Hindi alam ni Abby kung ano ang dapat niyang maramdaman ng mga oras na iyon. Nasa loob siya ng kwarto ng senyorito at nakikipag usap ito sa kanya ng kaswal na para bang normal sa kanilang dalawa ang ganoon. Ang sabi nito ay may ipag uutos ito sa kanyang importante kaya siya sumama sa lalaki. Ang akala niya ay baka magpapalinis ito ng banyo o kaya ay kwarto pero heto at wala naman itong balak na utusan siya. At ang pinaka nakaka inisan niya ay tinutudyo nito sa kanya ang ang binili nitong panty. Ang totoo ay nasubukan na niyang iyong isuot at ang nakakabigla ay nagustuhan niya iyon. Kahit paman labas ang dalawang pisngi ng kanyang pwet at manipis ang tela niyon na halos gahibla lang ang natatabunan ng kanya ay komportable parin namang isuot. Ngunit magkamatayan na ay hindi niya sasabi