Chapter Thirteen - The Punishment

3075 Words

PAULIT-ULIT na uma-alingawngaw sa isipan ko ang mataimtim na kahilingang hiningi ko sa Diyos. Paulit-ulit ko ring iwinawaksi iyon, sinasabi sa sariling hindi totoo... na hindi iyon ang dahilan, o ang kapalit nang nangyaring aksidente sa aking magulang. Hindi totoo! Hindi ko alam kung paanong naayos ang lahat sa paligid ko. Naka-upo ako sa loob ng isang chapel, kaharap ang dalawang kabaong na puti, kumikinang dahil sa pagtama ng kulay dilaw na ilaw na nakapuwesto sa magkabilang dulo ng mga ito. Hindi ko rin alam kung paanong naging itim na ang suot kong damit, at kung sino ang nag-asikaso ng funeral. Wala na akong matandaan. Hindi ko alam ang dapat gawin. Parang sasabog na ang aking utak sa paulit-ulit na pagsagi ng kahilingan ko sa Diyos. Ni hindi ko pa magawang lapitan ang mga kabaong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD