The Forbidden Fruit Chapter 9 “YOU ARE A DISGRACE TO THE EXODUS CLAN!” ang sigaw na yun ang unang sumalubong sa amin nang makarating kami sa bakod ng bahay. Napatigil naman kami sa paglalakad ni Hildegarde at napatingin sa biglang bumukas na pinto ng apartment. At mula doon ay lumabas ang pitong nakaputing mga taong iyon at nangunguna sa kanila ang matandang lalaking iyon na may puting buhok at may mahabang puting balbas. He has this aura of authority at may seryoso syang mukha. At doon ko lang napansin ang malaking scar sa pisngi nya. Napaatras pa ako nang bigla nalang syang tumitig sa akin. I gulped. Bakit kaya sya…nakatingin sa akin? And then bigla nalang dumako ang mga mata nya kay Hildegarde na busy sa pagkain ng jelly ace na binili ko sa kanya kanina. At parang wa