NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS Chapter 25 HINDI MALAMAN ni Aimie kung bakit sinusundot ng guilt ang bawat pores niya sa katawan dahil lang sa naroon si Battalion at nakita nitong kasama niya si Colter. Kahit na parang pinagkaitan ng lakas ang kanyang mga tuhod ay pinilit ni Aimie na makatayo. Dinudumog ng kaba ang kanyang dibdib sa mga sandaling iyon. Marahil ay dala na rin ng gulat na makitang naroon si Battalion sa club. Because who would have thought that a person like Battalion Bancroft who avoids crowds and doesn't like the idea of having a good time such as partying and clubbing, surprisingly been seen inside a turmoil club. “Let’s go home now!” Parang nanuyo bigla ang lalamunan ni Aimie nang marinig ang mababa ngunit nakakakilabot na boses na iyon ng kahuli-hulihang lal