigas na boses.
"Hindi ka dapat basta-basta bumababa ng kwarto mo, Xacharias." Madiin nito sabi.
Napalunok ako, sa edad ko walong taong gulang nakakaramdam ako ng matindi takot sa tuwing nagsasalita ito, ni minsan hindi ko naramdaman ang pagiging Ina sa kagaya nito na siyang tinuturing na reyna ng mga mafia.
"Patawad po, Mommy hindi na mauulit." Nakayuko ko sabi habang nanginginig ang aking buo katawan.
Naramdaman ko ang tila hangin na dadampi sana sa akin mukha. Mabilis ako tumingala ng makita ko ang isang batang lalaki na matangkad sa akin na bahagya. Sa tingin ko ang edad nito ay hindi naglalaro sa edad na labing-tatlong taon. Hawak nito ang kamay ni Mommy Hera,
Pinigilan ng binata na ito ang akmang pagsampal sa akin.
"Hindi ko naramdaman ang paglapit mo, binata." Sabi ni Mommy Hera bago nito inalis ang mahigpit na hawak sa kanya ng lalaki na sa akin nakatingin. "Pero dapat hindi ka nangingialam sa aming mag-ina."
Saglit ako tinitigan ng binata bago nito tiningnan ang akin Ina saka yumuko.
"Magandang gabi, Mrs. Akatsuki. I'm Clyde Zeus Sakuragi, patawarin niyo ang aking paglapastangan pero ayoko nakakakita ng pananakit lalo na sa akin pagdating."
"Huh!" Napaismid ang aking Ina. "Akala mo kung sino Santo! Baka nakakalimot ka kung na saan ka ngayon, Ginoong Sakuragi? Kagaya ng iyong Ama, isa ka din walang hiya!"
Masamang tiningnan ni mommy Hera si Clyde bago ito muling tumingin sa akin.
"Xacharias, nakikita mo ba ang lalaki na ito? Ito ay mapapabilang sa ating angkan gustohin ko man o hindi. Isa sa iniyo ni Aprodite ang mapipili maging kanya kabiyak. Pero sa tingin ko hindi ikaw ang mapipili sa ating angkan, mas malambot ka pa sa tupa."
Napalunok ako, noon paman ay ayaw na sa akin ni Mommy Hera dahil para dito ang pagiging mahinahon ko ang magpapabagsak sa aming angkan. Pero nagkakamali ito, dahil sa aming dalawa ni Aphrodite ako ang mas magaling. Nagtatago lang ako sa maamog mukha na ito subalit mas malupit ako sa aking kakambal.
Napakislot ako ng tumawa si Clyde, kunot-noo ko ito tiningnan at inarko ang akin isang kilay. Gusto ko sana sabihin dito ang Katagang 'what?'
Tumingin muli si Clyde kay Mommy Hera, "mukha humihina na ata ang iyong pagkilatis, Mrs. Akatsuki. Pero bueno, kaya ako naparito para sabihin tama nga ang aking Ama, ang Ilaw ng tahanan ng pamilya Akatsuki ay matabil ang dila."
Muling tinitigan ng masama ni Hera ang lalaki unang beses palang nito nakita pero pangahas na sa Reyna ng Mafia.
"At tulad nga ng kasabihan, like father, like son, Mr. Sakuragi." Sabi nito bago umalis sa aming harapan.
Dahan-dahan ako umatras at akmang tatalikod na ng nagsalita muli ang lalaki.
"Hindi ka ba magpapasalamat sa akin Binibining Akatsuki?"
Muling tumaas ang akin kilay at palihim na umismid. Pekeng ako ngumiti dito.
"Para saan po?"
Umismid ang binata at pinag-krus ang braso. Parang na-amuze ito habang tinitingnan ako
.
"Napaka-amo nga talaga ng iyong mukha, Athena. Pero ang isang kagaya ko ay hinding hindi masisilaw sa angkin mo kagandahan."
Nagulat ako ng sumugod ito sa akin. Mabuti nalamang at handa ako ano mang oras.
Nasalag ko dagger na iniamba nito sa akin gamit ang espada na naka-display malapit sa hambana ng pintuan.
Tinadyakan ko ito kaya napalayo ito ng bahagya sa akin. Muli ito sumugod, Hinugot ko muling ang isa pa espada at muling nasalag ang magkabilaang dagger nito.
Pero sadya yatang malakas ang lalaki na ito, gawa na rin siguro ng mas matanda ito sa akin, Nagawa kasi nito mapaatras ako at madikdik ang likod ko sa lamesa nasa akin likuran.
Nagngingit-ngit ako sa galit, Tumalim ang aking mga mata at tinitigan ito ng masama.
"See, what a beautiful eyes! Ganyan ang gusto ko makita, Athena!" Nang-aasar pa nito sabi.
"Shut up! Mother Fucker!" Naiinis na ako sa lalaki na ito, panay pa tawag sa second name ko!
"Tama nga ako ng hinala, ang kagaya mo may maamong mukha, may tinatago sama ng ugali."
Matalim ako tiningnan nito bago lumayo sa akin.
Baba-taas ang aking dibdib habang tinititigan ito. "Hindi man kita matatalo ngayon, soon or later, Mr. Sakuragi!"
Ngumiti ng nakakaloko ang binata bago nito itinago ang dagger at namulsa sa harapan ko.
