The Forbidden Fruit Chapter 12 Isang tahimik na bahay ang nadatnan ko. Agad akong pumasok sa loob at natuwa ako nang makita si Demon na nakaupo sa sala at nanunuod ng TV. Pero agad din akong nainis nang maalala ko ang bigla nalang nilang pag-alis kaninang umaga na wala man lang pasabi. “Hoy Demon! Saan ba kayo nagpunta kanina ha?! Ba’t bigla nalang kayong nawala?” ang tanong ko. Nilingon naman nya ako at tinignan. And then with an emotionless voice, he spoke. “Where did you get those blood?” he asked. Hindi ko alam pero nabaguhan ako sa tono ng boses na ginamit nya sa akin. Pero agad din akong naka-recover. “May nakasalubong kasi akong bampira kanina at muntik na nya akong patayin” I said bitterly. I was expecting na mag-aalaala sya sa akin at itatanong kung ano ba ang nararamd