Chapter 1
Brat
"Matilda, saan ang awra mo? Hindi ba't bukas ang interview mo doon sa kompanya n'yo? Hindi ka pwedeng ma-late, yari ka sa Tatay mo."
Nginisian ko si Ninang Beauty na pumasok ng kwarto ko at mas kinapalan ang paglalagay ng lipstick sa labi ko.
"It's sunday, noong friday absent na nga ako sa night-out namin ng mga friends ko dahil sa birthday ni Grandma, alangan mawala pa ulit ako tonight. No way!"
Nagtungo ako sa walk-in closet at namili ng gagamitin kong sapatos ngayon na babagay sa suot-suot kong leather mini skirt at crop top.
I chose my Jimmy Choo ankle boot that I bought last week.
Oh, I need to buy shoes again! This is not new na.
"Ay parang kasalanan pa ni Tita Cyclone na birthday niya noong friday, bruha. Saka hindi ba't nagbilin sila Nanay mo na huwag ka nang paalisin ngayong gabi para nga bukas ay may ideya ka naman sa isasagot mo sa HR."
"Sus, that's just for formality. Takot lang nilang hindi ako ipasa."
Pagtawa ko at kinuha ang Louis Vuitton loop shoulder bag na binili ko din last week at isang beses ko pa lang nagamit. Nagningning ang mga mata ni Ninang nang iabot ko sa kanya 'yon.
"Naku, huwag mo akong daanin sa ganyan. Magagalit si Thine--"
"I think magma-match 'yan Ninang doon sa binili mong dress the other day. Sa 'yo na lang 'yan."
"Ay true ba? Matilda, in fairness ganda ng awrahan natin ngayong gabi, pero hindi ka ba kakabagan diyan sa suot mo?" ngiwi niya na minasdan ang suot kong sleeveless croptop.
"Hay nako Ninang, I got to go. Basta kapag tumawag sila Nanay, tell them I'm already sleeping na."
"Ay bruha ka! Wala sa usapan nating pagtatakpan kita! Hoy Maria Matilda!"
Tatawa-tawang tinakbuhan ko si Ninang at nagmamadaling kinuha ang purse ko.
Nang binuksan ko ang pinto ay nakasalubong ko si Maggie short for Maria Margarette na hindi magkandaugaga sa mga dala-dala niyang snacks.
"Mygash Maggie, aren't you afraid of getting fat? That's too much calories and sweets!" ngiwi ko sa mga dala-dala niyang pagkain.
Sinimangutan lang ako ng kapatid ko na walong taon ang tanda ko pero minsan pakiramdam ko mas matanda siya sa akin. "Hindi ka din ba natatakot Ate na ma-grounded nila Nanay kapag nalaman nilang umalis ka na naman ngayong gabi. Nagbilin na sila--"
"Nagpaalam na ako kaya huwag mo na silang tawagan pa," pagsisinungaling ko saktong lumabas si Ninang mula sa kwarto ko na todo litanya sa gagawin kong pag-alis ngayong gabi.
"Nagsabi pala ah. Isusumbong kita kay Nanay--"
"Sasabihin ko naman kay Tatay na nagpapauto ka kay Gelo at ikaw pa ang gumagawa ng assignments niya at projects. Naiisip mo na ba kung anong gagawin ni Tatay kapag nalaman niyang may nang-aapi sa little Maggie niya?"
"Ate, hindi ako inaapi ni Gelo!"
Napangisi ako nang nagdadabog na tinalikuran ako ng kapatid ko at nanakbo patungo sa kwarto niya. Sinigawan niya pa si Mackie na buksan ang pinto dahil sa mga dala-dala niya.
"Gaga ka talaga! Binantaan mo pa iyong kapatid mo," hila ni Ninang sa buhok ko na ikinasimangot ko.
"Ninang, my hair omg!"
Nabaling ang tingin ko kay Mackie na tinawag ako. "Ate! Sama!" sigaw ng bunso kong kapatid na sobrang gwapo at mahal na mahal ko. He’s my angel.
Namumula-mula ang matambok niyang pisngi at nangungusap ang mga matang lumapit sa akin.
"Mackie mackie, next time na lang kita isasama. Hindi ka kasi pwede sa pupuntahan ni Ate. Maybe soon pwede na, kapag pwede ka nang uminom ng tequila–aray, Ninang! Kanina ka pa!" lingon ko sa Ninang ko na sinamaan ako ng tingin.