"Nang ipakita sa amin ang larawan niyo ng kakambal mo sa isang meeting conference, nagkaroon ako ng interest sayo kesa kay Aphrodite na puro papuri ang naririnig ko. Samantalang sayo, ni Kahit ano mabuti salita ay wala. Mahina, malamya at hindi nakikihalubilo. Naisip ko bigla, hindi kaya nagkukunwari ka lang?"
Pinasingkit ko ang aking mata, ano ba gusto sabihin ng lalaki na ito.
"Sa edad mo na walong taon gulang napaka-flexxible mo, mabilis mo nakuha ang espada nasa gilid mo at nasangga mo ang pagsugod ko. Kung tama ang sinasabi nila dapat nakalupasay ka na. Pero look at you, lumalabas ang pagiging Akatsuki mo, at bihira ako magkamali sa aking pagkilatis."
Binagsak ko ang dalawa espada sa lapag at masama ito tiningnan.
"Ano gusto mo palabasin ngayon?"
Ngiti lang ang tinugon nito bago ito umalis sa akin harapan.
Nag-aalpas ang galit sa akin dibdib. Kinakailangan ko iwasan ang katulad nito na para sa akin ay isang mapanganib. Inaasahan ko iyon na ang una at huli namin pagkikita.
After forty-five years...
Crisanta Pov
Pababa na ako ng hagdan ng mapansin ko ang mga sampung kalalakihan na naka-align sa ibaba ng hagdan, lahat ng mga ito ay nakasuot ng itim na suit.
Masama ko tiningnan ang lalaki nasa gilid ng pinto at nakapaskil sa labi nito ang nang-uuyam na mga ngiti.
"Balak mo ba ipadala sa akin mga tauhan mo, Miguel? "
"Haist, Crisanta. I'm your Kuya Miguel, Kahit kailan talaga wala ka galang sa nakakatanda mo kapatid." tumayo ito ng diretso at mabilis na nagbago ang ekspresyon nito. Mula sa nang-aasar na mukha napalitan ito ng madilim na anyo. Nararamdaman ko ang kakaiba sa aura nito.
"Ipapaalala ko lang saiyo, maldita ko kapatid. Ang school na magiging bago mo kulungan ay hindi pag-aari ng ating Pamilya. At kahit andoon ako hindi kita kaya ipagtanggol. Kaya galingan mo, wag mo ipapahiya ang ating Angkan." Matapos nito sabihin iyon, mabilis ito naglaho sa akin paningin.
"Bagong kulungan, My ass!" Napa-irap ako kahit wala na ito sa paningin ko. Ano ba paki-alam ko kung hindi sakop ng angkan namin ang lugar na iyon? Kumukulo talaga ang dugo ko kapag naiisip ko kinukontrol ng akin Ina ang aking buhay at desisyon.
At kahit saan ako magpunta, impyerno man yan o langit, hind ako natatakot. Maliban nga lang sa tao natitiyak ko kahit si Santanas magtatake-over kapag nakaharap ang tao kinatatakutan ko sa buo buhay ko.
"Bakit marami bodyguard dito?" Nakakatakot na sigaw ng babae nagluwal sa akin. At siya, siya ang tinutukoy ko.
Tiningnan ko ito sa may likuran ko habang pababa ito ng hagdan. Kasunod ang akin ama mayroon matatalas na mga mata, Isang matang katatakutan ng kahit na sino.
Ang Pinakamalakas na pinuno sa buo Mafia, ang iniilagan ng mga maliit na grupo mapa-mafia man o gangster, ang akin maganda Ina, si Xachrias Athena Akatsuki-Sakuragi.
"Ano meron dito, Crisanta? " ramdam ko ang mala-authoridad nito boses.
Bumuntong-hininga ako. "Malay ko, pagbaba ko andiyan na sila. " medyo kumakabog ang aking dibdib. Ano ba kasi tumakbo sa utak ni Miguel at pinatawag lahat ng men in black ng pamilya, parang siraulo din talaga, may sapak na sa utak. Gusto ata ako mapahamak eh,
"Lumabas na kayo lahat!" Mahinahon pero nakakatakot nito utos. Yumukod muna ang mga ito bago lumabas ng naka-align parin.
"Ngayon araw ang pag-alis mo sa hacienda, Tama ba ako Crisanta?" Nasa harapan ko na ang akin Ina mayroon brown na mga mata. Ang maamo nito mukha na tila ba isang anghel. Ang nakakasilaw nito kagandahan, Pero nasa loob ang nakakatakot na halimaw.
"Oo!" Bumalik ang inis sa dibdib ko. Ah, Hindi...nagagalit ako! Bakit ko ba kasi kailangan sa kalaban school mag-aral? Bakit hindi na lang sa Italy? Palihim ko kinuyom ang kamao, pero alam ko ito ay hindi lingid sa akin Ina. Alam din nito hindi ko gusto ang nais nito ipa-gawa.
Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang aking balikat.
Para bang sa iba isa ito pag-aalala ng isang Ina para sa anak, Pero para sa akin hindi!
Isa ito nakakatakot na pag-babanta. Lalo na ang pag-talim ng mga mata nito. Ang malamya nito tingin ngunig nakakatakot.
Na para bang nagsasabi na ayusin ko ang bawat desisyon na gagawin ko. At wala ako pagpipiliian kung hindi ang sumunod sa pinapagawa nito.
Lumapit ito ng bahagya sa akin at saka bumulong,
"Bumalik ka dala ang ninakaw nila, Crisanta. Buhay mo man ang kapalit, kailangan mo maibalik ang atin, signatura!"