Wala rin siyang makita. Kinakapa-kapa niya ang gilid. Naalala niya, nasa loob siya ng isang kuweba pero bakit madilim?
"Hey, I heard you, woman. C-can you help m-me, p-please?"
Nakatulog pala siya nang hindi niya namalayan at sa pagkakataong ito, napakadilim na ng paligid. Para siyang bulag na nangangapa na lang.
"Nasa'n kaaa?" muling sigaw ng babae na um-echo pa. "T-tuloong."
"Hey, I'm here." Nakarinig siya ng kaluskos hanggang maramdaman niya ang mainit na hininga sa mukha niya. "H-hello, is that you, lady? N-nasaan ka na? Hindi kita makita." Naramdaman niya ang mainit na palad nito sa braso niya.
"Ano'ng pangalan mo?" Isang malambing na boses ng babae ang bumasag sa katahimikan ng gabi. "Maria nga pala."
Nakaramdam siya ng saya nang marinig ito sa babae. "Jesus, finally, may kasama na rin ako sa wakas."
Her voice...
Napalunok siya. What a lovely voice. Nangapa ulit siya sa dilim and—a soft hair. Sinundan niya ang hibla ng buhok nito nang padaanan niya ito ng daliri. Long and silky. Hindi pa tumigil doon dahil kinapkap niya ang babae and a soft what? Her arm, very soft din ito bago napunta sa kamay nito ang kamay niya. Very dainty and lovely. He loves it.
"I'm Benjamin. Wala ka bang ilaw o kahit ano para hindi ako panay kapkap sa'yo?"
"Nabasa ng ulan ang flaslight, ayaw nang gumana," frustrated na sagot ng babae na sinundan ng buntonghininga nito. "Nagtago lang din ako kanina dahil sa bagyong ito. Kanina pa kita naririnig kaso lang hindi kita makita, para kasing nasa langit ang boses mo kanina. Hulog ka ba ni Lord para sagipin ako?"
Natawa siya pero siguro tama ito. Kailangan nila ang isa't isa dahil nakakatakot ang hagupit ng bagyo na lumilikha ng malakas na ingay sa labas. Atleast kung mamatay sila pareho, may karamay siya.
"Yes, hulog ako ng langit." Nakangisi niyang sambit at ang boses ng babae, bakit ang lambing-lambing?
"Sa wakas, dininig ako ni Lord. " May kasama itong hagikhik mula sa babae. "So, magkaibigan n-na ba tayo? Nakakahiya nga lang kasi babae ako tapos lalaki ka. Ang daming tsismosa sa'min baka—"
Sumabay ang malakas niyang tawa sa kulog, "W-what? Ano bang pinagsasabi mo?"
"Eh, kasi naman." May lungkot sa boses ng dalaga nang muling magsalita. "Maganda naman ako at sexy pero lagi akong nilalait ng mga tao sa'min lalo na 'yong mga tsismosa kong kapitbahay."
Na-amuse siya bigla sa babae. Nang marinig ito, wala nang patumpik-tumpik siyang umusog palapit dito kahit pa madilim. "Talaga, gaano ka kaganda at ka-sexy?" Naging interesado siya lalo rito kaya ang ingay sa labas, hindi na nagbigay ng takot sa kanya. "Ang s-swerte pala ng lalaking mapapangasawa mo."
"Totoo," segunda ng dalaga. "Maswerte talaga."
Hindi niya namalayang nakahawak na pala siya sa kamay ng babae kaya bigla niya itong nabitawan. "Oh, I'm so sorry. Baka magalit ang boyfriend mo."
Ayaw niyang ma-offend ang dalaga dahil probinsyana type ito. Siguradong conservative ang babae. May dulot na kilig ang tagpong ito sa kanya dahil sa napakagandang boses nito. Nabighani siya sa boses ng misteryosang dilag. Wala siyang balak ikuwento ang mga kapalpakan niya ngayong araw dahil baka bawas pogi points 'yon.
