"What??!!!" Parang kulog na umalingawngaw ang boses ni Loui habang kausap ang sinuman sa cellphone nito. He was at his bar, Demon's, when he got the bad news regarding Rose. He was checking the stocks dahil may kaka-deliver lamang kaya naroroon siya. Balak din niyang sunduin si Rose sa pag-uwi nito dahil na rin sa pakiusap ng kanyang Tita Maribeth ngunit mapapaaga ata ang kanyang pagpunta sa kinaroroonan nito dahil sa insidenteng itinawag sa kanya. Nagbabaga ang mga tingin niya. Naggalawan ang panga niya dahil sa tinitimpling galit. "Okay! Watch over her." He ended the call. Halos mabasag ang hawak niyang cellphone dahil sa higpit nang pagkakahawak niya rito. Kung sino man ang may gawa niyon sa dalaga ay alam niyang hindi na ito nagbibiro pa. He really meant it and he was scaring her