"What the f**k are you doing woman!?" Nabigla si Abby sa sigaw na iyon ni Damon. Parang nagsisi tuloy siya sa ginawa at napahiya ng sobra. Alam naman niyang hindi siya yong tipo nitong babae pero kailangan niyang gawin 'to. "Dalawang milyon kapalit ng katawan ko senyorito." Aniya. Ang boses niyang may bahagyang paos at nginig pero may tatag. Hindi siya papayag na malaman nitong gusto na talaga niyang tumakbo palayo at magtago. Nagtagis ang bagang nitong nakatingin sa kanya at umaalon ang lalamunan habang madilim ang tingin partikular sa kanyang dibdib. Hindi siya sigurado kung pandidiri o pagnanasa ba ang nasa mga mata nito. "You are just eighteen Abby. You don't know what you're doing. Stop this none sense and put back your clothes on." Matigas nitong sabi. "H-hindi! Alam ko ang