NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS Chapter 35 “NAKAGUWARDYA SA PALIGID?” Battalion shifted in his seat and transferred his phone to his right ear from the other. “Yes and those men are armed, Boss. Beinte-kuwatro oras ang pagbabantay nila sa paligid ng bahay. Four men are also posted in the entrance of the hacienda.” Pagbibigay-alam ni Emil sa kasalukuyang sitwasyon sa labas ng hacienda. Batid na ni Battalion na si Alphonse ang nawiwiling bumili ng hacienda na nito nga lang niya nalaman na pagmamay-ari ng pamilya ni Aimie ngunit bakit kailangan na bantayan ng mga tauhan nito ang paligid ng Casa de Santillan? Bakit hindi pa namamataan nina Emil na lumabas si Aimie hanggang sa mga oras na iyon? At bakit ang tagal dumating ni Caharian gayung immediate ang pagpapatawag niya rito? Kailangan