"O-ok lang, B-Ben. Wala nga pala akong boy—"
"Boyfriend?" Kumabog ang dibdib niya. What a lovely night to meet this lovely lady kahit pa hindi niya ito nakikita dahil madilim pero may hatid itong kakaiba sa kanya. Bagay sa babae ang maging radio announcer dahil sa napakaganda nitong boses.
"Since birth pala, wala pang may nagkamali," dugtong ng babae kasabay ng malalim na paghinga nito. "G-gusto ko na ngang s-sumuko."
What is this? He can sense frustration in her voice. Napakalungkot ng dating ng boses nito sa kanya pero hindi ito nakabawas sa maganda nitong tinig. It's magical.
"S-sumuko?" ulit niya.
"Oo, Benjamin. Gusto ko nang sumuko sa paghahanap ng lalaking makakasama ko sa buhay. Hindi ko naman type ang matandang iyon na gusto ng pamilya ko kaya naglayas ako."
Biglang tumaas ang energy niya sa narinig. "You know, I'm also single and so ready to—" Isang tikhim na sunod-sunod ang ginawa niya pero napailing siya nang ma-realize na kinikilig siya.
"So, tayo na ba, Ben?" mabilis na tanong ng dalaga. "Ang sweet mo naman!"
Pumailinlang ang napakalamyos nitong tinig sa katahimikan ng gabi. Kahit yata mga ingay ng hayop, nahiya na sa namumuong pag-ibig nila. Tanging boses nila ang nangingibabaw sa kagubatang ito.
"Bakit, are you willing to accept me?" pakengkoy niyang tanong kasunod ng pag-ubo dahil sa pigil na pagtawa. "I'm free, Maria. Hindi ka madi-disappoint kapag ako ang pinili mo." Nadulas siya nang sabihin ito pero single naman siya at gentleman kaya walang problema kung magiging instant diyowa niya ang babae.
Sanay na sanay na siya basta type niya ang nililigawan. God! Lumalabas na naman ang pagiging mahina niya kapag involved na ang kababaihan. Kahit pa may kabanalan ang pangalan nitong Maria, wala siyang pakialam. Sa boses pa lang nito, siguradong napakaganda na nito.
Mabilis ang naging sagot ng dalaga sa kanya. "I love you, Ben."
Kahit hindi nila makita ang mga mukha ng bawat isa, sa boses pa lang nila'y panalo na. Napangisi siya dahil pareho ang sinisigaw ng kanilang puso't isipan. Naramdaman niya ang pag-usog ng dalaga palapit sa kanya nang pumasok na ang hangin sa loob ng pinagtataguan nila.
"Maria, sigurado ka bang tanggap mo ako?" Hikbi ng babae ang narinig niya kaya labis ang pag-aalala niya rito. "B-bakit?" Sensitive talaga siya kapag may babaeng umiiyak sa harap niya. Ito ang kahinaan niya sa katawan.
"Masaya lang ako, Ben, kahit hindi ka guwapo basta 'wag lang sobrang tanda kagaya ng lalaking pilit na pinapakasal sa'kin ni Nanay."
Napangisi siya sa sinabi nito dahil saksakan siya ng guwapo. He's half-British and half-Filipino, a good combination of genes from his parents.
"Benjamin, kahit hindi ka macho, buong puso kitang tatanggapin."
Kung makikita lang ng babae ang katawan niya, baka himatayin ito sa sobrang pagka-macho niya. Nice triceps. Big biceps. Kumpleto siya. Isa siyang pinagpalang lalaki na pinipilahan at hinahabol ng mga kababaihan pero one at a time lang siya sa pakikipagrelasyon. Sinalo na niya ang lahat ng blessings; money and power; the elegance and stable income plus the extravagant lifestyle. Salamat sa boss ng kanyang papa na nagpabago sa kanilang buhay.
