NAGPUMIGLAS ako sa marahas na paghalik ni Alec. Kung gaano siya kalakas, ganoon din karahas ang bawat pagdiin ng mga labi niya sa akin. Nalasahan ko ang dugo sa aming mga laway. Umungol ako, humahapyo ang dibdib sa galit. Kung galit siya, galit din ako. Nagpumiglas ako nang nagpumiglas. Nagpambuno kami hanggang sa matumba sa carpeted floor. Nadaganan ko ang kaliwa niyang hita kaya napa-aray siya, dahilan para pakawalan niya ang aking mga labi. Nang makawala ako'y agad kong pinadapo ang palad sa kanyang pisngi. Hindi siya nagulat, inaasahan pa nga yata niya. Isang pagak na tawa ang pinakawalan niya bago siya pumaibabaw sa akin at inilapit ang mukha para muli akong halikan. "You can't hurt me like this!" mariin ang bawat salitang binitiwan ko. Natigilan siya, iniangat ang mukha at naki