CHAPTER 17

1194 Words

NAIINIS na ibinagsak ni Kalleah sa mesa ang hawak niyang libro. Kanina pa kasi siya nagre-review pero wala namang pumapasok sa utak niya. Laging naba-blangko ang utak niya, oo nga't nagre-review siya pero tila lumilipad ang utak niya. Pangalawang araw na kasing hindi umuuwi si Kuya Kristian niya. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta, Wala siyang ideya kung nasaan ito. Panay ang pag-text at pagtawag niya kay Kristian ngunit, hindi naman nito sinasagot ang tawag niya. Nakapatay kasi ang cellphone nito. Kapag tinatanong niya naman kay Nanny Carol kung nasaan si Kristian — Ang laging isinasagot lang nito ay, "Nasa business meeting si Sir Kris. Siguro ay pabalik na iyon." Business meeting??! Dalawang araw na ngang hindi umuuwi at nagpapakita si Kristian ay Business meeting? Grabe naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD