Kulang ang sabihing nagulantang si Abby nang pag uwi niya sa bahay nila ay nadatnan niya sa maliit nilang sala ang mga paper bag na pinamili ni senyorito Damon kanina. Kakauwi niya lang galing sa skwela at tulog na ata ang tatay niya dahil alas otso na nang gabi. Maaga itong natutulog simula nang mawala ang nanay niya, dahil pinapagod nito ang sarili sa trabaho. Ilang beses na niya itong nasabihan na magpahinga pero hindi naman nakikinig ang tatay niya. Bumalik ang tingin niya sa paper bag na nasa maliit nilang sofa bed. Dinampot niya iyon ng may ingat at dinala sa labas ng bahay. Mula sa bahay nila ay ikaapat na bahay ang tinutuluyan ni ate Sasa kasama ang anak nito. Ihahatid nalang niya ang mga ito dahil baka nagkamali ang inutusan ng amo nilang ihatid ang mga ito at sa bahay nila nap