Chapter 20

939 Words
~Athena's point of view ~ Hindi ko pinpahalata ang kabang nararamdaman ko habang nagsasayaw kami. "Did you miss me...? "Maya maya'y bulong niya, nang makalapit sa tenga ko. Saglit akong napapikit. Namiss ko siya... Namiss ko ang boses niyang iyon. Namiss ko rin ang amoy niya.Namiss ko lahat sa kanya. Parang gusto ko nalang yakapin niya ako.Para akong lutang. 'Athena.... gumising ka nga!Nakita mo lang ulit siya magiging marupok ka nanaman ulit.Umayos ka. 'saway ko sa sarili ko. I'm just pretending ngayon na wala siyang epekto saakin at binalewala ang sinabi niya..patuloy kami sa pagsasayaw. Pero hindi parin ito tumitigil. "Mas lalo kang gumanda... "maya maya'y bulong nanaman niya. Parang akong mauupos at gusto ko nalang ngayon maupo na. Buong akala ko'y magiging okay na ang lahat dahil simula noong dumating ako ay hindi ko siya nakita... Kagabi lang ay parang totoong totoo ang panaginip ko. "Umurong na ba ang dila mo? " Wala talaga akong maisagot sa kanya.Sobrang nashock ako ng makita ko siya at sa ganito pang sitwasyon na nagsasayaw kami. Wala akong dahilan para makaiwas. Akala ko ay prepared ako pero hindi pala. "P--pasenya kana Congressman.. "iyon lang ang nasabi ko. "Iyon lang ang sasabihin mo? mukhang hindi ka yata masayang nakita mo ako....Any way, mag uusap nlang tayo mamaya.. " Utos iyon,at hindi pakiusap .Pahamak ka talga Gelay.. kung pinayagan mo na akong makauwi kanina, hindi na sana mangyayari ito.. Kahit kelan talaga! Sa wakas ay natapos din ang sayaw namin. Nakaliyad ako habang hawak niya ng kanyang braso ang katawan ko. Siya naman ay nakayuko sa aking dibdib. Pareho kaming hingal matapos ang sayaw na iyon. Napansin kong kaming dalawa nalang pala ang nagsasayaw.Ang buong atensyon ng lahat ay nasaaming dalawa. Nagpapalakpakan sila at naghihiyawan na animo'y kinikilig para saaming dalawa. Nahihiya akong bumitaw at lumayo ng kaunti sa aking kapareha. Ngunit wala siyang balak na lumayo saakin.Iginiya niya ako habang hawak ang aking braso pabalik sa aming mesa. Bumalik ako sa aking upuan sa tabi ni Denver.Habang ito naman ay sa may bandang dulo naupo sa bakanteng upuan. Ikinagulat naman nito ang ginawa ko. Akala nya siguro'y maiisahan nya nanaman ako. Matigas ka dyan. Nakangiting binati ako ni Denver. "Ang galing mo palang sumayaw ng ballroom...Saan mo natutunan yan? " "Sa isa kong friend... Dancing instructor kasi siya. and then kapag nakakasama ako sa kanya tinuturuan nya ako.." "Wow! impressive.." "Thank you..bakit ka nga pala nawala kanina? " Ngumiti ito. "Gusto ko kasing I try si Congressman kung marunong pa siyang magsayaw .Akala ko hindi na eh.. pero magaling parin pala siyang sumayaw. ."maaliwalas ito kapag nagsasalita kaya naman magaan talaga sa pakiramdam kapag siya ang kausap ko. Hindi kagaya ng isa..Napatingin ako sa dako niya at pinagsisishan ko iyon dahil sa talim ng mga titig niya saakin. Kaagad akong bumawi ng tingin. "Nagulat din ako sayo ha... kahit ikaw magaling ka din naman sumayaw. "pinuri ko din siya. "Oh wow! thank you.. Alam mo kasi mga bata pa kami tinuruan na kami ng mga parents namin.. Isa din kasi yan sa mga bonding ng parents namin. Ang pagsasayaw ng ballroom. Pero mas mahilig sumayaw niyan ang momy ni Ace... Sabay nguso nito sa kinaroruuanan ni Ace pero wala na ito doon. Nakahinga ako ng maluwag. Iba kasi ang pakiramdam ko kapag malapit siya pakiramdam ko parang pinipilipit nya ang leeg ko kaya nahihirapan akong huminga. "Ganon ba.. Kaya pala nagulat ako kasi ang galing galing nya din sumayaw. " Biglang nagring ang cellphone ko kaya natigil ang pag uusap namin. "Ah... excuse me muna ha? Baka emergency ito..." "Ah' okay..okay.. take your time.. " "Thank you... "iyon lang at nagmamadali na akong lumabas. Tinungo ko ang bahaging walang masyadong tao. "H--hello Paul? " "Mommy! "si Axel pala ang nasa kabilang linya. "Hi.! sweet heart! how are you? " "I'm fine mommy... uwi kna please? I miss you na..."naglalambing pa ito sa kabilang linya.. "Yes baby.. Bukas na bukas okay? Matulog kana, kasi bukas ng umaga nasa tabi mo na ako.. Miss na miss na din kita sweet heart... I love you.. " "I love you too mommy... Cge po good night... " "Good night.. " Nawala na ito sa kabilang linya. "Ang sweet nyo naman.Alam ba ng boyfriend mo na may iba kang ka flirt dito? " Nagulat ako ng may biglang magsalita sa may bandang likod ko. Napakunot ako ng noo na lumingon sa kanya. Nandito nanaman itong lalaking ito. Naiinis ako sa kanya.Sa tuno ng sinasabi niya iniisip niyang malandi . "Excuse me? Ako nakikipag flirting? Whoa! Anong akala mo saakin? " Bigla ay napikon ako sa kanya. Nilagpasan ko siya at balak kong iwan siya dito. Pero nahawakan niya ang braso ko. "Bakit hindi ba? kanina ka pa nakikipagflirting sa kaibigan ko. Bakit? Dahil ba sa tingin mo eh gusto ka rin niya?" Nilingon ko siya at sinalubong ko ang mga mata niya. "So,sinsabi mo bang malandi ako? " "Bakit hindi ba? " Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Nahawakan nito ang pisnging nasampal ko. "Wala kang karapatan na husgahan ako.Sino ka ba sa akala mo ha? " Naiiyak na ako. "Sino ako? Ako lang naman ang pinaasa mo at iniwan mo ng maraming taon. " Natigilan kaming pareho noong may tumatawag sa pangalan ko at si Denver iyon. Nakita kong may kinuhang panyo si Ace sa kanyang bulsa. Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano yan? " "Hindi na ako makakapayag pa na makatakas ka ulit saakin." Kinabig niya ako at itinakip iyon sa bibig at ilong ko. May kakaiba akong naamoy doon at bigla akong nawalan ng malay. Iyon lang ang mga huling naalala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD