Chapter 17 Pag-bukas ko pa lang sa pintuan ng unit ni Ari ay sumalubong na sa nostrils ko ang mabangong amoy ng Popcorn. Pati na din ang mga tinig na hindi pamilyar sa mga tenga ko. Sinarado ko ang pintuan sa likod ko at tumungo sa living room. Bahagya akong nagulat nang makita ko ang likuran ng dalawang tao na magkatabing naka-upo sa couch habang nanunuod ng isang pelikula na hindi ko alam. Mukhang hindi pa nila napansin ang pag-dating ko dahil pareho silang engrossed sa panunuod. Napansin ko ang isang bowl ng Popcorn, tatlong lata ng beer na bukas na at dalawang lata ng root beer sa ibabaw ng center table habang tinatanggal ko ang mga sapatos ko. So, hindi umalis si Ari at piniling makipag-movie date ngayon. "Hi, Jill," bati ng isang tao nang maglalakad na sana ako patungo sa kwarto