Matuling lumipas ang ilang buwan, todo alaga si Zards sa anak habang natutulog ang ina nito, ayaw niyang may ibang nag-aalaga sa anak dahil na rin sa tangka ng covid at iba't ibang variant viruses na kumakalat ngayon sa buong mundo, mas maigi ng makasiguro. Siya ang nagpapaligo kay L.A., nagpapalit ng diaper nito, nagbibihis, at nagpapainom ng mga vitamins ng bata. Ayaw niyang magkikilos muna si Rebecca at baka mabinat ang asawa. Dahil iyon din ang bilin ng doctor sa kanya. "Salamat sa lahat, sa pagmamahal at aruga mo sa amin ni Lawrence," mahinang usal ni Rebecca sa asawa habang nagpapalit ito ng diaper ng kanilang anak. "Basta't para sa pamilya ko, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, by the way, may gusto ka bang kainin, do you want milk, freshfruits?" "I'm not hungry, ibigay mo na