Yna
Pinagmasdan nya sa salamin ang sarili habang sinusuklay ang mahabang buhok, halos hindi naman sya nakatulog buong gabi sa dami ng iniisip nya, first about sa Daddy nya never silang nag-away nito nang ganon, kagabi lang at dahil yon sa mag-inang nais pumasok sa buhay nila. Second si Andrew na halos saktan na talaga sya nito kagabi, idagdag pa ang bugbog sa siko nya at ang marka ng kamay nito sa braso nya.
"This is not happening to me! wala pang 24 hours nang makilala ko sya at ganito na kaagad ang dinanas ko sa mga kamay nya, paano pa kung magtagal pa sya rito?" Tanong nya.
"Nasa iyo ang lahat ng karapatan sa bahay na ito, at sa asyenda Yna, huwag na huwag kang papayag na maagawan ka!" Sabi nya sa sarili and raised her chin with fraction.
"I'll fight for my rights!" Determinadong sabi nya sarili.
Pagbaba nya ng komedor kaagad nyang napansin si Sheila, nag-aayos ng almusal sa mesa. Pinaikot nya ang mga mata dahil sa inis na nararamdaman, naiinis sya dahil tila at home na at home na ito sa bahay nila, at pati pagkain ito na ang nag aasikaso.
"Oh, hija good morning, halika kumain ka na." Magiliw na yaya ni Sheila sa kanya.
"Where is my Dad?" Tanong nya hindi pinansin ang magiliw na bati nito.
"Maagang syang pumunta ng asyenda, kasama si Andrew may inaayos yata sila."
"Andrew? your son is still here?'
"Ah.. Yes, dito muna sya mag stay for a while, habang hindi pa tapos ang mga gawain sa asyenda"
"Really?" Nakataas kilay na sabi nya, hindi na itinago ang pagka disgusto.
"Why I have this strong feeling, you all planned, these!" Mataray na akusa nya rito.
"What's planned?" Nagtatakang tanong ni Sheila at nahinto sa paghahanda ng pagkain sa mesa.
"All these!! Ang pakikipag relasyon mo sa Daddy ko, ang pagpili mong lumipat rito with your Son! I don't know why Dad let him do work sa asyenda At ang hindi ko rin maintindihan kung bakit ang dali nyo syang napaikot at ganon na lang ang tiwala nya sa inyo! This is insane!" Ang mahabang litanya nya, nakita nyang nag-iba ang mukha nito, marahil nagulat sa sinabi nya, pero hindi nya yon pinansin, pinatigas ang mukha, habang nakatingin rito naghihintay ng isasagot nito.
"I don't actually know what to say." Mahinang sagot nito na tila ba hindi ito makabasag pinggan, pinaikot nya ang mga mata sa inis sa sobrang demure act nito, samantalang alam naman nya na pinlano talaga nito ang lahat para kahit papano may mapakinabangan sa kayaman ng Daddy nya.
"Yes, of course! yan ang isasagot mo! dahil hindi mo sasabihin sa akin kung anong mga pagpapa-ikot ang ginawa nyo sa Daddy ko! But, this is not forever! oras na makapag tapos ako at kaya ko nang ihandle ang asyenda ako mismo ang magpalalayas sa iyo at sa hambog mong anak!" Galit na sigaw nya rito at mabilis na tumalikod, iniwan si Sheila na gulat na gulat sa mga sinabi nya.
Wala syang pakiaalam kung magsusumbong man ito sa Daddy nya, basta sya nasabi nya kung ano ang nararamdaman nya sa pagdating ng mag-ina, na walang dudang nais lang agawin sa kanya ang Daddy nya, pati na ang asyenda at lahat ng kanya.
Andrew
"Ma? What's wrong?" Nagtatakang tanong nya ng makita ang Ina na tila naninikip ang dibdib sa harap ng mesa. Kararating lang nya galing asyenda pinakita kasi ni Mr. Surias, ang problema ng asyenda na dapat ng aksyunan ngayon.
"Ma? are you ok? What happened?" Tanong nya ulit ng makalapit na rito. Hawak parin nito ang naninikip nitong dibdib.
"I'm fine, hijo wala ito, sumama lang ang pakiramdam ko." Simpleng sagot nito, halata nyang ayaw lang nitong sabihin ang dahilan.
"Then why? Never namang sumasama ang pakiramdam mo ng ganyan, unless sumama ang loob mo- " Napahinto sya at pumasok sa isip nya si Yna. Napatiim bagang sya, pero umaasa syang walang kinalaman si Yna sa nangyayari sa Mama nya ngayon.
"Wait Ma, have you talked to Yna?" Tanong nya rito, hindi ito kumibo, humugot sya ng malalim na paghinga, dahil walang duda na si Yna ang dahilan.
"Kinausap nya kayo?" Tanong nya, na nasa tono ang kasiguraduhan.
"Water please!" Sigaw nya dahil tila pinangangapusan ng hininga ang Mama nya.
"Heto po Sir." Tarantang sabi ni Carol. Ng makalapit na sa kanila.
"Here Ma, drink this."
"I'm fine hijo, I'm fine, puyat lang ito." Pangungumbinsi nito sa kanya.
"Magpahinga na muna kayo Ma, in 30 minutes darating na si Uncle, Manang Carol, pwede mo bang samahan si Mommy sa silid nya?"
"Opo, Sir Andrew!" Mabilis na sagot ni Carol at hinalalayan nito ang Mommy nya.
"Hay nako Mam, huwag nyo po kaseng pinagpapansin ang alaga ko, wala sa loob nya minsan ang mga sinasabi nya, hayaan nyo at pagsasabihan ko sya, minsan nakikinig naman sa akin yon eh."
Narinig nyang sabi ni Carol. At kahit hindi na sabihin pa ng Mama nya na si Yna ang dahilan ng paninikip ng dibdib nito. Malakas ang kutob nyang may kinalaman si Yna.
"That spoiled brat!" Inis na bulong nya
"Binalahan na kita, hindi ka nakinig, It's your fault, If hindi ko mapigilan na saktan ka!" Bulong nya at mabilis na lumabas ng bahay ng mabasa ang map na sinend ni Nate.