Chapter- 1
Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang mga magulang ko dahil sa squatters ako lumaki. Ngunit sa edad ko na sixteen ay biglang nagbago ang takbo ng buhay ko. Isang may edad na babae ang tumulong sa akin at dinala ako sa England. Doon ay pinag-aral ako at binigay sa akin ang lahat ng kailangan ko kapalit ng pananatili ko sa tabi niya.
Noong araw na binawian siya ng buhay ay kinausap ako ng family lawyer niya tungkol sa last will and testament. Halos hindi ako makapaniwala na ang lahat ng ari-arian niya ay ipinalagay sa pangalan ko. Ngunit may isang kondisyon. Kailangan kong umuwi ng Philippines para hanapin ang isa sa Montemayor quadruplets na si Delta Montemayor.
At sa edad na twenty-two ay dapat makasal ako sa lalaking ito at magkaroon kami ng anak. Nakasaad din sa huling habilin na maaari ko lang makuha ang lahat ng aking mamanahin pagsapit sa edad na twenty-five years old. At kung lilipas ang nakalagay na palugit at hindi ko natupad ang mga nakasaad sa nasabing kondisyon ay mapupunta ang lahat sa charity. Isang sealed envelope ang inabot sa akin ng abogado. Hindi ko raw iyon maaaring buksan hanggang hindi ko natutupad ang nakasaad sa huling habilin.
***
Five years later,
"Welcome to NAIA Philippines," ilang beses na umalingawngaw sa pamunuan ng eroplanong sina sakyan galing England.
Kagaya nang bilin sa kaniya ng abogado ay dumiretso siya sa domestic airport upang mag-check in. Connecting flight going to Palawan tapos sasakay pa ng isang boat para makarating sa Montemayor Private resorts. Wala siyang dapat sayangin na oras dahil maiksi lang ang panahon niya upang matupad ang mission.
Paulit-ulit na inunawa kung tama ba ang gagawin niyang approach sa binata. Wala rin siyang idea kung sino at ano ang itsura nito. Tanging address at full name lang ng lalaki ang impormasyon na ibinigay sa kaniya. Nagising siya sa announcement ng flight attendant. Ilang sandali na lang ay lalapag na sila sa Palawan Island, one of the famous beach in the Philippines. Napangiti siya nang malanghap ang malamig na simoy ng hangin habang pababa siya ng eroplano.
Simpleng white loose shirt at rubber shoes ang suot niya. Naka-shades at nakataas ang mahabang buhok na sumasabog ang ilang hibla sa mukha niya. Nang nakuha na niya ang dalawang katamtamang luggage ay lumabas na siya ng arrival area. Hindi maintindihan ang lalaki na kuma kausap sa kaniya. Kaya't naisipan niyang magtanong kung nakakaunawa ba ito ng tagalog at English languages. Dahil sa pagkakaalam niya ay part ng Luzon ang Palawan.
"Can you speak Tagalog or English please?"
"Ah, yes, Ma'am, I mean saan ho ang destination nyo?"
Luminga siya dahil sa uri ng tanong nito.
"I'm alone, Mister. And I'm going to Montemayor private resorts."
"Sorry po, Ma'am, halina po kayo rito. Kailangan mo munang sumakay ng boat patungo roon."
"Okay, can you send me there, please?"
Hindi na ito sumagot, bagkus ay tumango na lang sa kaniya. Tahimik siya nitong ihinatid sa sinabi niyang lugar. Nang maihatid siya nito sa boat at matapos niyang mabayaran ay labis-labis ang pasasalamat niya sa Diyos. Dahil may isang crew na sumalubong sa kaniya.
"Welcome po, Miss." Malapad ang ngiti nito at mukhang mabait. Dahil sa maaliwalas nitong mukha na pagsalubong sa kaniya
"Thank you. By the way, gaano katagal ang biyahe?" tanong niya rito.
"Mahigit isang oras, Ma'am." Napangiti ito at nanatili nang tahimik sa kabuuan ng biyahe.
Hindi mawari ni Cassy kung bakit nakakaramdam siya ng kaba. Napapaisip siya kung ano ang itsura ng lalaki. Kung bata ba ito o may edad na, mabait ba or masungit, guwapo or pangit. Naipilig niya ang sariling ulo, dahil hindi siya dapat mag-isip ng kung ano-ano. Ang kailangan lang niya ay mapa payag itong magpakasal sa kaniya upang makuha niya ang kayamanang iniwan sa kaniya. Lumipas ang isang oras at matiwasay silang nakarating sa destinasyon. Talagang napanganga siya sa ganda ng lugar dahil para siyang nasa paraiso.
"It's a paradise! Oh my God, this is heaven." She exclaimed.
Kamuntikan pa niyang makalimutan ang dalawang luggages kung hindi pa siya tinawag ng crew. Nagmamadali niya itong hinila saka nagpasalamat ditto, bago tuluyang tumalikod. Ang kaso ay mayroon na namang sumalubong sa kaniya at nagtanong. Nais niyang batukan ang sarili sa animo'y may interview pa bago siya makarating sa pupuntahan niya.
"Excuse me, Miss. Sino po sila at ano ang kailangan ninyo?"
Luminga siya sa paligid dahil nag-iisa siya ngunit kung makapag tanong ito ay parang ang dami niyang kasama. Kung hindi siya nag mamadali ay supalpal sa kaniya ito.
"Excuse me, ako ba ang kinakausap mo? Kasi I'm alone and yeah, I want to check in here for some important matter."
