Chapter 25 "Nadadalawang libo na ako, ah! Wala pa tayong isang oras dito!" pahayag ni Marion habang tumataya sa mga baraha na naka-paint lang sa kahoy. Ihahagis mo lang ang bola dito papasok sa tambyolo at kapag sinwerte kang napunta ito kung saan mo nilagay ang pera mo, dodoble ito. Pare-pareho kaming tumataya pero hindi kami pare-parehong nananalo. Si Crizette lang at si Ari ang masasabi kong nananalo dito, eh. Ang dami na nilang hawak na pera sa kamay! Grabe kasi silang tumaya! Mga sugarol kasi. "Barya lang yan sayo, bro. Casino 'yung family business niyo pero natatalo ka dito," pang-aasar ni Andrei. "Hirap tiyempuhan nang swerte, pare," tugon nito saka humithit sa sigarilyong hawak bago itapon. Lumipat ako sa kabilang side kung saan ay kaharap ko sila. Hindi ako makapag-focus at