“Black sheep ka talagang bata ka! Pati ang inosenteng si Mackie idadamay mo sa mga kalokohan mo.”
I rolled my eyes. “Oh come on Ninang. Ten years from now or baka mas maaga pa nga ay hindi na magiging inosente ‘tong si Mackie natin, Ninang.”
“Naku hindi ka na talaga naubusan ng argumento, Maria–”
Tumawa ako at bumeso sa kanya hindi na pinapatapos ang sermon niya. “Ninang, remember Michael?”
“M-Michael? Iyong organizer doon sa fashion show na pinuntahan natin?” nagniningning ang mga matang tanong niya sa akin.
Tumango ako. “I finally got his number. Do you want it?”
“Ay siyempre naman–este, naku Mattie kung ang kapalit din lang naman ay ang pagtakpan kita thanks na lang baka tuluyan na ako ng ama mo kapag napahamak ka–Mattie!” sigaw niya nang tila wala akong narinig at nagtatakbong bumaba ng hagdan.
“I’ll send his number to you later, Ninang!”
“Matilda! Mayayari ka talaga!” sigaw ni Ninang mula sa itaas pero walang takot na ngingisi-ngisi kong pinaikot ang susi ng audi ko sa daliri.
Naglaho ang ngisi na iyon nang saktong paglabas ko sa bahay ay nakita ko ang paparating na kotse ni Maddie. Bumaba si Manong Gardo na siyang driver niya at ipinagbukas siya ng pinto.
Nagpanggap na walang nakitang nilagpasan ko siya para magtungo sa audi ko na binigay sa akin ni Savi nang matalo ko siya sa drag racing a year ago.
“Mattie…”
Natigil ako sa pagbukas ng pinto ng kotse at nilingon si Maddie.
Bagama’t magkamukha ay isang sulyap pa lang ay makikita na ang pagkakaiba namin ng kakambal ko. She looks elegant and smart with her corporate attire. She’s working as the chief operating officer of our family business at the age of twenty four.
Malayong-malayo sa akin na halos isang taon ng tambay mula ng magtapos ng kurso kong BS Administration makalipas ang halos anim na taong palipat-lipat ng kurso at patigil-tigil kapag tinatamad.
Kung hindi pa ako binantaan ng ama kong ipapatapon niya ako sa Canada at aalisan ng allowance, baka undergraduate pa rin ako ngayon.
“What?” taas-kilay kong tanong sa kanya.
“S-saan ka pupunta? Hindi ba interview mo bukas–”
“Mukha bang sa simbahan ang punta ko? I’m going to a club, why? Isusumbong mo ako kina Tatay? Go ahead, doon ka naman magaling,” ismid ko sa kanya.
Lumungkot ang mga mata niya at tangkang lalapit pa sa akin ng talikuran ko siya at pumasok na sa kotse ko.
Bitch…you’re a b***h, Matilda.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang kagustuhan ni Maddie na pigilan ako sa pag-alis. Hindi din nakaligtas sa mga mata ko ang pagsisisi sa mga mata niya.
We used to be close. Best of friends.
But that’s all in the past. Hindi na ngayon. She’s no longer my confidant. My best friend.
We’re just living together because…we’re sisters.
Humigpit ang kapit ko sa manibela at nang makalabas ng subdivision ay binilisan ko ang pagmamaneho. Binuksan ko ang player ko at sinabayan ang malakas na tugtugin.
Wala pang kalahating oras ay nasa Astro Lounge na ako. Isang high-end bar sa BGC na madalas naming puntahan ng mga kaibigan ko.
I grabbed my phone that keeps on ringing in my purse.
“I’m here na nga!” sagot ko kay Zoey.
“Mygad b, kanina pa kami dito. You’re so tagal!”
“Whatever b, may bago bang drinks si Drey?” tanong ko habang naglalakad na papasok sa bar tinutukoy ang bartender na linggo-linggo ay may mga bagong drinks na iniimbento.
“Yes B! Omg! It’s so strong! Tipsy agad si Kate!” pagtawa niya sa kabilang linya.
Ngumisi ako. “Oh really? Order me na that drink. Let’s party!” sigaw ko nang tuluyan na akong makapasok sa Astro.
Hindi ko na kailangang hanapin ang mga bratinella kong mga kaibigan at agad akong nagtungo sa taas.
“Hey, want a drink?”
Nilingon ko ang lalaking umakbay sa akin at nginisian siya bago inalis ang braso niya sa balikat ko.
“Sorry! You’re not my type.”
Hinawi ko ang lalaking sunod namang lalapit sa akin at dire-diretsong nagtungo sa lamesa ng mga kaibigan ko.
“I saw that! He’s handsome!” beso sa akin ni Audrey na nginiwian ko.
“I don’t care. He’s not my type.”
Pinagitnaan ko si Zoey at Audrey matapos kong bumeso kay Althea na mukhang natamaan na nga ng alak dahil nakukuha nang makipaglandian.
“Nasaan si Kate?” tanong ko sa dalawa hinahanap ang isa pa naming bratinella na kaibigan.
“She’s grounded! Tito Nick saw her having s*x with Timothy! Imagine the trauma of his father! OMG talaga!” pagtawa ni Zoey at inabot sa akin ang shot glass na kulay pink ang laman.
Agad kong ininom iyon at napapikit ako sa init na dumaloy sa lalamunan ko. Pero napangiti ako dahil nagustuhan ko ang lasa no’n.
“Grounded? Ano siya, high school?” saad ko na tinawanan nilang dalawa na ikinasimangot ko.
“Nagsalita ang hindi grounded last month. You missed Zandro’s birthday b! It’s your chance pa naman to see Geoff. Remember him? Iyong bet na bet mong president ng council–”
“Well, who told you naman I didn’t meet him? I saw him last week. We had a date and he asked me out.”
Namilog ang mga mata nilang dalawa at napangiwi ako nang magkasabay nilang hinampas ang hita ko.
“OMG! You have a boyfriend na?!”
Umiling ako. “No, I turned down his offer. He’s boring and not a good kisser. Bagay sila ng kakambal ko. Puro trabaho ang bukambibig.”
Napangiwi ang dalawa at sabay akong inilingan.
“Ang pihikan mo! Mygad, kailan mo ba isusuko ‘yang V-card mo?”
Tumayo ako matapos magkakasunod na ininom ang pinky drink na bagong imbento na naman ni Drey.
Hinarap ko sila at matamis na nginitian.
“How about tonight?” kindat ko sa kanilang dalawa at tatawa-tawa ko silang tinalikuran dinig na dinig ang tilian nilang dalawa.
Kidding…Wala akong balak makipag-ONS. May hangganan ang pagiging bitchy at bratinella ko…but a make-out will do…
Mula sa taas ay inilibot ko ang tingin sa mga nagsasayawan na tao sa baba humahanap ng magiging target ko ngayong gabi.
My playmate for tonight.
Huminto ang mata ko sa lalaking pasok sa mga type ko. Tall, dark, dangerous.
Pababa na sana ako nang may mahagip ang mga mata ko. Naglaho ang ngisi sa labi ko at tila huminto ang t***k ng puso ko nang mabistahan ang isang tila pamilyar na lalaki.
Imposible…
“J-JC?”
Kahit alam kong imposible ay nagmamadali akong bumaba nang mawala siya sa paningin ko. Malakas ang t***k ng puso kong sinundan ang direksyon na pinuntahan niya kanina. Pero napasabunot ako sa buhok ko nang hindi ko na siya makita pa.
It’s your imagination, Mattie…
Sa naisip ay napapikit ako at napayuko.
“Give me some Martini.”
Napadilat ako nang marinig ang boses na ‘yon na sa kabila ng malakas na tugtugin ay narinig ko. Pagbaling ko sa kanan ay bumungad sa akin ang nakatalikod na lalaki na pareho ng suot nang nakita ko kanina.
Dahan-dahan ang paghakbang ko papalapit sa kanya. Pero napatigil ako nang humarap siya sa pwesto ko.
Nagtagpo ang tingin naming dalawa at nang matitigan ko siya ay mapait akong napangiti.
Sabi na…imposible eh.
Kahawig niya lang pero hindi siya. Inalis ko ang tingin sa kanya at tangkang tatalikod na nang matigilan. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko at muli siyang nilingon.
Nang muling magtagpo ang tingin naming dalawa ay tumaas ang kilay niya bago iiling-iling na tinalikuran ako. Umawang ang labi ko sa nakuhang reaksyon mula sa kanya.
OMG!
He snubbed me?!