NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS Chapter 8 MAYROONG MAS MALIIT na dining area ang mansion kung saan madalas na kumakain ang mga kasambahay katulad ni Rita at Linda. Matapos mag-siesta ng kambal ay doon dinala ni Aimie ang mga ito para magmiryenda. Saktong isang Linggo nang naroon sa mansion si Aimie bilang tagapag-alaga ng dalawang bata. Sa loob ng pitong araw na iyon ay hindi man lang nakakalabas ng mansion ang mga bata at siyempre gano’n din siya. Kaninang bago magtanghalian ay nagpaalam siya kay Don Bill na kung maaari ay isasama niyang magsimba ang kambal ngunit malungkot siyang sinagot ng Don na sa usaping iyon ay kailangan na permiso ni Battalion ang kukunin niya. Gusto niyang ipasyal ang mga bata sa mall, sa park o kahit saan. Gusto niyang i-enroll ang mga ito sa nursery scho