Chapter 28 Naka-upo ako sa loob ng restaurant ng resort nila Crizette kasama si Trisha at Britz habang hinihintay ang iba para sabay-sabay kaming kumain ng lunch. Hindi ko alam kung ano ang nagpapatagal sakanila, eh kanina pa kami naghihintay dito. Hindi pa kami nakaka-order ng pagkain dahil hindi namin alam kung ano ang mga gusto nilang kainin. Kanina pa talaga ako gutom na gutom dahil sa paglangoy. "Make it faster, dimwits! Kanina pa kami dito!" Iritang saad ni Trisha sa mga paparating. "Sorry. Ang tagal maligo ni Andrei, eh!" Tugon ni Jam saka siniko ang boyfriend nang makalapit na sila. "Don't talk to me, mother effer!" Singhal naman ni Crizette kay Marion na kinakausap siya mula sa likuran nito. Kumamot nalang ng ulo si Marion at nagkibit balikat kaya natawa ako. Mukhang may alit