ABBY- Nagmamadali ang mga hakbang ni Abby patungo sa CASA. Wala naman siyang pasok ngayong araw dahil inabisuhan na siya ng mga kasamang katulong na bukas pa ang trabaho nila. Hindi niya alam kung bakit pero nagpapasalamat siya dahil makakapagpahinga siya ng araw na iyon bago pumasok sa skwela. Kaya lang ay noong nagliligpit siya kanina sa bahay nila ay napansin niyang kulang ang libro niya na nakapatong sa maliit na mesa sa gilid ng kanyang kama. Importante pa naman ang librong iyon dahil may inipit siyang notes para exam nila mamaya pagpasok niya. At nang maalala kung saan niya iyon naiwan ay napapadyak siya sa isang paa at pabagsak na naupo sa kama niya dahil sa inis. "Ang tanga mo naman Abby eh! Bakit ba sa lahat ng oras na pwede mo yong makalimutan ay ngayon pang kailangan na ka