"YOU have a f*****g kiss mark." Wala sa loob na kinapa ko ang leeg, tiningnan pati sa salamin sa sunvisor sa side ko. Oo nga, mamula-mula iyon pero hindi pansinin dahil sa sobrang liit. Mukhang gawa iyon ni Xander kanina. "You smell of a man's cologne. And what are you wearing?" Sunod niya. Bumuka ang bibig ko para magpaliwanag pero pinigil ko rin. Nakagat ko ang labi pagkatapos. Pinigil ko ang ngiting nais sumilay. Kinilig ako sa isiping nagseselos yata siya. "Ikaw rin, you smell of a woman's cologne." Pansin ko. Nagka-amuyan kami nang lumapit siya sa akin. "Jessa's whisk," maikli niyang paliwanag. Hindi dapat pero kinurot ang puso ko. At least kay Jessa at hindi sa ibang babae. "Is she home?" tanong ko habang nakatitig sa kanya. Habang siya ay patingin-tingin sa rearview mirror a