***LAILEY*** Nagpahid ng kanyang mga luha si Lailey saka minabuting lumabas na sa kanyang kotse. Heto na, wala nang bawian, payag na talaga siyang maging si Mia. Si Kabhy ay blangko ang mukhang naghihintay sa kanya sa may portico. Nasa malayo nito nakabantay ang dalawang tauhan. Si Leandro agad na pinagbuksan siya ng pinto nang makitang pababa na siya. Nakangiting nilapitan niya si Kabhy. Napakaguwapo ng kanyang magiging asawa kahit na may mga maliliit nang balbas sa baba nito. Mukhang totoong napapabayaan na nito ang sarili. Ngayon lang niya napansin. “Good evening,” bati niya. Ginabi na siya nang punta sa bahay ni Kabhy. Madami pa siyang inayos at ibinilin sa kanyang mga tauhan kanina. “Pumasok tayo sa loob,” pormal ang mukha ng biyudo na iginiya siya papasok ng bahay. Kinabahan