"Sorry po, Ma'am. Pero ang resorts po na ito ay private at hindi po tumatanggap ng outsider, unless kaibigan o kapamilya ka ng may-ari."
Nakaramdam tuloy siya ng hiya dahil sa tinuran nito.
"I mean kilala ko ang may-ari nitong resorts, Miss. I want to stay here because of Mr. Delta Montemayor."
Kaso hindi na nakasagot ang babae dahil biglang sumulpot ang big boss nito, at boses pa lamang ay nakakatakot na.
"Who are you?!"
Kinabahan at namutla tuloy siya dahil sa narinig niyang malakulog nitong boses na may halong katigasan. Galit ba ito sa pag tapak niya sa resort. Tama nga siguro ang staff hindi welcome ang outsider dito. Kaya lang kailangan niyang magpakatatag dahil may mission siya. At iyon ang dahilan kung bakit naroon siya.
Unti-unti siyang humarap sa lalaki at kahit natatakot siya ay pinilit niyang magpakatatag. Idagdag pa ang nakakahindik nitong kaseryosohan. Ngunit sa kaniyang isipan ay hindi na bale dahil mas mahalaga ang misyon niya.
"I said who are you?" he asked once again.
Kailangan niyang lakasan ang kalooban at kapalan ang mukha. Hindi pwedeng mauwi sa wala ang nasimulan niya at ang dahil kung bakit naririto siya.
"Hi, I'm Cassandra. I-i j-just want to check in h-here." Hindi niya napigilan ang panginginig ng boses.
"Leave! This resorts is exclusive for Family. At kagaya nang sinabi ng staff ko, outsider is not allowed here!" Tinalikuran na siya nito at malalaki ang hakbang na lumayo sa kinatatayuan niya.
"Please allow me in. W-wala akong ibang kilala rito!" malakas niyang sigaw.
"I don't care! Now leave!" ganti nitong sigaw at nagmamadali na siyang iniwan.
Magsasalita pa sana siya kaya lang malayo na ang binata. Gusto nang maiyak sa kaniyang sitwasyon. Naiwan siyang nakatayong mag-isa habang nililibot ang paningin sa dalampasigan. Malapit nang kumalat ang dilim kaya't napaisip siya kung saan siya ngayon maaaring matulog. Napaka walang-puso naman pala ang lalaking iyon. Wala siyang choice kundi bumaling pabalik sa pinag-iwanan niya ng maleta. Saka ito hinila at nagsimulang lumayo sa lugar na iyon.
Binaybay niya ang lugar at nagpalinga-linga. Nagbabakasakali na makahanap ng pwedeng masilungan kahit sa gabing iyon lang. Subalit halos trenta minutos na siyang naglalakad ay wala siyang makitang kahit bahay man lang. Nakaramdam na siya ng pagod dahil mula pa sa England at wala pa siyang pahinga. Wala pa rin siyang kain o tulog man lang kaya’t hindi napigilan na pumatak ang luha, hindi ba talaga siya mahal ng Diyos? Simula sa pagkabata niya ay puro pasakit at hirap na ang dinanas niya. Konting kaginhawaan lang ang naranasan niya nang dinala siya ng donya sa England noong sixteen years old siya. Ngayon back to old life na naman siya. May pera naman siya, subalit saktohan lang iyon at kailangan pa niyang tipirin.
Halos agaw-dilim na at hindi na niya maaninag ang kapaligiran. Minabuti niyang maupo na lang sa may batohan at inayos ang luggage. Siguro naman walang masamang tao sa paligid dahil private naman ang resort na iyon. Naisipan na buksan ang backpack at kinuha ang phone pero sa kasamaang palad ay walang signal ang lugar.
Lumalamig na kaya binuksan niya ang isang maleta kumuha doon ng pwedeng ipatong sa katawan. Wala man lang siyang dalang jacket dahil mainit ang climate ng Pilipinas. Hindi niya inaasahang ganito ang mangyayari sa kaniya. Panay lang ang patak ng kaniyang luha hanggang igupo na siya ng antok, nahiga siya at ginawang unan ang katamtamang laki ng backpack.
Ginising siya ng malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat. Hindi malaman kung saan siya pupunta. Dumaloy na naman ang kaniyang mga luha dahil sa kawalang pag asa. Nang biglang makarinig siya ng ingay. At nang tumayo ay may naaninag siyang tao na may dalang ilaw. Agad siyang nagsisigaw at humingi ng tulong. Nabuhayan ang kaniyang loob ng makitang palapit sa direksyon niya ang mga ito.
Tumutok agad sa kaniya ang flashlight, ngunit nanlumo siya at sinagilahan ng takot sa narinig.
"Wow jackpot mga kusa ang ganda nito." Kinilabutan siya sa narinig kaya't agad siyang kumaripas nang takbo sa takot na abutan siya ng mga ito.
Akala niya ang ligtas na siya nang biglang siyang nadapa. Hindi nagtagal ay naabutan siya ng mga humahabol sa kaniya at mukhang masasamang tao ang mga ito.
"Please huwag po, maawa kayo!"
"Ang ingay mo masakit sa tainga ang boses mo!"
Napasigaw siya nang hablutin siya ng dalawang lalaki. Kasabay ng malakas niyang sigaw ay ang pagkapunit ng mga kasuotan niya.
"Bilisan ninyo ang kilos! Ihiga na iyan!" sigaw ng lalaki. At halos nagsisigawan na dahil sa lakas ng ulan upang magkaringgan kung sino ang mauuna.
Sinubukan pa rin niyang manlaban ngunit wala siyang nagawa.