Chapter 8:

1137 Words
~Athena's Point of View ~ Matapos akong sapilitang isama ni Mayor sa silid na ito,wala na akong magawa kahit magpumiglas pa ako lalo na ng siilin nya ako ng halik. Kasalan man ay hindi ko rin mapigilan ang nararamdaman ko rin sa kanyang pananabik.Ipokreta ako kung sasabihin kong hindi ko sya namiss. Malakas ang dating nya saakin simula noong gabing may mangyari saamin.Hindi ko na rin sya makalimutan.Alam kong kasalanan ito dahil malapit ng ikasal ang taong ito at alam ko rin na mahal din nito ang fiancee nito. Pero hirap akong kalabanin ang sarili ko lalo kapag ganitong nagkakalapit kami.. Sobrang makasalanan na talaga ako..patawarin sana ako ng fiancee niya at patawarin din sana ako ng Diyos.. Humarap siya saakin.. "What's wrong baby? bakit titig na titig ka saakin?Sobrang naggagwapohan ka ba? Sayang naman ang mukha ko kung matutunaw lang sa titig mo.. "nakasingi ito at hinawakan pa ang pisngi ko kaya umiwas ako ng pagkakatitig sa kanya.Medyo napahiya pa ako doon. Ang tanga ko kasi sa dami ng iniisip ko at pag aalala ko sa kanya pa ako napatulala kaya lumaki tuloy ang ulo niya. "Feel free baby..."hinawakan nya ng dalawang palad ang aking mukha at muling iniharap sa kanya.Naroroon kami sa kamang iyon at tanging puting kumot lamang ang tumatakip sa aming h*b*d na katawan.. "Okay lang naman saakin kung pakatitigan mo ako, basta saakin lang.. " bigla nanamang bumilis ang pat*b*k ng puso ko ng magkatitgan kami.Namumungay ang mga mata niya at nakangiti saakin.Naaakit ako sa kanya dahil sobrang tangos ng ilong niya,may kakapalan din ang kilay niya na bumagay naman sa mga mata niya at sa mukha niya.Bumaba sa labi niya ang tingin ko.Sobrang lambot niyon kapag lumapat na sa mga labi ko. Sa di sinasadya ay napalunok ako.Huli na ,dahil nakita na niya iyon. "Ang landi mo!!!errrrrr!!! "kahit ano pang kastigo ko sa sarili ko alam kong huli na ito. Tama dahil natatawa ito at tuwang tuwa pa yata ang loko.... "Anong nakaka tawa? "maangan maangan.. "Ang cute mo kasi ,"sabay pisil sa ilong ko.. "Alam ko naman ang iniisip mo,pero mamaya naman ulit ha? maybe after 30 minuets... "sabay nagpapalatak ng tawa. "Aabat --errrr!!ang manyak mo ha!! "sabay hampas ko sa braso nya. "Aray ko!bakit?o di ba iyon naman ang nasa isip mo ?"natatawa pa rin siya pero ako pikon na pikon. Baka nga umuusok na ngayon ang ilong ko. "Of course not! may naalala lang ako.."pagsisinungaling ko. Nakita kong kumunot ang noo niya. "Sino,boyfriend mo? Malamang mas guwapo ako sa kanya hindi ba? " "Bakit mo naman nasabi? "tumaas ang isa kong kilay. "Syempre...."confident itong sumagot at tila sindya pang bitinin ang sinasabi.. "Bakit nga...? "maang ko paring tanong. "Syempre dahil ako una mong pinagbigyan di ba? "nakangiti ito.. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig.Papaano kapag nalaman niyang ginawa ko lang naman iyon dahil sa pera at dahil may usapan kami ni sir Jerome. Siguradong magwawala ito at baka kung ano rin ang magawa niya saakin at sa kaibigan niya. Augh!!dapat hindi na ulit kami nagkita pa..Pero anong gagawin ko hindi ko naman sya maiwasan. Baka nga ngayon alam na alam nya na ang pagkatao ko base sa mga kilos at sinasabi niya.. Never nya na din kasi tinanong ang pangalan ko kanina pa. At tinatawag nya lang akong "baby " na sobrang serep sa pakiramdam.. "Wala naman akong boyfriend... "kung alam mo lang sana.. gusto kong idugtong pa iyon. "Really?? sabi ko na nga ba.. sobrang gustong gusto mo rin ako di ba? kaya pumasok ka sa room ko noong birthday ko.. dahil ang totoo ako talaga ang gusto mo. " Bahala na muna kung ito ang gusto nyang paniwalaan.. Hinagkan nya ako sa noo na ikinagulat ko. "Thank you dahil ako ang ginusto mo.. " ako naman ang Napakunot noo dahil sa kakornehan niyang iyon. "Syempre... sa dinami dami ng mga lalaki, I was the luckiest guy na nauna sayo at nagustuhan mo hindi ang iba at lalong hindi ang mga kaibigan ko.. "nahihiwagaan ako sa mga pinagsasabi niya pero nais kong sumunod na lamang sa agos kaysa mabuko ako.. Hindi pa ito ang tamang oras ...or may tamang oras pa nga bang umamin ako sa napag usapan namin ni sir Jerome? Sabagay wala namang patutunguhan ito.. malamang ginagamit nya lang din ako ngayon ,dahil kung hindi bakit nya naman ako papatulan eh may girlfriend na din naman siyang pakakasalan. Hahayaan ko na nga lang siyang ganoon ang isipin kaysa magtatanong pa siya saakin..Pasalamat na rin ako dahil kahit pangalan ko ay hindi nya na rin nababanggit pang itanong saakin.. Ouch!!ang saklap naman ng kapalaran ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil ayukong masaktan ako. Pinipigilan ko rin ang sarili kong humanga sa kanya dahil sa huli ako rin lang naman ang nasasaktan kapag minahal ko siya. Maling tao siya. Hindi kami ang destiny.. Ouch! ouch! ouch! Sabi n ngang pigilin bakit nasasaktan parin..Kastigo ko pa sa sarili ko.. "Ihahatid kita sa bahay nyo.."napukaw ako sa saglit na pagmumunimuni ko. "H--huh? " "Bakit mukhang gulat ka? ayaw mo ba? bakit? dahil gusto mo nanaman akong takasan?" Patay!paano pa ako makakawala sa kanya, kung ihahatid nya pa ako sa bahay.. Malalaman nya pa kung saan ako nakatira. Paktay!!! "Whether you like it or not... ihahatid kita.. "sabay kindat pa ng loko.. "P--pero baka may makakita at maka kilala saatin.. " "Leave it to me baby, and trust me ako na ang bahala.. "pinutol nya ang sasabihin ko.. "Mayor.." "Hmm..? " "Hindi ka ba natatakot na may ibang makakaalam ng tungkol saatin at makarating sa fiance mo? "Lakas loob kong tanong sakanya.. Nakita kong saglit na Itong natigilan. "Huwag na muna nating pag usapan yan at isipin. "matipid niyang sagot saakin at tama nga siguro ako na ginagamit nya lang ako.. baka natatakot din siyang malaman ng girlfriend niya.. Hindi ko rin naman gustong mangyari iyon ayaw ko rin naman makalbo .Ahh.. baka hindi lang kalbo,baka mapatay nya ako.. Kaya dapat ngayon palang maputol na ito..Pero paano nga kung ganito din naman kakulit itong lalaking ito. .. Salawahan...at ako naman marupok.. Kausapin ko kaya si sir Jerome para malusutan ko ito.. Marami akong naiisip at gustong gawin para hindi na maulit ang mga ganitong pangyayari.. Hindi ko rin naman alam ang kung ano ang nasaisip ng mokong na ito na sobrang guwapo at makalaglag panty.. Paano kung bandang huli iwan nya lang naman ako sa ere ..dahil wala namang kami..one night stand lang iyon at naulit lang naman ulit ngayon ang pagkakamaling iyon.Kaya paano naman niya ako pananagutan?Pareho naming ikasisira iyon sa mga mata ng mga tao.. Masasaktan din ako kapag pinagpatuloy ko rin ito.. At ano? lalabas na kabit ako? Nahnanah!!! ayuko ng ganito.Ang gusto ko lang naman ay gumaling ang mama ko at ayuko ng humantong pa ito sa ganitong sitwasyon... dahil mali ito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD