Chapter 34 "What are the things you need to buy?" Tanong ni Mishari habang naglalakad kami sa loob ng grocery store. Tulak-tulak niya ang maliit na pushcart habang nasa likod ko siya. Hindi ko alam kung bakit sumama pa siya sa akin dito sa loob. Ayaw niyang magpa-iwan nalang sa sasakyan. "Toiletries." Tugon ko saka tumungo sa aisle kung nasaan ang mga ibang bibilhin ko. "Naiinip ka ba? Bumalik ka nalang kaya sa kotse mo? Doon mo nalang ako hintayin. Saglit lang ako." Dagdag ko pa saka siya nilingon. "Sino ang may sabing naiinip ako? I'd drop anything to watch you shop like this." Saad niya habang nakangisi. Ngumisi din ako saka umiling. Kumuha ako ng tig-iisang bottle ng shampoo at conditioner saka ko nilagay sa cart. Kumuha na din ako ng tatlong balot ng sanitary pads sa kabilang ais