Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kay Zards ang sinabi ni Rebecca. Paano nasabi nito ang mga bagay na iyon? May ginawa ba itong hakbang para ipawalang-bisa ang kasal na nangyayari sa kanila sa private room ng hospital na kinaroroonan nito no'ng isang araw? Pero imposible iyon dahil ang ama nito mismo ang kumontak no'ng judge na nagkasal sa kanila, maliban na lang kung na-unahan ito ni Rebecca at pinaki-usapan ang naturang abogado na gawing fake ang kasal nilang iyon. Dahil kung tuso si Mike, paano maging hindi tuso ang anak nito? Damn it! Hindi niya alam kung ano'ng tinatakbo ng utak ng asawa. Basta ang tanging alam ni Zards. Ipagla-laban niya ang anak niya na ngayo'y nasa sinapupunan ng asawa. Nagmamadaling tinungo ni Zards ang kanyang kotse sa may garage. Pero bago siya tuluyang um