Lihim na nabunutan ng tinik si Dahlia. Mabuti na lamang at nakumbinsi niya ang mataray niyang kaibigan. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga at tinungo ang malaking gate para harapin ang nagwawala daw na si Shantal. Damn! "Papasukin niyo ako!" asik ni Shanice. Awtomatikong tumaas ang kilay ni Dahlia. Masasabi niyang halatang galing sa angkan ng mayamang pamilya ang babae dahil sa awra nito, too bad nga lang dahil asal kalye ang lukaret. Dahlia crossed her arms around her chest habang matiim na nakatitig sa tila baliw na nagsisigaw sa labas ng gate ng mga Razon. "What is your purpose here and why are you making a fuss?" tanong ni Dahlia sa naturang babae, pinipigilan niya ang mag-taray, pero halata ang diin sa mga salitang binitiwan niya. Ngumisi lang ng mapakla si Shanice