"Don't cry, babe." Ang lungkot sa boses nito, nagdulot talaga ng labis na pag-aalala sa puso niya. "B-baka ako na ang hinihintay mong soulmate and please," muling dugtong niya dahil ramdam na ramdam niya ang lungkot nito. "Stop crying, I think... I think fate brought us together."
"Uhm, ha?" untag ng dalaga nang 'di makuha ang ibig niyang sabihin. "Ano 'yon? Baby, hindi ako nakatapos ng pag-aaral ko kaya mangmang ako, ha. Hanggang first year high school lang ako—"
Napailing siya," S-stop! Please, 'wag mong sabihin 'yan. Special ka kaya 'wag mong binababa ang sarili mo. Actually, maraming paraan kung gugustuhin mong makapag-aral."
Basta sexy at maganda, pasok sa taste niya. Madaling pag-aralan ang lahat ng bagay lalo na pagdating sa edukasyon. Actually, isa sa dahilan din ang pag-o-offer nila ng scholarships sa ilang residente sa isang isla pero tauhan na niya ang bahala. Nakipag-meeting lamang siya sa ilan pero heto nga, siningit niya ang skydiving para naman maaliw siya. Hindi niya alam exactly ang lugar pero mga officials lamang ang na-meet niya para ang mga iyon na ang makipag-coordinate. From rags to riches ang kuwento ng buhay niya pero ayaw na niyang alalahanin pa. Ang importante, hindi siya nangmamata ng kapwa dahil dati rin silang naghihirap sa buhay.
Back to Maria, may chemistry sila ng babae at ramdam niya na makakasundo niya ito sobra. Kaluskos lang ang naririnig niya hanggang maramdaman niya ang bagay na iyon na sumalpak sa mukha niya. Basa ito at para pang sinabuyan siya ng isang baldeng tubig sa mukha. Nanginginig na rin siya sa lamig lalo na't lumalakas ang ihip ng hangin.
"Ay, damit ko 'yan, my Benjamin." Napahagikhik ang babae na ikinatawa na rin niya. "Nakuha mo ba? Ang dilim kasi kaya ang hirap mong makita. Sorry, ha?"
"Of course, babe. I'm a good catcher and very good at sports. Don't say sorry." Piniga niya ang damit nito nang ilang ulit bago ito binalik sa babae. "Done! All good, babe." This is not good because they're trapped here but he's loving it. "Come closer, malamig ang panahon. Kanina pa'ko nanginginig, Maria."
Ramdam pa rin niya ang dapya ng hangin pero hindi na ito malakas kagaya nang una kaso lang, naririnig pa niya ang panaka-nakang pagkulog. "Payakap para hindi tayo magka-hypothermia." Para hindi sila lamigin pareho—para mas mawala ang takot niya.
Ang "the moves" niya, effective talaga dahil hindi niya maramdaman sa babae ang pagkadisgusto nito. Mukhang willing victim pa nga ito. Nang umusog ang babae palapit sa kanya, nawala ang panginginig niya.
First move.
"Babe, I need to hug you para hindi ka lamigin; hindi ka dapat magkasakit—" Halos sumakop sa mukha niya ang kamay ng babae nang takpan nito bigla ang bibig niya. Agad niyang hinawakan ito. "B-bakit? A-ayaw mo bang y-yakapin kita?" takang tanong niya pero hindi na niya pinakawalan pa ang malambot nitong kamay.
"B-baby, rich ka ba? Ba't panay ang English mo at Benjamin, hindi kami mayaman, ha? Sorry. Dukha lang ako at hindi ko alam kung may tatanggap pa sa'kin. Nahihiya kasi ako dahil—i-ikaw ang kauna-unahang boyfriend ko. Tsaka... alam mo ba na mahigpit ang magulang ko lalo na si Nanay pagdating sa pakikipagnobyo ko?"
"Oh, God! Cut off the nonsense, will you?" He didn't want to divert their topics to something else not related to love. Just love. "I mean, 'wag kang matakot, Maria. Mabuti akong tao."