"MOMMY, BETTY..." "Yes, Baby?" Mula sa bedtime story na binabasa ko ay nag-angat ako ng tingin kay Nickos. "Do you really love my Papa?" Inosenteng tanong nito sa akin. Tumagilid pa ito ng higa at pinagpatong ang dalawang kamay sa ilalim ng pisngi nito. Napakunot ang noo ko aa tanong nito. Kapagkuwan ay ikiniling ko ang aking leeg. "Hmm... why?" Huminga ito ng malalim. Parang isang matandang tao na may malaking dinadala. "I want to be a ring bearer." Lalo namang nalukot ang noo ko sa sinabi nito. "H-ha?" Muling humugot ng hangin ang bata, pagkatapos ay lumabi sa akin. "Iyon pong classmate ko, yung mommy at daddy niya, they're getting married. And he's the ring bearer. Ang sabi niya kasi daw, they love each other kaya sila magpapakasal." Mariin akong napalunok. Pilit na nangangapa n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books