Chapter Thirty Four

2503 Words

"RHIA..." "Hmmm..." "Wake up, Mahal..." Nangunot ang noo ko. Bakit ba kanina pa gising nang gising sa akin 'tong si Sir Kael? Saka ang akala ko ba ay pumasok ito sa opisina kaninang umaga? Ano ang ginagawa nito rito ngayon? "Mahal..." naring kong mahinang tawag na naman nito sa akin, kasabay ng mahinang pagyugyog sa balikat ko. Kanina ko pa gustong-gustong dumilat, upang ipaalam dito na gising na ako. Iyon nga lang, kahit anong pilit ko ay namimigat talaga ang talukap ng mga mata ko. Masakit na masakit din ang lalamunan ko. Hirap na hirap ako, kahit sa paglunok lang ng sarili kong laway. Pati ang ulo ko, pakiramdam ko ay may batong nakadagan, sa bigat. Natuloy nga yata ang lagnat ko. Pag-alis nito kaninang umaga ay masama na ang pakiramdam ko. May kaunti na akong sinat, pero kaya ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD